Chapter 7: Comeback

388 5 0
                                    



Gio's Pov

"Ikaw naman kasi ang kulit mo eh. Sabi ko sayo magdahan dahan ka lang sa pagmamaneho mo. Tignan mo ang nangyare. Parehas pa tayong nasaktan, pero parang nagustuhan ko na din tong nangyare kasi hindi natuloy na ikasal ako sa isang tulad mong... Mayabang, Antipatiko, Mapanghusga at Manyak" tama ba yung narinig ko? Si sir Jd? Sabagay antipatiko naman talaga yun ee. Mapanghusga? Naranasan ko na yun kay sir hindi na siguro ako magtataka. Pero mayabang? at Manyak? Pano yun ee madalang pa sa tilaok ng manok sa tanghali magsalita yan ee. Pero kung matsempuhan mong nasa mood yun makakausap mo ng maayos yun.

"Pasensya kana pero yan ata ang karma mo sa ginawa mo sakin kanina" nang makita ko syang tumayo agad akong umalis sa pintuan na kinatatayuan ko. Nagpanggap ako na parang may kausap sa cellphone. Nang makita kong nakalayo na sya agad akong pumasok sa kwarto ni Sir Jd.

Nagtataka talaga ako dun sa mga sinabe nung babae. Hindi kaya sya yung dapat papakasalan ni sir? Pero bakit ganun ang itsura. Expected ko na maganda, sexy, maputi at mayaman ang tipo ng babae ni sir. Anong nangyare?

Ring....

"Hello po Ms. Carmela."

[Where's Jd?! How is he?]

"We're in a hospital. And unconscious padin sya until now"

[Owmyghad! Young! Saang hospital yan? Gusto ko syang makita. Gusto kong makita si jd]

"I'll send you the location po Ms. Carmela"

[Okay! Faster!] then she hang up the phone.

Sinend ko na agad kay Ms. Carmela ang location nitong hospital pati narin ang room number ni sir jd, kapag hindi ko kasi agad naibigay sa kanya yun baka magwala sya pag dating nya dito. Alam na alam ko na ang ugali ni Ms. Carmela sa tatlong taon ba naman na magkakilala kami sino bang hindi makakaalam? Naghintay pa ako ng ilang minuto at ito na nga ang inaasahan ko si Ms. Carmella na parang tanga sa sobrang ka OA-yan.

"Ohmyghad jd!" Banggit nya sa pangalan ni sir habang nagtatakip ng bibig. "Who did this to you? Tell me what happened jd" para namang sasagot si sir sayo.

Ayesha's Pov

"Ayesha hindi kapa pwedeng umuwi! Hindi ka pa daw okay sabi ng doctor" eh bakit ba ang higpit higpit dito. Tsaka sino bang hindi okay? Ako ba? Okay na okay kaya ako ulo at likod lang naman ang masakit sakin ha?

"Gusto ko na nga kasing makita sila mama" namimiss ko na nga sila eh. Hindi ko alam kung anong lagay ni mama ngayon.

"Ayesha makinig ka sakin" biglang sumeryoso ang paligid ko. Biglang tumahimik. Pati ang mahigpit na paghawak ni michelle sa braso ko parang lumuwag. "Hindi ka pa pwedeng umuwi kasi sabi ng doctor kaylangan ka daw operahan mamayang gabi" para akong nabingi sa sinabi nya. Operahan? Wala namang dapat operahan sakin ah? "Pero ikaw kung gusto mong umuwi sige, concern lang ako sayo ayesha"

Nakaramdam ako ng biglang pagkahilo kaya medyo nawalan ako ng balanse dahilan para mapaupo ako sa kama.

Jd's Pov

Is that Carmela's voice? What the hell is she doing here? Where on eart am i?

"Jd!" Ginalaw ko ang mga daliri ko at unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Nakita ko si carmela sa gilid ko at si young na malapit sa pinto.

"What I'm doing here?" I ask. Naalala ko yung huli kong natandaan. That girl. We're arguing about something and after a couple of minute all the things went black out.

"Jd what happened?" Carmela ask. As if she's concerned about me.

"Jd! Ano ba!" Sigaw nito. Hindi ako sumasagot. Tahimik lang akong nakatingin ng masama kay young. Alam nya na ang ibig kong sabihin. "Magsalita ka naman please. Look im just concerned here"

"Get out" mahinahon pero maawtoridad kong pakiusap.

"No jd! I'll stay here"

"What do you want?"

"N-nothing i just wanted to see you"

"For what? To use me again? Carmela matagal na tayong tapos. You're just a kind of a gold digger. Pareparehas kayong lahat! User!"
Bahagya naman akong nahilo dahil sa pagkakasigaw ko. "Now get the hell out of my face" mahinahon kong sabi

"But jd, let me expla.."

"You have nothing to explain carmela" tumingin ako kay young at saka tumango

"Tara na po Ms. Carmela"

"No you can't do this to me jake david. I know you still love me"

"Young!!!"

"Y-yes sir"

Nang makalabas na sila biglang nanariwa sakin ang lahat. Naalala ko ang nakaraan. Ang masakit na nakaraan.

~flashback~

Sinundan ko si carmela. Hindi ako papayag na makipag hiwalay sya sakin. 3 years! 3 years ko syang inalagaan at iningatan tapos sa isang iglap lang mawawala na lahat.

Nakita kong huminto ang sasakyan nya sa harap ng bahay nila nang bumaba sya hindi sya nagiisa kasama nya ang isang lalaki. Si Travis Van Alterman. Business partner ng daddy nya. Aaminin ko mas kilala ang lalaking yan, mas mayaman at mas malaki ang company na pinapatakbo nya. Bumaba ako ng sasakyan para kausapin sya.

"Carmela!" Sigaw ko. Parang gulat na lumingon sakin si carmela at seryoso namang nakatitig sakin si travis. Magkahawak kamay sila?

"J-jd?" Naluluha nitong banggit sa pangalan ko.

"Who's that guy?" Tanong ni travis kay carmela

"She's/He's my Girlfriend/Friend" sabay naming sagot. A-anong kaybigan?

"He's just my friend" paguulit nito. Para naman akong nastock sa kinatatayuan ko ng sabihin nya ang mga salitang yun. B-bakit kaybigan lang? Lumapit naman ako para yakapin sya ng biglang humarang si travis para itulak ako dahilan para ako ay mapaupo sa semento.

"Don't touch my fiancé" wika nito.

"F-fiancé?" hindi makapaniwala kong tanong?

"Yeah. Come on babe" iniwan nila akong mukhang tangang nakaupo sa daan. Hindi makapaniwala sa mga nangyayare. Ang babaeng mahal na mahal ko.

~End of Flashback~

__________➰__________

Sorry sa mga wrong grammar and sa mga use of words.

Gio Young ang totoong pangalan ng secretary ni Jd. Wag na kayong magtaka kung sino yung Gio na nagkaunang point of view dito sa chapter 7.

Basahin nyo din po yung isa ko pang story na Love You 'Till Tragedy Gone #lyttg. May pagka spg pero may romance at nakakatawang scene . Maldita, bitch, mangaagaw yung bida dun ee hahahah! Sorry ang pangit ng image nya. Pero sana madala kayo nung story.

VOTE-COMMENT-SHARE

Penniless BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon