Zea's POV
Nang matapos ang ceremony dumiretso kami sa venue. Grabe yung iyak ni Mommy kanina ng mag 'I do' si ate Lia.
"Palakpakan naman po natin ang bagong kasal!" Sabe ng coordinator. Nagpalakpakan kaming lahat at pinanood si kuya at ate na naglalakad papunta sa table nila sa harapan.
"Hey" biglang sumulpot si Xander sa tabi ko.
"Where have you been?" Tanong ko.
"CR lang" sagot nya.
"You okay?" Tanong ko.
"Yeah..." Tipid nyang sagot.
"May problema ba?" Tanong ko ulit.
"Wala. Don't mind me" Sabe nya. Tinignan ko lang sya saglit at ibinaling na ang atensyon sa mga tao dito sa table namin. Nakaka curious biglang naging ganito ang mood ng isang to kanina naman okay pa sya. May iilang pa games na ginawa ang coordinator like paper dance, paunahan makaubos ng apple at kung ano ano pa. Parang mga bata lang kami eh.
"May I call all the single ladies out there!" Sabe ng coordinator. I think ihahagis na ni ate Lia yung bouquet nya. Tumayo ako at sumali hihi nandito din sila Claire, Paula, Kylie, Irish, Audrey tapos kasali din yung mga pinsan ni ate Lia pati na din ang mga pinsan namin.
"So Mrs. Villarel, anong masasabe mo sa mga single ladies ngayon dito sa harap?" Tanong ni Rein kay ate Lia.
"Uhmm girls before I throw this bouquet gusto ko lang kayo bigyan ng payo about the guy that you should marry someday, especially kay Zea and to my cousins out there" panimula ni ate Lia.
"Ate Kara, alam kong hindi mo pa natatagpuan si 'the one' and I know he's only out there looking for the right girl din. Uhmm alam ko na yung tipo din ni Renz ang type mo haha kaya wait ka lang ate mahahanap at mamimeet mo din sya sa tamang panahon!" Sabe ni ate Lia.
"Aww thank you Lia!" Sabe ng pinsan niya at niyakap niya pa ito.
"And for you naman, Zea. I know that Xander is kinda bad boy but deep inside that scary looking guy...he is sweet, caring and loveable, although sometimes he is really moody like you. I hope na kayo na talaga hanggang sa huli dahil ang cute nyo tignan pareho bagay na bagay kayong dalawa!" Natawa naman ako pati ang iilang nandidito.
"Thanks ate!" Sabe ko at lumapit sa kanya para yakapin sya.
"And para sa mga pinsan kong babae. Girls sana mag aral muna kayo bago hanapin ang right guy ha? Lalo kana Phamela! Ikaw ang baby sa atin hahahaha. Yun lang girls" Sabe ni ate.
"Wow naman. Palakpakan naman natin ang ating napaka gandang bride. Very well said!" Pumalakpak kaming lahat.
"Okay ladies, ayos tayo ng pwesto haha I mean kayo lang pala hindi ako kasali dahil hindi ako single dahil nandito naman si Mr. Renz Villarel" Sabe ni Rein yung baklang coordinator.
"Rein, wag kang assuming haha" Sabe ni ate Lia kaya natawa kami. Umayos kami ng pwesto at tumalikod na sa amin si ate Lia.
"Pagkabilang ko ng tatlo tsaka mo ibabato yung bouquet" Sabe ni Rein.
"Okay!" Sabe ni ate Lia.
"Ready kana ba?" Tanong ni Rein kay ate Lia.
"Yes, I'm ready haha" Sagot ni ate Lia.
"Okay Isa...dalawa...teka ready kana ba talaga? Parang hindi pa eh!" Natatawa nalang kaming lahat dahil kay Rein.
"Ready na nga ako haha" Sabe ni ate Lia.
"Gagalit! Nagtatanong lang ako Lia, wag kang magalit haha. So isa...dalawa...ay may langaw!" Pabiro siyang hinampas ni ate Lia.
"Ahahaha wag excited Lia ikaw ihagis ko jan eh!" Sabe ni Rein.
BINABASA MO ANG
I'm His Girl (book 2)
Teen FictionSo ano na nga ba ang nangyari kila Zea matapos mangyare ang mapait na alaala? Does she became more weaker? Or stronger? How did she cope up? Let's find out. I hope that you will support this BOOK 2 too. Please before you read this, read the BOOK 1 f...