Zea's POV
"You ready?" Tanong nya.
"Yup" sagot ko. Ngayon na ang flight namin papuntang Manila kaya naman excited na ako. Finally makikita ko na silang lahat!
"Take care sweetie! I will miss you" Sabe ni Steph at humalik sa pisnge ko.
"Aww I will miss you too" Sabe ko. Nagyakapan kaming dalawa. Kanina pa kami dito sa airport at kasama namin si Liam at Steph and finally mukang nagkakamabutihan na ang dalawa hihi. I'm happy for her.
"See you in 3 weeks!" Sabe ko.
"Yeah. Hey you know 'pasalubong'" sabe nya.
"Sure. Hey Liam take care of he!" Sabe ko at tumango naman si Liam.
"Attention all flight to Manila is now boarding"
Kinuha ko na ang maleta ko at nagpaalam na kila Steph naka akbay sakin si Xander habang naglalakad kaming dalawa.
"Baby pwede bang pagkauwi natin sa Manila dumaan muna tayo kay Maggie?" Tanong ko. Muka namang nagulat sya sa sinabe ko kaya hindi sya nakaimik agad.
"Namimiss ko na kasi sya" sabe ko at tumungo. Miss na miss ko na si Maggie halos mabaliw ako noon sa pagkawala nya. Naalala ko yung mga ginawang therapy sa akin.
"S-sige" sabe nya. Nang makaupo ako sa mismong upuan ko tumingin ako sa labas ng bintana.
"Matulog ka muna love" sabe nya. Tumango ako at sinandal ang ulo ko sa balikat nya. Pinikit ko ang mata ko at natulog muna.
"Love" naalimpungatan ako ng naramdaman ko ang paghaplos ni Xander sa pisnge ko. Pagkamulat ko ng mata nakita ko ang pag ngiti nya.
"Nandito na tayo?" Tanong ko kaya tumango sya. Halos magdiwang naman ang puso ko finally nasa Manila na ulit ako! Lumabas kami ng eroplano at naghintay sa aming bagahe ng makuha namin yon naglakad na kami palabas. Nagring naman ang phone ni Xander kaya napatingin ako sa kanya.
"Hello"
"Yeah. Palabas na kami ng airport. Asan kana ba?"
"Okay. Bye" pagkapatay nya ng tawag hinarap nya ako.
"It was Brian nasa labas na daw sya at naghihintay let's go" ahh si Brian lang pala. Naglakad na kami palabas at nakita agad namin si Brian na naghihinintay.
"Brian!" Tawag ko kaya napatingin sya sa akin.
"Welcome back young lady!" Sabe nya at ngumiti.
"Namiss kita haha!" Sabe ko at niyakap sya.
"Kayo talaga young lady. Sige na po pumasok na po kayo" sabe nya at binuksan ang pinto ng kotse kaya pumasok na ako doon. Tinulungan naman ni Brian si Xander na ilagay yung mga maleta namin sa likod pagkatapos non pumasok na din sila sa loob.
"Ahh Brian daan muna tayo sa sementeryo kay Maggie" sabe ko. Napatingin sya sa akin at tumango.
"Sige" sabe nya. Habang nasa biyahe nagtetxt lang si Xander ako naman nakatingin lang sa labas. Gosh namiss ko talaga ang senaryo dito! Ang mainit na hangin, maiingay at traffic na daan, ang mga tao. 11:24 am palang dito kaya medyo mainit. Nang makarating kami sa sementeryo agad akong bumaba at pumunta sa puntod ni Maggie. Malinis ito at may bulaklak hmm sino kaya ang dumalaw dito?
"Hi baby! How are you? Sorry ngayon lang kita nabisita ulit kakauwi ko lang eh" sabe ko sabay himas sa puntod nya. Naka indian seat ako at nasa tabi ko si Xander.
"Hey little monster" sabe ni Xander at nag indian seat din. Nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti.
"Alam mo bang madaming nagkakagusto sa daddy mo sa london! Kaya lagi akong nakikipag away!" Panimula ko.
BINABASA MO ANG
I'm His Girl (book 2)
Teen FictionSo ano na nga ba ang nangyari kila Zea matapos mangyare ang mapait na alaala? Does she became more weaker? Or stronger? How did she cope up? Let's find out. I hope that you will support this BOOK 2 too. Please before you read this, read the BOOK 1 f...