Zea's POV
"Oh saan ka galing?" Tanong ni Mom.
"Kila Xander po, Mom" sagot ko.
"Ah okay. Eh asan si James?" Tanong nya.
"Nasa kotse pa po" sagot ko.
"Kumain na ba kayo? Teka mag aayos lang ako" sabe nya.
"Saan ka pupunta Mom? Gabi na ah. Si dad hindi nyo po kasama?" Tanong ko sabay hikab. Grabe napagod ako gawa nung dalawa nanakit din braso ko gawa ng badminton na yon haha.
"Nauna na sya doon sa party na pupuntahan ko ngayon" sagot nya.
"Ahh ingat po kayo" Sabe ko at humalik sa kanya. Umakyat ako sa kwarto at nilapag ang phone ko sa side table napatingin ako sa picture frame dito sa gilid at napangiti ng mapait. Tumayo ako at lumabas ng kwarto ko. Nang tumigil ako sa harap ng pinto sa kabilang kwarto bumuga ako ng hangin bago dahan dahang pinihit ang door knob nito.
Binuksan ko ang switch ng ilaw at tumambad sa akin ang maayos na kwarto. Walang pinag bago ang pink na ding-ding na may disenyong bulaklak at mga stuff toy sa kama at cabinet. Tuluyan akong pumasok sa loob at nilibot ang mata ko sa kabuuan nito. Sa pader puro may picture frame na naka sabit at tinignan ko iyon at isa isang hinaplos. Kinuha ko yung frame na nasa side table at hinaplos yon. It was the three of us para kaming totoong pamilya sa picture na ito.
"Maggie" umupo ako sa kama at pumikit sabay yakap sa frame. Nakalimutan ko na ang lahat pero sobrang sakit naman pag naaalala ko ulit yung nangyare sa amin noon. Akala ko mamamatay na din ako that time pero buti nalang at hindi ako pinabayaan ni Lord pero nung magising ako at sinabi nilang wala na ang anak ko parang gusto ko na ding mamatay.
"There you are" napamulat ako ng mata at nakita ko si Xander na nakapamulsa habang papalapit sa akin.
Xander's POV
Hinanap ko si Charry dito sa kwarto nya pero wala sya kaya lumabas ako. Napansin ko naman na naka bukas ang pinto sa kwarto ni Maggie kaya sumilip ako doon at nandito sya naka upo sa kama habang nakapikit.
"There you are" sabe ko kaya napamulat sya. Lumapit naman ako sa kanya at tinabihan sya. Napatingin ako sa hawak nyang frame I think yan yung picture naming tatlo. Ngumiti sya sa akin pero alam kong hindi iyon masayang ngiti dahil malungkot ito.
"What are you doing here love?" Tanong ko at umupo sa tabi nya. Tumungo sya sabay buntong hininga hindi sya dapat napasok sa kwartong ito dahil alam kong bumabalik lahat ng alaala noon at alam kong nasasaktan pa din sya hanggang ngayon miske naman ako.
"Wala lang. Namimiss ko na kasi si Maggie" sabe nya. Binalik nya yung frame sa table at kinuha naman nya yung favorite stuff toy ni Maggie at niyakap yon ng mahigpit sabay higa sa kama.
"I miss her too... so much" bulong ko. Lumipas ang minuto at nakapikit na si Charry kaya alam kong nakatulog na sya halata naman sa paghinga nya eh.
"Sorry love. I promise, I wont leave you again" sabe ko sabay halik sa noo nya at binuhat na papuntang kwarto.
The next day. Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto ng kwarto ko umuwi ako kagabi dahil nakakahiya kung sa bahay ako lagi nila Charry matutulog.
"Come in!" Sigaw ko habang kinukusot ang mata. Humikab ako at tinignan yung pumasok. Si ate Irene pala.
"Hey samahan mo ako sa mall" sabe nya.
"Anong gagawin don?" Tanong ko.
"Bibili ako ng dress" sabe nya. Kumunot naman ang noo ko.
BINABASA MO ANG
I'm His Girl (book 2)
Teen FictionSo ano na nga ba ang nangyari kila Zea matapos mangyare ang mapait na alaala? Does she became more weaker? Or stronger? How did she cope up? Let's find out. I hope that you will support this BOOK 2 too. Please before you read this, read the BOOK 1 f...