Chapter 26: Oh no! Its Laley

317 6 0
                                    


Ayesha's Pov

"Gio?" Lumapit sya sa akin na makikita mong bakas sa mukha nya ang pagaalala. Ang akala ko hindi sya pwedeng sumunod dito dahil ang sabi nya sa akin ay may tatapusin syang trabaho. Tsaka bakit mukha syang nakipag away, lukot lukot ang damit, gulo gulo ang buhok at may pasa pa sa pisngi at duguan ang labi. "A-anong nangyare sayo?"

"Wag mo kong intindihin ayesha, ako ang dapat magtanong sayo nyan, anong ginawa sayo ni jd?" Nagulat ako dahil sa pagiging sarkastiko nya. Bakit hindi nya ginalang si jd? At isa pa diba Ms. Ayesha ang tawag nya sa akin, wala namang kaso sa akin kung ayesha lang ang tawag nya sakin dahil yun naman talaga ang dapat pero nakakabigla lang talaga.

"G-gio" yan nalang ang lumabas sa bibig ko dahil sa madilim na awrang dala ni gio ngayon. Ang layo nya sa gio na nakilala ko nuon.

Lumapit pa sya sa akin at saka ako yinakap ng napakahigpit. Nadala na din ako nang pangyayare kaya hindi ko na namalayan ang sarili ko na niyakap ko na rin sya

"Wag kang magalala ligtas kana" bigla akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at saka parang nagtatakang tumingin sa mga mata nya. Anong ibig nyang sabihin na ligtas na ako?

"Ha?" Tanong ko. Tumingin naman sya sa akin na para bang nagulat sya sa reaksiyon ko.

"Ah haha wala po Ms. Ayesha, tara na po?"

"Saan tayo pupunta?"

"Uuwi na po tayo sa inyo. Hahatid ko na po kayo kay Nany Elissa" bigla namang parang pumalakpak ang dalawa kong tenga sa narinig ko.

"Talaga? Yeheeey!!" Dahil sa sobrang tuwa ko nayakap ko ulit sya at sa pagkakataong ito nakaramdam ako ng hiya dahil sa nagawa ko "sorry naexcite lang ako hehe"

"Hahaha! Okay lang po Ms. Ayesha, tara na po?" Bumaba na ako ng kama at saka sana maglalakad na sana nang maalala ko na kasama ko pala si jd.

"Ah si jd nga pala, kasama ba natin sya pauwi?" Tanong ko sa kanya. Nagkamot naman ito ng ulo at saka nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Feeling ko may mali sa kinikilos ni gio ngayon.

"Hindi na po, mauuna na po tayo dahil may aasikasuhin pa daw po siya dito" tumango nalang ako bilang sagot. Para naman akong nadismaya sa sinabi ni gio, sabi kasi ni jd igagala nya daw ako dito sa buong palawan. Hayss yung lalaki talaga na yun lagi nalang akong pinapaasa. Bakit kasi nageexpect pako sa isang tulad nya? Nakakainis ha!

Jd's Pov

"Sir wala po dun si mam ayesha" hindi nako magtataka kung bakit ang bilis nawala ni ayesha sa kwarto nya sa hospital. Si gio lang naman ang may kayang gumawa nun. Sigurado ako na si gio ang kasama nya ngayon.

"Who's Ayesha?" Tanong ng babaeng tuko sa akin, kung makakapit naman kasi sakin akala mo parang butiki na nakadikit sa pader.

"My fiancé" determinado kong sagot. Baka this time dumistansya na sya sa akin, pero mas lalo pa nyang hinigpitan ang pagkakakapit sa akin.

"No! You're mine! I don't care if you're getting married or nah. We're having our baby! So definitely YOU ARE MINE! Urgh!!" Sa sobrang kapit nito sa braso ko halos kumalas na iyon sa katawan ko. Crap! Ang sakit!

Nagkasundo kaming dalawa na isasama ko sya sa manila. Pero hindi kami titira sa iisang bahay, ipapaalaga ko sya sa isang nurse para matutukan ang pagbubuntis nya, at first she didn't agreed with that. Sabi ko kasi nung una nasa baby ang care ko kaya once na lumabas na iyon kukunin ko na sa kanya but she threatened me, she said that magpapakamatay sya together with the baby kung ganun lang naman daw ang mangyayari. But one thing that surely hit me bigtime.

~flashback~

"No hindi ko anak yan" Darn! That was just an accident. Hindi ko naman alam na mabubuntis sya. I was drunk that night, ang naaalala ko lang nun ay kausap ko sya sa isang table tapos after that nagblock out na lahat and the next thing i know is nakahiga na kaming dalawa sa kama, walang suot na damit.

"Kaylangan ko pa bang patunayan sayo?!" May kinuha syang cellphone sa bag nya at saka iyon kinalikot. "Look, here's the evidence. Parehas nating ginusto to. Sabihin mo sakin ngayon kung hindi mo parin ba anak tong nasa tiyan ko" kitang kita ko ang sarili ko na mahimbing na natutulog dahil sa sobrang kalasingan.

"Magkano kaylangan mo?" She slapped me in my face. Makikita mong nangingilid ang luha nito.

"Marami akong pera! Do you know Mr. Rouxie Lou?" Napatango nalang ako, kilalang kilala ko si Tito Rouxie. Of course, sino ba namang hindi makakakilala sa kanya? He's one of the famous director in showbiz at isa pa sya din ang pinakamatalik na kaybigan ni daddy. "He's my dad" Bigla akong napatingin sa kanya.

"Laley?" I whispered

"Yes jakie" what the hell? Ibig sabihin sya yung kababata ko. I thought patay na sya? What the hell! I can't help myself from cursing. Like what the fuck? Tito Rouxie said that laley is in comatose. Lying in bed for 8 months tapos simula nuon hindi ko na sya nakita, hindi ko na alam ang nangyare, wala nakong balita dahil nagkaron ng alitan sa pagitan nang mga father namin.

"I thought you were dead" i saw the shock in her face.

"Of course im not pero kapag hindi mo pinanagutan 'tong nasa tiyan ko, baka magkatotoo yang paniniwala mo" and then she gave me a terrific smile.

~end of flashback~

Ngayon mas lumaki ang care ko sa bata together with laley. Yes, laley is my childhood playmate, sister and first love. 8 years old palang kami nuon at palagi naming nilalaro ang kasal kasalan dahil iyon ang pangako namin sa isa't isa kapag tumanda kami. Pero dumating nalang yung time na bigla syang bumulagta sa sahig, i thought that was just a joke na naghimatay himatayan sya dahil "you may know kiss the bride" na ang eksena namin nuon. Pero mayroon na pala siyang sakit na hindi sinasabe ni Tito Rouxie at Tita Shana.

I really missed laley so much. Its been 15 years. Alam ko puppy love lang ang meron kami nuon dahil kay Carmella ko naramdaman ang totoong pagmamahal. Ngayong dumating na ulit si laley hindi ko na alam ang nararamdaman ko dahil pati si Ayesha ginugulo narin ang pagtibok ng puso ko.

__________________________

Yeheeeey!!! 26 chapters survived!!! Mga 100 chapters pa siguro hahahaha! Joke nasa gitna na tayo! Thankyou for reading guys kahit dami ko gagawin nasisingit ko padin to and my supportive boyfriend didn't fail to remind me na magupdate sa story na to dahil avid reader din sya ng #PB hahahaha!

I really love him so much lol. Magbasa ka lang dyan love, for sure you'll like this part.

VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon