Paula's POV
Nasa school ako ngayon at lunch break namin kaya nagtext ako kay Shaun na nasa canteen nako.
Me:
Nasa canteen na ako. asan kana ba? I'm hungry :3
Nilapag ko sa table ang phone ko at tinitigan nalang iyon. Asan na ba kase sya? Kanina pa sya hindi nagrereply sa akin. 10 minutes na ang lumipas pero wala pa din syang reply naiinis na ako. Kanina pa syang umaga! Hindi man lang ako sinundo o tinext na hindi sya makakapunta sa amin at ang masama doon hanggang ngayon hindi pa din sya nagrereply! Tumayo ako at nag order nalang ng makakain ako. Peste sya! Siguro nambababae na naman yon kaya wala. Nang makaorder na ako bumalik ako sa table at nag umpisa ng kumain sinilip ko naman ang phone ko para matignan kung nagreply na ba sya pero wala pa din. Sinusubukan talaga niya ang pasyensya ko. Sige gusto mo pala ng ganito Shaun Dale Mendez, I'll make sure you're gonna be pissed. Tapos na akong kumain kaya bumalik ako sa room at tumungo nalang. Masakit ulo ko kaya wag na wag silang magkakamaling lapitan ako at kausapin dahil sa kanila ko talaga ibubunton init ng ulo ko.
"Paula" may sumusundot sa tagiliran ko. At hindi ko nalang pinansin.
"Uyy" kinulbit naman nya ako.
"Gising!" Ang kulit eh! Natutulog ako. Sa inis ko galit kong hinarap yung pesteng maligalig na to.
"Ano?!" Inis kong tanong. Wag nila akong makulit kulit ngayon mainit ulo ko!
"Nandito na si Sir!" Sagot nya kaya napatingin ako sa unahan at nandun na nga si Sir.
"Tss" takte nasakit tuloy ulo ko eh. Umubob ulit ako saglit at pumikit hindi mawala yung sakit at medyo masama pakiramdam ko ngayon.
"Okay ka lang ba?" Kinulbit ulit ako ni Rhea.
"Hinde" tipid kong sagot.
"Hala. Bakit? Masama ba pakiramdam mo?" Tinignan ko sya.
"Masakit ulo ko at hindi maganda pakiramdam ko. Mainit din ulo ko kaya please lang wag mo akong ligaligin, Rhea" sabe ko.
"Ahh sige. Edi pumunta ka ng clinic o kaya umuwi kana lang" sabe nya.
"Wag na" sabe ko.
"Kesa naman tuluyan ka pang magkasakit" alam kong nag aalala sya. Ngumiti nalang ako at umiling.
"Okay lang ayoko sa clinic" sabe ko.
"Ikaw bahala" sabe nya at hindi na kumibo. Nang matapos ang klase namin sa maghapong to dumiretso ako ng uwi dahil sobrang sakit ng ulo ko. Nang makarating ako sa bahay umakyat muna ako sa kwarto para magbihis. Pababa na ako ng hagdan papuntang kitchen at naka salubong ko si manang na may dalang bouquet kaya kumunot ang noo ko.
"Hija, pinapabigay ng boyfriend mo" mas lalong kumunot ang noo ko. Inabot nya sa akin yung bouquet na puro red rose at may note sa gitna.
"Thanks. Manang pwede nyo po akong ipaghain ng miryenda o hapunan? Maaga po akong matutulog ngayon masama po kasi pakiramdam ko" sabe ko.
"Ganun ba? Sya magluluto nalang ako ng hapunan para makakain kana. Uminom ka ng gamot para maging maayos na ang pakiramdam mo. Nako lagot tayo pareho sa Mama mo pag nagkasakit ka" sabe nya. Ngumiti nalang ako kay manang tsaka tumango sa kanya.
"Nasa living ng room lang po ako manang tawagin nyo nalang po ako pag okay na po" sabe ko.
"Sige" pumunta na ako sa sala at nilapag ang bouquet sa mini table. Kinuha ko ang remote ng TV at nanood ng movie.
BINABASA MO ANG
I'm His Girl (book 2)
Teen FictionSo ano na nga ba ang nangyari kila Zea matapos mangyare ang mapait na alaala? Does she became more weaker? Or stronger? How did she cope up? Let's find out. I hope that you will support this BOOK 2 too. Please before you read this, read the BOOK 1 f...