Chapter 44

1.5K 56 7
                                    

Zea's POV

"Hey guys good news!" Napalingon ako sa gilid at nakita ko si Steph na sobrang lapad ng ngiti.

"Ano naman?" Tanong ko. Nandito kami sa garden at nag aalmusal.

"Pwede akong mag biyahe" Sabe niya at umupo sa tabi ko.

"Totoo ba yan ha?" Tanong ko.

"Hey kain kayo" Yaya ni Chase sa dalawa.

"Oo naman! Tanong mo pa jan kay babe" Sabe ni Steph at nakikain sa amin. Tinignan ko si Liam at tumango siya sa akin.

"So tuloy tayo sa Batangas?" Tanong ko. Tumango sila kaya nagkatinginan kami ni Steph tumayo kami pareho at naghawak kamay.

"YEHEY!!!!" Parehas kaming nagtatalon sa tuwa dahil matutuloy kami. Gusto ko din naman pumunta sa Batangas kaso ang iniisip ko lang talaga ay si Steph.

"Shit! Wag kang tumalon!" Sinuway ni Liam si Steph kaya tumigil kami sa pagtalon.

"Sorry, babe. Masaya lang talaga ako hihi" Sabe ni Steph. So ayun pagkatapos naming kumain naghanap kami ng beach resort sa google at may iilang lumabas na sobrang ganda kaso wala ng bakante na rooms dahil occupied na lahat 5 days kami so hindi pwedeng walang kwarto. So naghanap kami ng beach resort na hindi masyadong dinadayo.

"Sweetie, how about this one" Tinuro nya yung screen ng laptop ko. Pinindot ko yung images nakita ko na okay naman ito.

Madami kaming ginawa buong maghapon. Kaya naman nakatulog ako kanina.

"Baby" Tawag ko kay Chase na tutok sa laptop niya habang nagt-type. Kanina pa siya dito sa kwarto ko.

"Hmm?" Hindi niya ako nilingon dahil busy. Nagpout ako sabay upo sa lap niya kaya napatigil siya sa ginagawa.

"Woah haha easy girl" Sabe niya. Pinulupot ko at braso ko sa leeg niya kaya mas lalong lumawak ang ngisi sa kanyang labi.

"Kanina ka pa busy" Sabe ko at hinawakan ang baba niya.

"Sorry, baby. Tinatapos ko lang yung pinapagawa ni Dad promise after nito babe time na" Sabe niya at niyakap ako.

"And please stop seducing me" Sabe niya habang humahalakhak. AHAHAHAHA!

"Me? Seducing you? Hahaha well...kinda" Sabe ko at hinalikan ang labi niya. Nang pinatulan niya ang halik ko agad ko siyang binitin at tumawa.

"Ughhh" Kita ko sa kanyang muka ang pagkabitin kaya mas lalo akong tumawa.

"Tapusin mo muna ang ginagawa mo haha" Sabe ko sabay tayo. Naka simangot na siya ngayon kaya kahit gusto kong tumawa pinipigilan ko dahil maiinis siya lalo.

"But baby..." Hinila niya ako pabalik kaya natawa ako. Nakaupo ulit ako sa hita niya at naka yakap siya mula sa likod ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking batok.

"Sabe mo after ng ginagawa mo ang babe time. Madali naman akong kausap eh" Sabe ko habang tumatawa.

"Hmm, I changed my mind" He chuckled while kissing my nape.

"Haha baby stop it! Nakikiliti ako" Sabe ko.

"No! Pagkatapos mo akong bitinin sa halik mo...I.don't.think.so" Natatawa nalang ako sa kanya.

"Baby haha no, please" Sabe ko. Kinikiliti niya ako kaya napapatili ako habang tumawa.

"You're always seducing me!" Sabe niya habang patuloy pa din sa pagkiliti sa akin.

"I'm not seducing you! Ughh stop it hahahahahaha" Sabe ko at tinutulak siya para matigil.

