Chapter 54

1.7K 52 23
                                    

Warning SPG!!!!!!!!!

-----------------------------
---------------

Zea's POV

"Hi baby" Kumaway ako ng makita ko siya sa screen ng laptop. Naka simangot lang siya habang naka upo sa hita ni Chase. Kausap ko sila ngayon sa skype.

"May topak. Kakagising lang kase" Natatawang sabe ni Chase.

"Bakit ngayon lang siya nagising?" Tanong ko.

"Bakit hindi mo sagutin yung tanong kiddo?" Sabe ni Chase kay Mere na naka simangot pa din.

"Dada, I want pantake (pancake)" Sabe ni Mere.

"Oh hindi pa siya nakain? Hays kaya naman pala may topak!" Sabe ko.

"Sorry, by. Kakagising niya nga lang nung tumawag ka" Sabe ni Chase.

"Mere" Malambing kong tawag. Pinagmasdan ko ang batang kahawig ko na nasa screen. Tumingin siya sa akin sabay simangot.

"I miss you my little monster" Sabe ko.

"I heyt you Mimi, you left Shi-mir here with Dada!" Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa sa boses niyang napaka cute dahil sa pagkabulol niya.

"Mere, that's bad. Don't hate your Mom" Sabe ni Chase.

"But Dada! Mimi left Mere" Nakita kong iiyak na siya kaya nataranta ako.

"No baby! Mommy is busy here because of work. I'll be back there after this. Don't cry" Sabe ko.

"Dada..." At ayon umiyak na nga ng tuluyan.

"Don't cry, kiddo. I told you Mommy will cry too if she saw you crying" Sabe ni Chase habang pinapatahan ang anak ko. Yes, may anak na ako and he is Mere.

Tanging ako, si Chase, Steph, Liam and yung family ni Chase ang nakakaalam ng tungkol sa kanya. I never mentioned him to my family. For what reason? Dahil natatakot ako. Natatakot akong magalit sila sa akin dahil nangyare ang bagay na iyon three years ago.

"Mere, stop crying. Babalik din agad ako jan. Please baby tahan na. Chase please help me..." He is very fond of me and also to Chase.

Nang tuluyan siyang tumahan pinakain muna siya ni Chase. 9:50 PM na dito samantalang 7:50 AM naman ang oras sa kanila. Nitong mga nakakaraan talagang naka limutan ko siya. I think masyado akong natuwa dito dahil nga ilang taon din akong hindi umuwi at nagparamdam sa pamilya ko.

"Hindi ka pa ba matutulog? Mapupuyat ka" Sabe ni Chase. Nakita kong naglalaro ng kotse si Mere sa sala nakaupo siya sa carpet. I miss him.

"Gusto ko pang makausap ang anak ko" Sabe ko. Napahikab naman ako.

"Matulog kana, baby. Ako ng bahala dito sa batang makulit" Ginulo ni Chase ang mahabang buhok ni Mere kaya nagalit ito.

"Okay. Good night na nga. Ano ba yan gusto ko pa kayong maka usap pero hindi ko na talaga kaya" Naka ilang hikab na ako.

"Say good night to Mommy, kiddo" Lumingon naman si Mere sabay lapit.

"Good night, Mimi. I wuv you" Nag flying kiss siya kaya natawa ako.

"Good night, baby. I love you too" Sabe ko. Nagpaalam na ako sa dalawa. Humiga na ako ng ayos sa aking kama at pumikit.

Ilang oras na akong nagtry matulog pero hindi talaga ako makatulog. Nakatitig lang ako sa kisame ng aking kwarto. Naalala ko na naman yung gabing pilit kong kinalimutan but how could I forget it? Kung may nabuong maliit na anghel.

I'm His Girl (book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon