"Ms. Saragoza" Agad na nakuha ni boss ang aking atensyon.
"Po" sabe ko.
"My son is on his way here. You better fix yourself. I want you to look presentable, okay?" nagtaka naman ako sa sinabe niya.
"Huh? Why? Hindi po ba ako mukang presentable?" tanong ko. Natawa nalang sa akin si boss.
"I mean...gusto ko lang na pumasa ka sa paningin niya. Lalo na't siya na ang pagsisilbihan mo habang wala ako" sabe niya. Nalaglag ang panga ko.
"PO?!" Halos pasigaw kong sabe. Nahiya naman ako sa ginawa ko kaya agad akong nagsorry.
"He's too picky when it comes to his secretary. Ayoko naman na pagbalik ko ay wala kana dito sa kumpanya ko. Magaling ka pa naman din. Besides ikaw lang ang nagustuhan ng magiging asawa ko bilang sekretarya ko" Ngumiti siya sa akin. Napaawang nalang ang bibig ko.
•••
"Mr. Lee, nandito na po ang anak nyo" sabe ni Mich.
"Papasukin mo na" Utos ni boss.
"Sir pasok na daw po kayo" Eto na! Excited na ako. Nang tuluyang makapasok ang anak ni boss halos tumulo ang laway ko.
"Aliyah this is my son, Zheimere. Son this is my secretary, Aliyah" pakilala sa akin ni Mr. Lee.
Lumapit sa akin ang anak ni boss at naglahad ng kamay.
"Zheimere" malamig niyang sambit sa kanyang pangalan.
"A-aliyah" nakipagkamayahan ako sa kanya.
"Isn't she gorgeous?" humagikhik si Ma'am Charry. Tumango lang si Sir. Zheimere.
"Dad, anong gagawin ko?" tanong niya sa kanyang ama.
"Relax, kiddo. It's your first day here. Ang mabuti pa kilalanin mo muna ang mga empleyado mo" sabe ni boss.
"Yeah, right" sabe ni Sir.
•••
"You look pale. Are you sure you're al-" Bigla nalang akong nanghina at ang huli kong natandaan ay bumagsak ako.
Nang magising ako agad akong tinanong ng nurse kung ano ang aking nararamdaman. What am I doing here?
"Uhh, sino pong nagdala sa akin dito?" Obvious na nasa ospital ako ngayon.
"Yung boss mo tsaka yung kaibigan mo" sagot ng nurse.
"Ganon po ba? Nandito pa po ba sila?" Tanong ko.
"Wala na. Kanina pa sila umalis mga bandang alas tres. Nag-iwan nga pala yung kaibigan mo ng pagkain" tinuro niya ang gilid ko.
"Okay, thank you" Sabe ko.
"Pagkatapos mong kumain uminom ka ng gamot. Eto oh para bumaba ng kaunti ang lagnat mo" sabe niya.
Kumain na muna ako at pagkatapos ay ininom ko na yung gamot na binigay ng nurse sa akin. Nagring naman ang phone ko kaya agad kong hinanap yon sa aking bag.
Unknown number ang caller. Tinitigan ko muna saglit bago sagutin.
"He-hello? Who's this?" Umubo ako ng bahagya kaya nailayo ko ang phone sa aking bibig. "I'm sorry for that..." paumanhin ko.
[How are you?] Napatigil ako saglit.
"Who are you? How did you get my number?" Boses ng lalake ang nasa kabilang linya.
[I asked you first]
"Look, I don't know you, okay? I'm hanging up" Napairap nalang ako.
[Don't you dare to hang up this call, Ms. Saragoza] Nanlaki ang mata ko ng may marealize ako. Holy fucking shit!
"SIR. ZHEIMERE?" Halos pasigaw kong sabe.
[Don't yell. Not Sir, its Boss] I can imagine him smirking right now inside my head.
"Uhm, si Mr. Xander Lee po talaga ang totoo kong boss, so technically 'Sir' lang po talaga kita"
[Look lady, I d-]
"Excuse me? Who did you just called a Lady?" Nairita ako bigla.
[Who am I talking to?]
"I don't know. Baka may iba kang kausap jan, Sir" Kasusot.
[Of course, I'm talking to you!] Sabe niya.
"Oh bakit ka nasigaw?" Imbis na ibulong ko lang ay napalakas pa ang pagkakasabe ko. Shit! Hinampas ko ang aking noo.
[What did you just say to me?] tanong niya.
"Wala po, Sir. Sabe ko babalik na po ako jan sa opisina" Sabe ko.
[No...]
"No? Teka, Sir! Hindi ko naman po sinasadya yung sinabe ko kanina! Wag mo naman po aking tanggalin sa trabaho ko"
[I didn't say that you were fired. Why don't you let me finish? So we can understand each other]
"Ay ganon po ba? Sige po, Sir hehe" Nagkamot ako sa ulo at nakinig sa kanya.
[Just go home and take a good rest. Come back here if you're not sick anymore] sabe niya. Wow! Bait ha?
"Akala ko naman tanggal na ako. Thank you, Sir! Babalik ako agad" sabe ko.
[Good. Drink a lot of water so you'll stay hydrated] Nakakatouch naman pala itong anak ni boss haha!
"Opo" pagkatapos namin mag-usap ay nagdesisyon na akong umuwi. Hays, makatulog ng maaga para makapasok agad ako bukas.
********************
Hey guys! Gusto nyo na bang mabasa ang story ni Zheimere? Please vote and comment 'YES' para malaman na natin kung kanino nagmana si Mere!
Title: All About Us.
Malalaman nyo din kung anong nangyare sa dating magkasintahan. (Zea & Xander) Plus makikilala nyo din ang kambal na si Mia and Dane.
Dear Readers,
Please keep on reading and sharing my stories guys.I need more motivation and inspiration. Follow me on twitter or add me on Facebook (YendysEsille) for more information and updates about my new stories. Sa ngayon 🤩 Heart Trouble (#Fuente Siblings Series 1)🤩 muna ang inyong basahin hanggat wala pa ang story ni Zheimere. Maganda din naman yon at puro katarantaduhan ang umiiral sa magkakapatid hehe.
-Love Ms. Yen 💖-
#Roadto1M
#Zheimere
#2ndGeneration
#BadBoysSeries1
BINABASA MO ANG
I'm His Girl (book 2)
Teen FictionSo ano na nga ba ang nangyari kila Zea matapos mangyare ang mapait na alaala? Does she became more weaker? Or stronger? How did she cope up? Let's find out. I hope that you will support this BOOK 2 too. Please before you read this, read the BOOK 1 f...