"Well seducing me or not I'm so fucking turned on!" Sabe niya. Sa tinagal tagal ng relasyon namin ni Chase never niya akong pinilit na gawin ang bagay na pang mag asawa lang kahit na ilang beses ko siyang akitin. Dun ko lang narealize na he really love and respect me. Kahit na may pagka malibog siya ng konti he never forced me to do it. He's really a keeper!

"Ayoko na hahahahaha" Tawa pa din ako ng tawa. Buti nalang tumigil na siya sa pagkiliti sa akin kaya hinabol ko ang hininga ko.

"Hinapo ako" Sabe ko sabay lagay ng kamay ko sa aking dibdib.

"Sorry hihi" Humagikhik siya sabay yakap.

"Baby, finish your work. Dun muna ako sa baba" Sabe ko at tumayo.

"Promise after this sayo na ulit ang time ko" Sabe niya.

"Okay. I love you" Sabe ko at humalik sa kanya.

"I love you too" Sabe niya. Lumabas muna ako sa kwarto ko at bumaba.

"Zea" Nakita ko si Mom na naka upo sa sofa dito sa sala.

"Yes, Mom?" Sabe ko at lumapit.

"Now that you're done and graduated already in college...sweetheart gusto mo bang magtrabaho sa sarile nating company?" Medyo na gulat naman ako sa tanong ni Mom.

"W-what?" Nung high school palang ako gustong gusto ko ng makatulong kila Mom sa paghahandle ng company.

"I think its time for you to learn how to handle one of our own company. Your Dad and I just talked about it last night and he wants you to run our own company someday. You know that we're not getting any younger anymore that's why...you know" Nagkibit balikat siya.

"Holy...are you kidding me? Tell me that you're not joking, Mom" Sabe ko. Oh my gosh!

"No, why would I joke about it? I'm dead serious sweetheart" Seryoso niyang wika. Hindi ako makapaniwala sa sinabe ni Mom. Finally!

"OH MY GOSHHHHH" Lumapit ako kay Mom at niyakap siya ng mahigpit.

"Zea, bakit?" Tanong ni Mom. Humiwalay ako sa pagkakayakap.

"Matagal ko na pong hinahantay ang opportunity na makapagtrabaho. I promise that you are not gonna regret it kapag ako na ang nag handle ng ating company" Sabe ko.

"Hahaha I know. Kaya nga kinausap ko ang Dad mo, don't worry one day magiging sayo din ang mga paghihirapan mo. But before that kailangan mo pa magtraining para mas malaman mo kung paano magpatakbo ng kumpanya" Sabe niya.

"Kailangan pa ba yon Mom?" Nagpout ako dahil sa narinig.

"Yes, you need it" Sabe niya.

"But I think, I can do it without a y-" Pinutol niya ang sasabihin ko.

"I'm sorry sweetie but I forgot to tell you that was your Dad's condition before you handle our company" Nagpout ako sabay pinagdikit ang aking palad na parang nananalangin.

"Please, Mom! Ayoko mag ganon mas gusto ko na matuto mag isa. Ano pang silbi ng pag aaral ko sa London kung magtetrain din pala ako?" Sabe ko.

"Well iba naman kasi ang natutunan mo sa London, sweetheart. Mas maganda kung magtrain ka, besides two months lang naman" Sabe niya. Haysssss okay na sana eh! Pero bakit may kundisyon pang nalalaman si Dad?

"Trust me. Mas magiging madali ang lahat kung matututunan mo ang natutunan namin" Sabe ni Mom at hinaplos ang aking pisnge.

"Hays okay, Mom" Sabe ko. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako saglit.

"Thanks, sweetheart. I gotta go now" Sabe niya at tumayo na.

"Take care po. Love you" Sabe ko at humalik.

"Love you too bye" Sabe niya at umalis na.

Napaupo ako ulit sa sofa at nag isip kung anong gagawin ko kapag pumayag ako at nagstart na ang 'training' ko sa company. Hay I hope na maging maganda ang kalabasan!

****************************
A/n: Yung ending na naiisip ko parang hindi tama para sa title hahaha. Kailangan ko atang baguhin yung title ah! Hmmm let me see 😁 VOTE AND COMMENT!!!!!!!!!!

I'm His Girl (book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon