Zea's POV
"Hi maggie" Nilapag ko ang dala kong bulaklak sa kanyang puntod at sinindihan ang kandila. Linggo ngayon kaya wala akong pasok at nagdesisyon akong bisitahin ang puntod ni Maggie.
"I'm so sorry baby girl. Sorry kung ngayon lang kita nadalaw after 3 years. Siguro naman nakita mo ang nangyare sa amin ng Daddy Xander mo, right? You know nasa heaven kana kaya napapanood mo kami mula sa taas" Ngumiti ako sabay haplos sa kanyang lapida. Miss ko na siya sobra!
"I hope na kasama mo na ang totoong parents mo jan and sana bantayan mo kami lalo na ang baby brother mo. Mere ang nickname niya and sobrang gwapo din. Maputi din siya gaya ko pero alam mo bang parehas siyang nagmana sa amin ng Daddy mo" Sabe ko. Pag
naka simangot si Mere nagiging kamuka niya si Xander kaya naman hindi ko mapigilang matuwa at the same time malungkot."Si Mere may chubby cheeks din tulad ni Mommy but nagiging kamuka siya ng Daddy pagnaka simangot. Ewan ko ba don sa baby brother mo ang cute niya kapag naiinis" Natawa naman ako ng bahagya.
"Nakakalungkot lang dahil hindi ko man lang masabe sa kanilang lahat ang tungkol kay Mere. Lalo na sa Daddy Xa-"
"Charry" Isang malamig na boses ang narinig ko sa aking likod. Nanigas ang katawan ko lalo na ng makita ko siya.
"Xander" Kita ko ang galit sa kanyang mata. Humakbang siya palapit sa akin kaya umusbong ang kaba sa aking dibdib.
"Totoo ba ang mga narinig ko?" Hinawakan niya ang braso ko.
"A-anong..." Humigpit ang kapit niya sa aking braso.
"Tell me! Totoo ba?!" Sigaw niya. Mas lalong humigpit ang kapit niya sa braso ko.
"Xander, bitawan mo ako" Sabe ko.
"No! Tell me the truth first!" Galit na galit siya ngayon. Mabilis ang pagtaas baba ng kanyang dibdib at medyo mapula ang kanyang mata. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha dahil wala na akong rason para mag sinungaling pa sa kanya. Siguro kailangan na din nilang malaman ang tungkol sa anak ko.
"Oo, totoo ang lahat Xander. May anak n-" Hindi na ako nakatapos ng pag sasalita ng bigla siyang magmura ng malakas.
"We have a son and you didn't even tell me? Fuck! Halos mag iisang buwan na tayong nagkakasama pero kahit isang beses hindi mo man lang sinabe sa akin ha?! I've been miserable for almost three fucking years, Charry! Tatlong taon kitang hinanap but fuck hindi kita nakita. Wala akong balita tungkol sayo! Nagtago ka sa loob ng tatlong taon tapos babalik ka dito at malalaman ko ngayon na may anak na tayo?" Mas lalo akong napaiyak. Galit siya and it's all my fault. I can't blame him.
"Because I was scared! At wala akong idea na buntis ako that time. Nalaman ko nalang nung tatlong buwan na akong buntis. Oo, nagtago ako kase ayokong makausap ka o makita ka. Alam ko namang hahanapin mo ako kaya inunahan na kita" Sabe ko.
"Why are you doing this to me? Tell me! Why are you punishing me? Hindi pa ba sapat ang pang iiwan mo sa akin noon kaya sinasaktan mo pa din ako hanggang ngayon? Hindi pa ba sapat ang lahat ng ginawa ko para sayo? Hanggang kailan mo pa ba ako papahirapan?" Nag crack ang boses niya. Napasinghap naman ako. Hindi ko alam na magiging ganito siya. I swear to god hindi ko inaasahan na mangyayare to ngayon!
"I'm sorry" Sabe ko.
"Your sorry is not enough!" Matigas niyang sabe.
"Xander, please let me explain" Sabe ko.
"I don't need your explanation!" Sabe niya. "Where is he? I want to see him now" Malamig niyang wika.
"Hindi mo siya makikita" Sabe ko.
BINABASA MO ANG
I'm His Girl (book 2)
Teen FictionSo ano na nga ba ang nangyari kila Zea matapos mangyare ang mapait na alaala? Does she became more weaker? Or stronger? How did she cope up? Let's find out. I hope that you will support this BOOK 2 too. Please before you read this, read the BOOK 1 f...