Chapter 72

1.2K 42 16
                                    

Xander's POV

"Daddy" Nilingon ko si Mere.

"Yes, kid?" Tinignan niya ako sabay nguso. Natawa naman ako ng bahagya.

"Can I go play with them?" Turo niya sa mga batang nasa play ground. Nasa court kame ngayon ng village namin para maglaro sana ng basketball kaso mukang iba na ang trip ng anak ko.

Napakamot ako sa ulo sabay ngiti. Hays ang gwapo ng anak ko! Manang mana sa tatay niyang gwapo din.

"Picture muna tayo, okay? I will send it to your Mom" Kinuha ko ang aking phone sa bulsa at pinindot ang camera.

"Say 'pogi' kiddo" Sabe ko.

"Pogiii" Pinindot ko ang camera. Pagkatapos ay ginulo ko ang buhok ni Mere. Naglakad na kame palapit sa mga bata.

"Wag ka masyadong malikot, okay? Be nice" Tumango siya kaya hinayaan ko ng makipaglaro. Tinignan ko ang picture naming dalawa bago i-send kay Charry.

Charry:

Ayy ang cute

Ngumiti ako at nagtipa ng reply.

Me:

Syempre. Cute talaga kame ng anak ko! Mana sa akin eh.

Charry:

Si Mere lang hindi ikaw! Sa akin nagmana ang anak ko hindi sayo :P

Natawa ako. Sinilip ko muna si Mere bago magreply ulit.

Me:

Is that so? Pisnge lang naman ang namana sayo :P

Umupo ako sa batong upuan at pinagmasdan ang anak kong masayang nakikipaghabulan sa ibang bata.

Charry:

Kapal! Edi sayo na nagmana!

Me:

Uy nainis na si Mommy Charry haha! Sorry na.

Mommy Charry, can you be my wife? I want you in my life.

Charry:

Hindi ah. Bantayan mo si Zheimere! Wag mong papabayaan. Nako pag may nangyare talaga jan sa anak natin lagot ka sa akin!

Nagkamot ako sa batok sabay ngisi.

Me:

Opo, Mommy. Hindi ko papabayaan si baby. Promise.

Charry:

Good.

Hindi na ako nagreply sa kanya. Alas singko na ng hapon kaya naman hindi na ganon kainit. Muntik ng madapa si Mere kaya napatayo ako bigla.

"Shit" Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kaba. Lintek!

Tinulak nung batang lalake yung kalaro nilang batang babae kaya naman napaupo ito at umiyak. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Mere sabay lapit dun sa batang lalake. Nagulat ako ng tinulak niya bigla kaya tumayo ako at lumapit.

Tinulungan niyang tumayo yung batang babae at pinunasan pa ang luha nito sa pisnge. Nakatayo na yung batang lalake at tinulak naman siya pabalik pero hindi man lang natinag ang anak ko. Umamba siya ng suntok. What the fuck?!

"Zheimere" Tawag ko kaya agad siyang lumingon at binaba ang kanyang kamao.

"Daddy" Sabe niya at lumapit sa akin.

"Don't fight him, alright? It's wrong to punch someone" Sabe ko.

"But I didn't do it" Ngumuso siya. Pumikit ako at palihim na ngumiti.

I'm His Girl (book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon