Chapter 5 : Wedding?

386 6 0
                                    




Ayesha's Pov

"Iiyak ka nalang ba dyan?" Nagulat ako ng biglang lumabas ng silid si Kamote. Pinunasan ko ang mga pisngi ko na basang basa nang luha at saka inayos ang buhok kong medyo basa pa.

"Uuwi nako, humanap ka nalang ng ibang papakasalanan mo" hinarap ko sya at parang nagulat sya ng sabihin ko ang mga salitang iyon.

Agad namang napawi ang pagkagulat nya at napalitan ito ng malamig at walang kabuhay buhay na awra. "So do you think ganun nalang yun?" Bigla nalang itong dumilat at saka nilapit ang mukha nito sa mukha ko "No way! Nagbayad ako ng malaki para sayo at pumirma ako sa kontrata namin ni Mr. Chan" sigaw nito at saka inilayo ang mukha. "Tara na" usal nito at saka ako pwersahang hinila palabas ng condo nya.

Bwisit talaga! Hindi ko to ginusto! Kahit ni katiting na nangyayare ngayon sa buhay ko wala akong nagustuhan! May mga pangako ako sa magulang ko na tutulungan ko muna ang mga kapatid ko bago ako magasawa! At isa pa hindi ganyang asawa ang pinangarap ko. Oo mayaman nga sya ubod naman ng sama ang ugali. Juskuuuuu!!!

Nang makasakay ako sa passenger seat ng kotse nya ay hindi mapigilang mapayukom ang mga kamao ko dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon.

Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan dahil daw pasado alas otso na at hindi pa kami nakakarating duon sa lugar kung saan kami ikakasal.

"Pwede bang dahan dahan lang?" Takte parang feeling ko ano mang oras lilipad nako sa kinauupuan ko ngayon dito dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nya.

"Shut the fuck up! This is your fault! Kung hindi ka nagmakupad kanina edi sana nanduon na tayo!" Ee? Ako ba naman ang sinisi eh ikaw nga tong may kasalanan kung bakit napatagal tayo dahil pinagtangkaan mo pako kanina.

Hindi nalang ako kumibo at hinigpitan ang kapit sa kinauupuan ko. Eh ano pa nga bang magagawa ko kung makikipag talo pako sa kanya.

Lalong napahigpit ang kapit ko sa kinauupuan ko ng biglang may tumawid na kung ano sa harapan namin, dahil sa bilis ng pangyayari napapikit nalang ako ng makarinig ako ng isang malakas na kalampag ng sasakyan. Ingay ng tao at mga busina ng mga maiingay na sasakayan ang naririnig ko. Nang imulat ko ang aking mga mata nakita ko nalang ang duguang katawan ng lalaking nasa tabi ko. At hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare...

____________

Sorry sa napaka ikli at napaka tagal kong update mga momsh :(

Ginagawa ko na din kasi yung isa kong story Love You 'Till Tragedy Gone #LYTTG

Love y'all guys!

VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon