Chapter 34

1.7K 53 24
                                    

Shaun's POV

Papunta akong school ngayon gamit ang motor ko na bago dahil nakipag paligsahan ako kagabe sa Night Racers. Kagabe kasi kasama ko si Travis at Von sa Vista Karera para magsaya and to bet our motorbike. To be honest it was my first time to race in that place kaya naman nilibre ko pa yung dalawa sayang nga lang wala si Xander at Allan. Si Allan nasa Italy pa kaya hindi talaga siya pwede tapos si Xander I don't know kung saan lagi napunta yon.

"Woah nice bike,Shaun" Kakapark ko lang dito sa school at nakita ko ang iilang kakilala ko.

"Thanks" Sabe ko.

"I heard that you won the race last night?" Tanong ni Jules.

"Uh yeah" Sabe ko.

"Congrats dude" Sabe niya.

"Thank you" Ngumiti nalang ako sa kanya. Aish! Siguro pinagkalat ni Von na nanalo ako kagabe that jerk! Naglalakad na ako papunta sa building namin ng makita ko si Xander na may kausap na babae hindi ko lang matukoy kung sino naka talikod kasi. Tatawagin ko sana siya pero nagulat ako ng bigla siyang hinalikan nung kausap niya. Agad akong nagtago at tinignan ang dalawa hindi man lang kumibo ang gago! Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang phone ko tsaka pinicturan ang dalawa.

"Shit!" Bulong ko. Is he cheating on Zea? Fuck! Tinawagan ko si Paula at agad naman niya itong sinagot.

[Oh, Di? Bakit?]

"Where are you?"

[Uhm nasa room na. Why? May problema ba?]

"Pupuntahan kita jan. Just wait for me, okay?"

[Di, what's wrong?]

"Just wait for me"

[O-okay]

Mabilis akong nagtungo sa building nila Paula at nakita ko siyang naghihintay sa tapat ng room nila.

"Hey what's going on?" Tanong niya.

"Its Xander!" Sabe ko.

"What about him?" Tanong niya ulit. Agad kong kinuha ang phone ko at pinakita ko sa kanya ang picture. Halos manlaki naman ang mata niya at napatakip siya sa bibig. Muli kong tinignan ang picture.

"Oh my gosh! Si Xander ba tong lalake? And sino yung babae?" Hindi makapaniwalang tanong ni Paula.

"Yes. It's him. I don't know who's that girl kissing him. I didn't saw her face" Sabe ko.

"What the?! He's cheating? Really? 3 months palang nandito yan ah! That ahole! I'm gonna kick his freaking arse!" Sabe niya at ambang aalis pero inawat ko kaagad.

"No, Mi. I didn't know the whole story so don't kick his ass yet! We should ask him first before we make a move. Yung babae naman ang biglang humalik sa kanya" Sabe ko.

"But pumayag siyang halikan nung babae!" Sabe niya.

"Look, tatanungin ko nalang ang isang yon mamaya okay?" Sabe ko at pinakalma siya.

"Nako pag nalaman to ni Zea malamang magwawala sa galit yon! Nag-usap kaming dalawa dati at sabe niya bantayan daw natin si Xander" Sabe niya. Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa inis. I don't know why pero naiinis ako.

"Wag mo munang sabihin kay Zea, okay? Ang alam ko kase magkaaway sila ngayon kaya medyo iwas si Xander sa atin" Sabe ko. Last week ko pa napapansin ang pag iwas sa amin ni Xander kaya curious ako kung anong meron at ganon siya.

"Ah basta sisipain ko yang kaibigan mo nakakainis!" Sabe niya.

"Aish! Lika nga dito" Hinila ko siya at niyakap.

"Relax ka lang, Mi. Ako mismo gugulpi kay Xander pag niloko niya si Zea" Sabe ko at hinalikan siya sa noo.

"Ehem!" Napalingon kami sa unahan at nakita ko ang Prof niya.

"S-sir Castro, g-good morning po" Kumalas siya sa yakap ko at binati ang prof niyang naka tingin sa amin.

"Ms. Tyler, bakit nasa labas ka pa?" Mataray niyang tanong. Yes mataray! Bakla kasi tss.

"So-sorry po, Sir Castro" Sabe ni Paula.

"Hala sige pumasok kana sa loob. At ikaw naman Shaun hindi ba may klase ka din?" Taas kilay niyang tanong.

"Well I'm sorry Mr. Castro, I'm just checking if my girlfriend is alright" Sabe ko.

"I think she's alright. You can leave now" Sabe niya. Nilingon ko si Paula na naka simangot na.

"Sunduin kita after class" Sabe ko at hinalikan ulit siya sa noo.

"Okay" Sabe niya. Nang makapasok sa loob ng room si Paula napalingon ako kay Sir Castro.

"Sir, naghihintay na sila sa loob" Sabe ko. Umirap lang siya sa akin at pumasok na din sa loob. Napailing nalang ako dahil sa inasta niya.

"Hey kamusta?" Tanong ko sa kanya.

"Okay lang naman. Medyo madami akong home work na gagawin" Sabe niya.

"Do you want me to help you, Mi?" Tanong ko.

"No. I can manage besides alam kong madami ka din gagawin" Sabe nya. Pinisil ko ang ilong niya at ngumiti.

"Kaya kong gawin yon after kitang tulungan" Sabe ko at kumindat.

"Sus yabang mo!" Sabe niya. Nasa parking lot na kaming dalawa and napasapo ako sa noo ng maalala kong naka motor nga pala ako.

"Shit! I forgot to tell you na motor ang dala ko ngayon" Sabe ko.

"So? Anong problema kung naka motor?" Tanong niya. Napasimangot naman ako.

"Sa tingin mo ba papayag akong sumakay ka sa motor ko? No way!" Sabe ko.

"At bakit? Hoy wag ka ngang maarte jan!" Sabe niya.

"Hindi ako maarte! Baka nakakalimutan mong naka palda ka. Sa tingin mo ba papayag ako na umangkas ka sakin ng naka palda" Sabe ko. Ngumiti siya at pinisil ang pisnge ko. Tignan mo to ngumiti pa.

"Sus! Wag ka ng magtatalak jan! May dala akong jacket pwede kong ipatong sa palda ko" Sabe niya.

"Ohh okay. Mabuti naman!" Sabe ko.

"Okay na? Wag ka ng magtatalak jan ha" Sabe niya.

"Hmm, basta ba kiss mo ako sa lips" Sabe ko.

"Eh kung sapakin kaya kita?" Sabe nya.

"Hahaha joke lang! Tara na" Nauna akong sumakay sa motor at sumunod naman siya. Nang maipatong nya ang jacket pinaandar ko na ang motor at dumiretso sa bahay namin.

**************************
A/n: Ang tumal ko mag update no? Haha sorry busy eh graduating ako kaya tambak ako ng gawain. Sorry po 😭 well thank you don sa mga nagtitiis na mag hintay ng ud ko 😚 At ang author nyo kirengkeng haha yung crush ko dati boypren ko na ngayon 😍 wahahaha share ko lang! I love you all mwaps 😘

I'm His Girl (book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon