Chapter 43: Part of the plan

123 2 0
                                    

Ayesha's Pov

Nandito ako ngayon sa rooftop ng hospital. Pinapanuod ang mga bituwin. Nakakawala ng stress ang ganitong mga bagay, para kasing may kung anong charm yung mga stars na pwedeng magpawala ng bigat ng nararamdaman mo.

"Any problem na bumabother sayo ngayon?" Napatingin ako sa gilid ko ng biglang may magsalita. Si gio, pano nya naman nalamang nandito ako. "Speak out, i will listen" tinitigan nya ako na para bang binabasa kung ano ang nasa isip ko. Umiling nalang ako bilang sagot at saka yumuko. "Fine, i'll respect you. I'll stay here nalang hanggang sa matapos ka ng ilabas lahat ng sama ng loob mo"

"Ganun mo ba talaga ako kagusto?" Umiling sya bilang sagot pero hindi nya parin inaalis ang tingin nya. Seryoso lang syang nakatitig at sa tingin ko tunaw na tunaw na ako sa mga tingin nya.

"No... I don't like you" tumingin sya sa langit at huminga ng malalim. Ibinalik nya ang tingin nya sa akin na para bang naluluha na.

"Haha! Because you love me?" pagbibiro ko dahil alam ko namang yun na ang kasunod ng banat nya. Nakatitig parin sya sa akin at parang napapansin kong nagpipigil na sya ng luha dahil kinakagat nya na ang ilalim ng labi nya.

"Hindi, pinalabas ko lang na may gusto ako sayo para makaganti kay jd" napalitan ng galit ang ekspresyon ng mukha nya, pero hindi na sya nakatingin sakin ng sabihin nya ang mga salitang iyon. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib dahil nasaktan ako sa mga sinabi nya.

"Bakit hindi mo nalang sya pinatid para makaganti ka? Hahaha! Kasi nung bata ako kapag meron akong kaaway at gusto kong makaganti, pinapatid ko nalang para mapahiya sya. 'yun ang way ng paghihiganti ko" hindi ko na alam ang ginagawa nya dahil nakayuko na sya ngayon at umaangat angat ang balikat nya. Umiiyak ba sya o tumatawa lang?

"It's not just like that" humarap na sya sa akin at saka ako hinawakan sa magkabilang balikat. "Hindi naman talaga kita gusto.. kasinungalingan lahat ng pinapakita ko sayo. Lahat ng 'yon palabas lang. Lahat ng 'yon ay isang parte lang ng plano" dere-deretyo nyang salita. Nakatingin sya sa mga mata ko, hindi ko na mabasa ang nasa isip nya at hindi ko na alam ang nangyayari basta ang alam ko lang nakakaramdam ako ngayon ng sakit... Sakit sa puso

"Joke time?" Pinilit kong magbiro at pakalmahin ang sarili ko. Ito nalang ang paraan para maibsan ang sakit dahil hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nya.

Ano ba gio!? Katulad ka na din ba ni jd na mahilig sa mga eksena? Tapos pagkatapos nito sasabihin mong joke lang kapag napaiyak mo nako? Okay sige na iiyak nako.

"I don't like you. Wala akong nararamdaman para sayo. Plano lang lahat ng 'to" bawat salita ay mariin ang pagkakasabi nya. May punto at sinisiguro nya talagang maririnig ko lahat, hinihintay kong sabihin nyang joke lang yun pero ibang mga salita ang lumalabas sa bibig nya na naging dahilan para mas lalong ikasakit ng puso ko.

Hindi ko alam pero nasasaktan na talaga ako sa mga sinasabi nya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi umiyak. Hindi ako malakas, hindi ako magaling magpigil ng mga luha. Hindi ako kasing tatag ng ibang tao na nakangiti parin kahit sinasabihan na ng masasakit na salita. Kapag nasasaktan ako, nasasaktan ako. Iiyak ako kung kinakailangan dahil kung hindi, sasabog ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

"Ang galing mo namang magpanggap, kasi kahit ang puso ko napaniwala mong totoo lahat ng pinakita mo sakin kahit na parte lang pala yun ng mga plano mo. Sana alam ko, sana gio sinabihan mo ako para kahit noong una palang pinigilan ko na ang sarili ko para mahulog sa mga pinakita at pinaramdam mo sa akin. Ngayon, nalaman ko ng hindi pala yun totoo hindi ko alam kung paano ako makakabangon sa lahat ng sakit, problema at paghihirap na nangyayari ngayon sa buhay ko. Hindi ko alam kung paano pa kita aalisin sa buhay ko kasi kahit saang sulok ng mata ko ikaw lang nakikita ko, ikaw ang naaalala ko"

"Salamat, kasi ang galing mo humanap ng pagkakataon at tyempo pa talaga na ngayon mo sinabi sakin yan kung kaylan ang dami kong problema hahaha! Okay lang haha! Para isahang sakit nalang, para bago ako pumikit magdadasal ako at tatanungin ko ang diyos kung ano bang nagawa kong mali para maranasan lahat ng 'to. Hindi ako nagrereklamo, masyado lang unfair ang mundo kasi bakit sabay sabay pa yung sakit, hindi ba pwedeng isa isa muna kasi feeling ko hindi ko na kaya"

"Kasi gio mahal na talaga kita.. mahal na mahal kita" niyakap ko nalang sya para kahit sa huling pagkakataon mapagbigyan ko naman ang puso ko "..salamat sa lahat" unti unti kong naramdaman na parang niyakap nya din ako pabalik. Naiyak nalang talaga ako sa nangyayari ngayon. Ayoko na.. ayoko nang matapos ang sandaling to.

"Ayesha.." bulong nya.

I will love the light for it shows me the way; yet i will love the darkness for it shows me the stars, dahil alam kong hindi ko makikita ang totoong ganda ng buhay kung hindi ako dadaan sa madilim na parte nito.

___________________________________________

Desidido nako! Pahahabain ko pa ang story na toooo!!!

               VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon