Chapter 73

1.5K 54 9
                                    

Zea's POV

"Hey what's wrong?" Tanong ko.

[Can I see you right now?]

"As in now?" Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga.

[Yes...]

"O-okay. Where?" Tanong ko.

[Hihintayin kita sa gate ng village nyo. Nandito na ako]

"Sige. Wait lang, nakain pa kase si Mere" Sinilip ko ang anak kong kumakain kasabay ni Chase.

[Leave, Zheimere. Hindi mo na siya kailangang isama] Nababatid ko ang lamig sa kanyang boses pero binalewala ko lang. Baka may sakit pa din ang isang to.

"Okay. Magpapaalam lang ako" Binaba ko ang tawag sabay lingon kay Chase.

"Uhh, Chase. Pupunta lang ako sa gate saglit" Sabe ko. Tumaas ang kanyang kilay.

"Gate?"

"Nasa guard house ata si Xander. Mukang walang balak pumasok ng village eh. Pupuntahan ko lang saglit" Hindi siya nagsalita agad. Narinig ko ang kanyang buntong hininga.

"Hindi pa tapos kumain ang anak mo" Sabe niya. Umiling ako sabay ngiti.

"Hindi ko na isasama si Mere. Sandali lang naman ako sa labas babalik din ako agad" Tumango nalang si Chase at hindi na nagtanong pa. Nagsuot ako ng maayos na damit dahil naka pambahay lang ako.

Naglakad ako palabas. Buti nalang hindi ganon kainit kundi mamumula ako ng husto. Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin siya. Kukunin ko sana ang phone ko sa bulsa pero mukang naiwan ko pa ata sa kwarto ko.

Narinig ko ang busina ng kotse kaya napalingon ako sa likod ko. Isang puting Montero ang pumarada sa harap ko at kasabay non ang pagbaba ng wind shield. Lumitaw ang ulo ni Xander.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Hop in" Sabe niya. Nagkibit balikat ako at sumakay na.

Nag-umpisa na siyang magmaneho kaya nagsuot ako ng seatbelt. Saan naman kaya kame pupunta ngayon?

"New car?" Tanong ko. Tumango lang siya sa akin habang diretso ang kanyang tingin sa kalsada. Para akong may kasamang yelo. Sobrang lamig ba naman ng pakikitungo ng isang to.

"Do we have a problem? Why are you so cold to me?" Hindi ko na napigilang magtanong. Paano ba naman kase hindi niya ako iniimikan.

"We don't have a problem" Sagot niya. "Pagod lang ako" Sabe niya. Tumaas ang kilay ko at pinasadahan ng tingin ang suot niya ngayon. Khaki shorts at navy blue polo ang suot niya plus aviator shades.

"Okay..." Hindi ko alam kung saan ang punta namin ngayon pero iidlip muna ako.

Nagising ako bigla ng maramdaman ko na naka tigil ang sasakyan. Wala si Xander dito sa loob kaya napatingin ako sa labas.

"What the hell?!" Sabe ko. Madilim na at hindi ko alam kung nasaang lupalop kami napadpad. Lumabas ako ng kotse.

"Xander!" Sigaw ko pero wala siya. Narinig ko naman na parang may alon at naramdaman ang simoy ng hangin. Tsaka ko lang napansin na nasa harap pala ng dagat ang sasakyan.

"Finally" Nagulat ako.

"Fuck! Where have you been? And where are we? Akala ko saglit lang tayo mag-" Siniil niya ang aking labi ng halik.

"Don't forget. One curse, one kiss" Sinabe niya pagkatapos akong halikan.

"I don't care! Nasaan ba tayo? " Tanong ko. I'm not even bothered everytime he kissed me on my lips. What the fuck is wrong with me? Was that cheating?

I'm His Girl (book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon