Chapter 23: Orphan

329 4 0
                                    



Ayesha's Pov

"Pa bakit?" Tanong ko sa kanya. Kumalas sya sa pagkakayap sa akin at saka ako hinawakan sa magkabilang balikat. Hindi mo mababakas sa mukha nya ang pagaalala, lungkot, saya, pighati o kahit na ano pa mang emosyon. In short walang ekspresyon sa mukha nya. Nakatitig lang sya sa akin na parang sinusuri ang kabuoan ng mukha ko.

"Hindi kita kilala" para akong tumigas na yelo sa kinatatayuan ko.

Hindi kita kilala
Hindi kita kilala
Hindi kita kilala

"P-papa ako to, s-si Ayesha. Ako to yung anak nyo" pagkukumbinsi ko sa kanya. Alam kong kilala nya ako, nararamdaman ko yun nagpapanggap lang sya eh. Alam kong gustong gusto nya akong makita.

"Pasensya na hija pero hindi talaga kita kilala eh" inalis nya ang kamay nya na nakahawak sa mga balikat ko at saka pinulot ang walis at nagumpisa nang maglakad pero hinabol ko sya at hinawakan sa kamay. Hindi pwedeng hindi nya ako kilala

"P-pero niyakap nyo ho ko kanina" nilingon nya ako at saka tinggal ang kamay ko na nakahawak sa mga kamay nya.

"Akala ko kasi hija ikaw ang asawa ko. Pasensya na ah" si mama ba ang tinutukoy nya?

"Si Elissa ho ba?" Tanong ko. Bahagya namang kumunot ang noo nya at saka maayos na humarap sa akin.

"Sinong Elissa? Marga ang pangalan ng asawa ko" m-marga? Sinong marga?

"Tay" napatingin naman ako sa batang lalaki na halos kasing edad lang ni peypey. Bakit nya tinawag na tatay ang papa ko?

"Oh anak akala ko ba bukas pa ang uwi nyo dito?" Lumapit ang batang lalaki at saka nagmano kay papa. A-anak nya ba yung batang to? Bakit ang bilis? Magaapat na taon palang ang nakakalipas ah.

"Sino po yang kausap nyo?" Hindi ako makapagsalita. Para akong naistatwa dahil sa mga naririnig ko. Hindi matanggap nang utak ko ang mga nangyayare ngayon.

"Ah wala anak. Akala kasi nya ako ang tatay nya. Nasan baga ang nanay mo? Namiss ko kayo ah. Tara nga sa loob" naglakad sila paalis sa direksyon ko. Masaya silang naguusap papasok sa loob ng bahay. Wala akong nagawa kundi ang umiyak nalang. Akala ko masasagot na lahat ng tanong ko kapag nagkita na kami ni papa pero hindi ko alam na mas madadagdagan pa pala iyon.

Nanlabo lahat ng nakikita ko. Hindi ako makakilos. Tanging pagiyak ko lang ang naririnig ko ngayon, kasabay ng pagbagsak ko sa lupa ang bigat ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Hindi ko na kaya...

Jd's Pov

"Shit!" Napamura nalang ako ng makita ko si ayesha na biglang bumagsak sa lupa. Nawalan sya ng malay dahil sa tindi ng pagiyak nya.

"Dondi! Help me, itakbo natin sya sa hospital" binuhat sya ng isa sa mga tauhan ko na si Dondi. Nagulat nalang ako ng hindi nya ito ipinasok sa sasakyan. What the hell? Bakit sya tumatakbo?

"Hoy! Saan mo dadalhin yan?" Sigaw ko. He stop from running.

"Eh sir diba sabi mo itakbo ko sa hospital?" Argh! Why did i do to have this kind of idiot body guard? Literal talagang itinakbo ang loko.

"What i really mean is, dalhin natin sya. Hindi yung itakbo mo ng literal. Use your brain!" Sigaw ko at saka pumasok ng sasakyan para magdrive. Sa mga ganitong sitwasyon nagagamit ko ang pagiging driver ko ng mga sports car. Sanay kasi akong magpatakbo ng mabilis.

__________

"How's the patient?" Tanong ko sa doctor nang makalabas sya sa kwarto ni ayesha.

"She's fine. Nanariwa lang ang tahi nya sa likod kaya nakaramdam sya ng pagkahilo at panghihina" mabuti naman. Hindi ko na nagawa pang sumagot sa doctor at agad akong pumasok sa loob ng kwarto ni ayesha. Nadatnan ko syang umiiyak.

"Ayesha" i sighed. She look at me with a teary eyes.

"J-jd" banggit nya sa pangalan ko habang hinahabol ang paghinga. She looks like a mess.

"Don't mind him. Maybe because he has his own reasons why he pushes you away" I cares her back. I was shocked when she hugs me.

"Ang sakit kasi na parang ituring nya ako eh ibang tao" tinggal ko sya sa pagkakayap sa akin at saka ako umupo sa tabi nya.

"I can listen" seryoso kong wika.

"Ang tagal ko syang hinanap. Mag aapat na taon, mag-aapat na taon na simula nuong iniwan nya kami nila mama ng wala kaming alam na magkakapatid. Sobrang hirap nang dinanas ko nuon dahil ako na yung nagsilbing ina at ama sa dalawa kong kapatid dahil nagkasakit si mama. Ginawa nyang miserable ang buhay namin. Tapos ngayon sasabihin nyang hindi nya ako kilala? Hindi nya kilala si mama? Napakawalang kwenta nyang ama!"

"Wag mong pagsalitaan ng ganyan ang papa mo" hindi naman nya talaga dapat sinasabe ang bagay na yan.

"Bakit jd totoo naman diba? Wala syang kwentang ama!"

"But he still your father!"

"Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko!"

"Alam ko ayesha. Alam ko ang nararamdaman mo, alam ko ang pakiramdam ng walang ama. Buti nga ikaw nandyan yung tatay mo kahit hindi ka nya maalala eh. Maraming rason kung bakit nangyare yun sayo..." Huminga ako ng malalim para makontrol ang pagtaas ng boses ko

"2 years ago my dad passed away because of car accident. Sobrang sakit sa amin ng mom ko pero hindi ako umiyak, ayokong umiyak dahil kaylangan ako ng mom ko. Akala ko maaalagaan ko si mommy pero 2 months after ng burol ni dad sumunod na din sya. Sobrang sakit para sa akin nun ayesha. Duon na ako umiyak, sinisi ko ang sarili ko sa mga nangyare. Pinanghinaan ako ng loob pero kinaya ko kahit wala na akong magulang na mayayakap kapag meron akong problema" Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagpatak ng mga luha ko

"Maswerte ka pa dahil nandyan pa sila lalo na ang tatay mo, dahil ang mga taong katulad ko na nawalan na nang magulang ay sobrang nananabik sa pagmamahal at pagkalinga ng isang ina lalo na't ang ama. Swerte ka pa ayesha" lumabas ako ng kwarto para ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sabi ko sa sarili ko hindi ko na babalikan pa ang masasakit na parte ng buhay ko na yun.

__________________________

Napaka madamdamin naman pala ng buhay ni jd ;'(

          VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon