(December 2032)
Naghahanda na si Jang-jang para sa paglipat nila ng kanyang pamilya sa bago nilang bahay. Inilagay niya na ang mga gamit nila sa isang box nang may nakita siyang maliit na kahon sa loob ng cabinet. Kinuha niyo ito at binuksan. Isang polaroid at mga litrato ang bumungad sa kanya. Mga litrato nila dati nung nasa Italy pa sila. Kung saan nagsimula ang lahat.
Isa-isa niya itong tinignan hanggang sa may nakita siyang bagay sa pinakailalim ng kahon.
Isang diary.
Napangiti siya. Diary niya ito dati. Nung mga panahong fangirl pa siya ng Ultimate bias niyang si Sehun ng EXO.
That was 9 years ago.
"Diary ng fangirl," bulong nito sa sarili habang nakangiti.
Binuklat niya ang unang pahina nito.
*-*
November 26, 2023
Dear Diary,Annyeonggg! Waaah, I'm so confused right now. May in-offer kasi si Boss sakin na work sa Italy. Tapos nalilito ako kung tatanggapin ko ba? Aish. Alam mo naman diba na malapit na akong mag-resign sa trabaho ko kasi ayaw ni Mama. Saka nyaaaks! Galing Korea daw yung model? Waaahh! Malakas ang hinala ko na si Sehun 'to. Kasi you know naman na sikat na sikat na model yun sa Korea diba? So baka siya nga. Hay. So ano na? Pupunta ba ako o hindi? Matagal ko ng gustong makita si Sehun eh. Kaya lang paano naman kung hindi siya yung model? Baka magalit lang si Mama sakin. Napag-usapan na kasi namin yung tungkol sa pag-reresign ko sa trabaho. Ayoko mang tumigil kaso wala akong magagawa. Ayokong magkaroon kami ng tampuhan ni mama. Aish, ewan. Pag si Sehun talaga to pupunta talaga ako bahala na si Batman. Lels.
Ayy sige na, bukas ulit. Pag-iisipan ko pa tong mabuti ~
Jalgayo ♥- Jang ❤
•••••

BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanficEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...