Xander's POV
"Yes, Dad. Puro expired na pala ang products na na-release nila last week at hindi napansin agad"
[Fix it, son]
"I already fixed it. Napapalitan ko na lahat ng produkto dito. Wala ng problema" Hinilot ko ang aking sentido.
[Good] Natahimik kami pareho.
"Dad, are you still there?" Tanong ko. Sumandal ako sa sofa.
[Yeah...]
"Is there something wrong?" Tanong ko ulit.
[Nagpunta dito kanina ang mag-ina mo. Ang sabe ko wala ka simula kahapon kaya umalis nalang]
Napaawang ang bibig ko.
"Saan daw sila galing?"
[I don't know. Hindi naman kase ako nagtanong sa kanya kasama kase nila ang fiance ni Zea]
Nainis naman ako bigla sa narinig.
"Oh okay" Bakas sa boses ko ang lamig.
[Kung wala ng problema jan sa Cebu pwede ka ng umuwi bukas. Hinahanap ka na din ng apo ko]
"Okay, Dad" Sabe ko.
Natapos ang pag-uusap namin ni Dad kaya pumunta na ako sa kwarto. I tried to sleep but I can't.
Zea's POV
Alas diez na ng gabi. Sinubukan kong tawagan si Xander pero busy ang phone niya. Siguro kausap si Joana.
"Matulog kana, Charry" Sabe ni Chase. Tinignan ko lang siya sabay tango. Hinalikan ko ang noo ng tulog na si Mere bago umalis sa kwarto niya.
"Mauna kana sa kwarto. Iinom lang ako ng tubig" Paalam ko kay Chase. Tumango lang siya sabay pasok sa kwarto ko.
Bumaba ako at dumiretso sa kitchen. Binuksan ko ang refrigerator sabay kuha ng pitsel. Nagsalin ako sa baso ng tubig at ininom yon. Natulala ako.
Kailangan ko siyang makausap. I need to clear things up. Kanina pagpunta ko sa bahay nila naabutan ko si tito Arthur. Wala naman siya doon dahil may inaayos siyang problema sa Cebu. Kung alam ko lang sana hindi na ako nag-abalang pumunta pa.
Hindi ko din naman matanong si tito kung anong plano nila kay Joana kase alam kong tutol sila sa sinasabing kasal ng dalawa. Sila Shaun naman walang alam sa mga nangyayare.
Umakyat na ulit ako sa kwarto at humiga. Hinayaan kong makatulog ako. Kinabukasan maaga akong nagising dahil kay Mere. Narinig ko kase ang kanyang pag-iyak mula sa kabilang kwarto kung saan siya natutulog. Pagpasok ko sa loob nakita ko na sobrang pula ng kanyang muka.
"Mimi" Nagpakalong siya sa akin. Pagkahipo ko palang sa kanyang braso alam ko ng inaapoy siya ng lagnat.
"Chase!" Sigaw ko.
"Mimi..." Umiiyak pa din si Mere kaya pinatahan ko siya.
"Hey what's going on?" Lumapit si Chase sa akin.
"Inaapoy ng lagnat si Mere" Hinipo niya ang noo ng anak ko.
"Dalhin natin siya sa ospital. Kukunin ko lang ang susi ng kotse. Mauna kana sa baba" Sabe niya. Tumayo ako at kinarga si Mere.
"Oh anong nangyare?" Tanong ni Manang ng makita ako.
"Inaapoy po ng lagnat" Sabe ko.
"Nako! Ay alam na ba ng Mommy mo?" Tanong niya sabay silip kay Mere. Umiling ako.
"Let's go" Sabe ni Chase ng makababa.
"Manang pabukas po ng gate" Sabe ko. Lumabas kame at dumiretso sa kotse.
BINABASA MO ANG
I'm His Girl (book 2)
Teen FictionSo ano na nga ba ang nangyari kila Zea matapos mangyare ang mapait na alaala? Does she became more weaker? Or stronger? How did she cope up? Let's find out. I hope that you will support this BOOK 2 too. Please before you read this, read the BOOK 1 f...