Zea's POV
"Charry..." Gulat akong napalingon sa likuran ko.
"M-mom. A-are you okay? I mean...ate Lau said tha-" Pinutol niya ang sasabihin ko.
"I'm sorry, sweetheart" Bigla niya akong niyakap. Wala akong nagawa kundi yakapin siya pabalik.
"Im sorry too, Mom" Sabe ko.
"Hindi ko dapat inuna ang galit ko. I'm just shocked" Sabe niya. Ngumiti ako sa kanya.
"I know. It was my fault. I should have told you before but I didn't" I said.
"Sorry sa mga nasabe ko. I didn't mean that sweetie. You know that I love you so much right?" Tumango ako. Hinawakan ko ang kamay ni Mom at ngumiti. Tumatanda na si Mom kaya ayokong masayang ang panahon na pwede niyang makasama ang apo nila ni Dad. Kahit ano pang sabihin niya sa akin at kahit gaano pa kasakit yung mga salitang binitawan niya sa akin. I will still love her because she is my Mom. My mentor. My sidekick. My number one best friend.
"Where's my grandson anyway?" Tanong niya.
"Oh nasa garden kalaro po si Ivan at Ron. Kasama si Chase" Sabe ko.
"I want to hug him" Sabe niya sabay tayo.
"Uh Mom...I want you to know that Mere's kinda m-"
"Shh...alam kong mali ang nagawa ko. Laurie told me na galit sa akin ang anak mo. Hindi ko talaga sinasadya na masampal ka sa harap niya" She said.
"Sorry..." Nag-iwas ako ng tingin.
"Your son is very protective over you. You're raising a good child and I'm proud of you" Sabe niya. Nakita ko na naghahabulan sila sa garden.
"Mere!" Napasigaw ako ng muntik na siyang madapa buti nalang nakapag balance siya. Napahawak ako sa dibdib ko.
"You'll get used to it. Ganyan din ako sa kuya Renz mo noon hays. Buti nga hindi siya ganon kalikot" Natatawang sabe ni Mom sa tabe ko.
"Ngayon lang po kase siya nagkaroon ng batang kalaro. Sa apartment po kase si Chase at Liam lang ang kalaro niya palagi" Sabe ko. Umupo kaming dalawa ni Mom at pinagmasdan na maglaro ang mga bata.
Sinulyapan ako ni Chase sabay ngiti. Napangiti din ako sa kanya sabay nguso kay Mere na naakyat sa slide. May mini playground kasing pinagawa sila Dad dito para sa mga apo niya.
"Chase is really fond of Mere. Hindi na ako makapaghintay na maikasal kayong dalawa" Sabe ni Mom. Napatingin ako sa kanya. Wala sa akin ang atensyon niya kundi nandoon sa apat. Naka ngiti lang siya.
"Hindi pa ba kayo nagpaplano? Tsk ayan naunahan pa tuloy kayo ni Stephanie at Liam" Tumawa siya. Napatingin ako sa singsing na binigay sa akin ni Chase.
"Nagplano na po kaming dalawa matagal na. Wala lang po talaga kaming time para maayos ang lahat. Busy po ako kay Mere habang busy naman siya sa business" Sabe ko.
"Hindi ba kayo tinutulungan ni Karen? Dapat maayos niyo na agad" Tinutukoy niya ang Mommy ni Chase.
"Tita Karen insist to help us but Chase refused. Gusto niya po kase kaming dalawa ang mag aayos ng lahat" Sabe ko.
"Well I think its time to arrange everything. Panahon na para magpakasal ka, Charry" Sabe ni Mom.
"I know, Mom" Sabe ko.
"But the question is...Would he agree to your marriage? I mean Xander, he is the biological father of Mere. Alam kong hindi rin papayag sila Rachelle at Arthur na iba ang dadalhin na apelyido ng apo ko" Sabe niya.
"Hindi ko naman po balak na gawing Thomlinson ang apelyido ni Mere. Alam kong hindi papayag si Xander dahil nung araw na malaman niya po na anak niya si Mere gusto niyang dalhin nito ang apelyido nila" Sabe ko.
"Listen to me, Charry. Hindi mo maaayos ang lahat ng ito kung hindi mo paiiralin ang puso at isipan mo. Gamitin mo ang isip mo para maging maayos ang desisyon mo at sundin mo ang puso mo kung sino talaga ang mahal mo. Hindi lang kame ang naghintay ng matagal sa pagbabalik mo. Dahil bawa't araw na dumaan noon palagi siyang napunta dito sa bahay para lang tanungin kung bumalik kana ba" Seryosong sabe ni Mom.
"H-he did that?" Tanong ko. Tumango si Mom sa akin.
"Yep. At nung umalis ka dalawang buwan ang lumipas ang balita sa akin ni Paula sinundan ka ni Xander sa London pero wala ka daw doon" Naguguluhan na ako ngayon palang. Kung pipiliin ko si Xander madadala ng anak ko ang apelyido niya pero magdudusa si Chase. At ayokong mangyare yon.
"Pero Mom. Mahal na mahal ko si Chase at ayokong mawala siya sa akin. Pwede namang maging Lee si Mere kahit hindi kami kasal ni Xander hindi ba?" Napaawang ang bibig ni Mom sa sinabe ko.
"Are you sure about that? Pag isipan mo muna kaya? Hindi naman sa tutol ako sa inyong dalawa ni Chase. Ang iniisip ko lang talaga ay yung relasyon niyong tatlo. Ikaw, si Mere at Xander. Yung magiging sistema niyo. Pagkinasal ka kay Chase alam kong isasama mo ang anak mo pabalik sa ibang bansa pero paano si Xander? Mangungulila siya" Sabe niya.
"Wala naman po kaming plano na magstay sa ibang bansa. We will stay here for good, Mom. Pero kung kailangan naming bumalik sa London ay gagawin namin. At isa pa okay naman po kay Chase na bumibisita si Xander as long as si Mere ang iintindihin niya at hindi ako" Sabe ko.
"Charry, I'm a mother and also a wife. Ang mga lalake kapag gusto ng commitment gagawin nila ang lahat para makuha nila ang babae. Kung gusto nilang maitali ka gagawin nila yon. Si Xander? He will do that for sure because knowing him...he is stubborn and a competitive person. Wala siyang pake kahit mas mataas sa kanya ang binabangga niya" Sabe ni Mom.
"Alam ko po yon. But I don't want Chase to suffer. Siya yung naka sama ko sa pagpapalaki kay Mere" Sabe ko.
"Well if that's your decision. Hahayaan kita basta ito lang ang tatandaan niyo. Ayoko ng gulo" Tumango ako kay Mom.
"Yes, Mom. Aayusin ko po ang lahat don't worry" Sabe ko.
"Good. Sya sige na may gagawin lang ako" Tumayo siya at iniwan na akong mag-isa. Tinignan ko naman si Chase na masayang nakikipaglaro kila Mere. I love him so much. I will take the risk with him no matter what.
***********************
A/n: for you guys. Thanks 😘
BINABASA MO ANG
I'm His Girl (book 2)
Novela JuvenilSo ano na nga ba ang nangyari kila Zea matapos mangyare ang mapait na alaala? Does she became more weaker? Or stronger? How did she cope up? Let's find out. I hope that you will support this BOOK 2 too. Please before you read this, read the BOOK 1 f...