Zea's POV
Kanina pa kami dito sa airport. Halo halo na ang nararamdaman ko. Stress. Kaba. Takot. Miss ko na si Mere pero hindi ko alam kung paano ko siya ihaharap sa pamilya ko. Gusto kong umiyak dahil sa frustration.
"Sino ba ang susunduin natin?" Tanong ni Steph.
"Si Chase at Mere" Sagot ko. Narinig ko ang pagsinghap niya.
"What?" Sabay pa silang dalawa ni Liam.
"Alam na nila tita?" Tanong ni Liam. Umiling ako.
"Nope. Pero ang alam nila ngayon ang balik ni Chase" Sabe ko. Nagkatinginan yung dalawa at natahimik.
Naghintay lang kame hanggang sa makita ko sa screen na naka landing na ang flight na sinakyan nila Chase. Mas lalong nadagdagan ang kaba ko. Mahinang nag-uusap yung mag asawa habang hindi naman ako mapakali. Biglang tumunog ang phone ko at nakita kong si Xander ang tumatawag.
"Hello" Sabe ko pagkasagot.
[Where are you?] Sa boses niya alam kong bagong gising siya.
"Airport" Tipid kong sagot.
[What? Wait...oh fuck shit!] Narinig ko ang kalabog sa kabilang linya.
"Hey are you alright?" Hindi ko maiwasang magtanong.
[Uh yeah...Why you didn't tell me?...fuck...fuck! Ngayon ang dating niya diba?] Sobrang ingay sa kabilang linya. Para siyang nagmamadali.
"Yes. Naka landing na yung eroplano hinahantay nalang namin sila" Sabe ko.
[Namin? Wait for me! Pupunta ako jan] Tsk sinasabe na nga ba nagmamadali siya.
"Kasama ko si Liam pati Steph. Wag na hindi kana aabot. Kami nalang ang pupunta sayo...saan ka ba nags-stay ngayon?" Natahimik naman siya kaya napakagat ako sa labi.
"Xander..." Narinig ko ang buntong hininga niya.
[Okay. I'll wait for you here in my condo. I'll send you my address...happy birthday] Hindi ko masyadong narinig yung huli niyang sinabe dahil nagsalita si Stephanie. Pinatay na niya ang tawag kaya binaling ko ang atensyon sa dalawa kong kasama.
"There they are!" Agad akong napatingin sa tinuturo niya. Nakita ko si Chase na naka ngiti kalong kalong ang anak ko.
"Mere!" Hindi ko na napigilang tumakbo papalapit sa kanila. Binaba ni Chase si Mere at tinuro ako kaya paglingon sa akin ng anak ko ngumiti siya at sumigaw.
"Mimi!" Tumakbo din siya palapit sa akin. Binuka ko ang mga braso ko at sinalubong ko siya ng yakap.
"Baby" Mahigpit ko siyang niyakap habang naka luhod ako sa sahig. Tinignan ko siya habang hinahaplos ko ang kanyang muka.
"Oh bakit naka simangot ang baby ko?" Tanong ko.
"Because you're kuwaying (crying) Mimi" Sabe niya at pinunasan ang pisnge ko. Tumayo na ako at binuhat ko siya.
"Mommy is just happy to see you" Sabe ko.
"Mere is happy too l,Mimi! I miss you hihi" He giggled.
"I missed you too, baby" Sabe ko.
"Hey babe. Happy birthday" Hinalikan ako ni Chase sa labi.
"Happy berthday. I love you" Sabe ni Mere at hinalikan din ako sa pisnge. Teka? Birthday? Ano bang date ngayon?
"Anong date ba ngayon?" Takang tanong ko.
"July 7. Why? Nakalimutan mo bang birthday mo ngayon?" Tanong ni Chase. Nanlaki ang mata ko habang napatingin sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
I'm His Girl (book 2)
Teen FictionSo ano na nga ba ang nangyari kila Zea matapos mangyare ang mapait na alaala? Does she became more weaker? Or stronger? How did she cope up? Let's find out. I hope that you will support this BOOK 2 too. Please before you read this, read the BOOK 1 f...