Zea's POV
Papunta akong office ngayon may iilan din akong naka salubong na empleyado dito. Matapos ng away namin ni Xander kahapon nagsabe ako kay Dad na ayoko ng tumuloy pero hindi siya pumayag dahil wala naman daw akong valid reason para magquit. Hindi ko naman pwede sabihin na nag-away kami ni Xander kaya ayoko ng tumuloy baka mas lalo lang niya akong hindi payagan kung ganon.
"Oh Nina, bakit ka nandito?" Nagulat ako ng makita ko si Nina na naka upo sa swivel chair ko.
"Ahh kase hindi na ako ang secretary ni Sir. James" Sabe niya. Kumunot naman ang noo ko.
"Ha? Bakit? Teka saan na ang pwesto ko? Sino na ang bagong secretary niya?" Tanong ko ulit.
"Nako haha. Halika sasamahan kita" Sinundan ko naman siya. Nagtaka ako kung bakit kami lumabas ng finance office at dumiretso sa elevator. Pinindot ni Nina ang 20th floor tsaka ako binalingan ng ngiti.
"Teka saan tayo pupunta?" Tanong ko. Naka ngiti lang siya sa akin.
"Alam mo nalungkot ako ng sabihin sa akin ni Sir. James kanina na sa finance na ulit ako kase may kinuha daw siyang temporary na secretary" Sabe niya.
"Eh sino ba yung pinalit niya sayo? Okay ka naman ah" Sabe ko. Ngumiti lang siya sa akin. Nang magbukas ang elevator natanaw ko kaagad ang glass door ng opisina ni Xander. Tinulak iyon ni Nina at pumasok kami pareho.
Nakita kong busy siya sa pagbabasa ng kung ano sa papel na kanyang hawak. Nang mapansin niya ang presyensya namin ay agad siyang nag-angat ng tingin.
"Tsk finally you're here" He smirked.
"Ah Sir. James pinapa-ayos ko lang po yung magiging desk ni Ms. Villarel pagkatapos po ay pwede na siyang lumipat doon" Sabe ni Nina.
"Thanks. You can leave now, Nina" Nginitian niya ang babaeng katabi ko bago ito tuluyang umalis. Tanaw ko ang kabilang building dahil sa glass window.
"Ms. Villarel" Napatingin ako sa kanya. How can he act casually even if we had a fight last time? I guess he is very professional when it comes to it.
"Tutal ikaw na ang bago kong sekretarya pwede bang ipagtimpla mo ako ng kape" Nalaglag ang panga ko sa sinabe niya. I'm his what?
"Ano?!" Hindi ako makapaniwala. Oh please tell me na nagkamali lang ako ng pagkakadinig.
"I said ipagtimpla mo ako ng kape dahil ikaw ang bago kong sekretarya" Hindi man lang niya ako tinignan ng inulit ang kanyang sinabe.
"Te-teka paano ako naging secretary mo?" Tanong ko. Hindi ako pwedeng maging utusan niya! Never.
"Because I'm your boss Ms. Villarel" Malamig niyang sabe.
"This is not fair! Si Nina ang se-" He cut me off.
"Will you please stop complaining? You're irritating me! Gawin mo nalang ang inuutos ko sayo" Nagsisimula na naman akong mainis sa kanya. Sumusobra na ang lalakeng to! Padabog akong naglakad palabas ng office niya. Bwuiset!
Xander's POV
Pinanood ko siyang maglakad palabas ng opisina ko. Napailing nalang ako sa kanya at binaling na ulit ang atensyon ko sa ginagawa.
"Ayan na kape mo!" Muntik pang matapon yung dala dala niya kaya sinamaan ko ng tingin.
"What the hell is your problem, Ms. Villarel?" Inis kong tanong. Pasalamat ang babaeng to at mahal ko siya kundi baka pinalayas ko na ito ngayon sa harap ko.
"Wala!" Pasigaw niyang sagot. Sinandal ko ang likod sa inuupuan ko at malamig ko siyang tinignan.
"Hindi ka ba tinuruan ng magandang asal when it comes to work? Especially to your boss? I didn't know na yan pala ang natutunan mo sa ibang bansa. No wonder kaya ka siguro pinagtrain ni Mr. Villarel because you lack of good attitude. Ang akala ko pa naman ay madali ka lang matuturuan dahil nga sa London ka pa nag aral. I feel bad for your parents dahil wala ka pang magandang ginagawa at puro mali ang nakalagay sa record mo" Nakita kong umawang ang bibig niya. Siguro tama ang sinabe ko at natamaan siya. Hmm let's see kung hanggang kailan niya kayang magtaray at mag sungit sa akin. Tumayo ako sabay inom ng kape naglakad ako tinanaw ang labas.
BINABASA MO ANG
I'm His Girl (book 2)
Genç KurguSo ano na nga ba ang nangyari kila Zea matapos mangyare ang mapait na alaala? Does she became more weaker? Or stronger? How did she cope up? Let's find out. I hope that you will support this BOOK 2 too. Please before you read this, read the BOOK 1 f...