Chapter 38: The official wedding

185 7 1
                                    



Ayesha's Pov

"Bakit biglaan naman?" Ano nanaman bang tama ang meron kay jd at bakit biglaan naman ang pagaya nya sa akin.

"We need to talk" ayan ka nanaman sa we need to talk jd ha! Tapos dadalhin mo nanaman ako kung saan saang lugar.

"Bakit hindi nalang dito sa bahay?" Kinakabahan talaga ako kapag nandyan si jd. Parang anytime magroroad trip nanaman kami kung saan saan at baka this time kapag matindi na ang topak nya. Baka iwan nya na ako sa isang lugar na hindi ko alam.

"No this is a serious and important thing. Dondi is on his way there, he's going to pick you up. May dala syang damit at yun ang kaylangan mong suotin papunta rito. Understood?" Sumangayon nalang ako sa kanya at saka ko na pinatay ang tawag. Oo nga pala, si jd din ang bumili ng bagong kong phone. Hindi siguro kinaya ng konsensya nya ang pagsira sa dati kong cellphone. Pero kahit gaano man kamahal at kaganda ang cellphone na 'to, hindi nito mapapalitan ang halaga ng cellphone na ibinigay sa akin ni papa.

Naisip ko namang tawagan si gio para ipaalam sa kanya na magkikita kami ni jd. Ewan ko, may kutob lang kasi talaga ako na may balak nanamang magroadtrip tong si jd at malakas nanaman ang tama nya.

"Hello yesang?" Natawa naman ako sa tinawag na pangalan sa akin ni gio dahil ngayon ko lang ito narinig. Hahahaha! Seriously yesang talaga?

"Hahaha! Saan mo nakuha yang pangalan na yan?" Tumawa naman sya pabalik.

"Wala lang! Hahaha lagi kasing nasa isip ko ang pangalan mo kaya kung ano ano nang iba pang pangalan ang naiisip ko. Korni ba?" Rinig ko naman sa boses nya ang pagkalungkot at tumawa nalang ako.

"Hindi ah! Cute kaya!" Nagtawanan nalang kaming dalawa hanggang sa nakalimutan ko na ang dapat kong sabihin. Hindi talaga pumapalya si gio para pasayahin ako. Nandyan parin sya para pasiglahin ang buong araw ko.

"Bakit ka nga pala napatawag yesang ko?" Gio naman! Ayoko nang ganyan ka sakin dahil konti nalang, mahuhulog na din ako sayo.

"Ano ba! Hahaha! Diba sabi ko sayo h'wag kang ganyan sakin" seryoso, nakakadala na din kasi yung mga sweetness nya. Yung pabreakfast nya at palunch kasama na din yung minsang dinner date.

Nagtanong nga si mama sa akin kung kanino daw ba talaga ako ikakasal. Tumawa nalang ako bilang sagot dahil kapag naiisip kong kay jd, parang nalulungkot ako. May part sa akin na ayoko syang pakasalanan pero wala akong choice dahil merong kontrata.

Kapag si gio naman ang naiisip kong pakakasalan ko parang ang saya saya ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit, pero baka dahil nasanay na din ako na lagi syang nandyan para pasayahin at alagaan ako. Pero iba parin talaga tong nararamdaman ko, mahal ko na ba sya?

"Hayaan mo na kasi akong gawin yung mga ganitong bagay. Baka pag binawalan mo pako lalo, mas lalo akong mangulit at ligawan na kita" parang may kung ano namang insekto ang nagwala sa tyan ko dahil sa sinabe nya.

Bigla namang may bumosina mula sa labas at sa tingin ko si Dondi na 'yun. Oo nga pala hindi ko pa nasasabi kay Gio kung bakit ako tumawag sa kanya. Ibang klase naman kasi kung mambola ang isang 'to.

"Oo nga pala gio, tumawag kasi sakin si jd kanina. Kaylangan daw namin magkita dahil may sasabihin sya sa akin na importante. Nandito na si Dondi, inutusan para sunduin ako. Magaayos muna ako ha?" Ibababa ko na sana ang telepono pero bigla akong inawat ni gio.

"Teka teka yesang ko. Saan naman kayo magkikita?" Wala namang sinabe sa akin si jd kung saan kami magkikita, basta sinabe nya lang na susunduin ako ni Dondi.

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon