Chapter Forty Two - He's Back

4 1 0
                                    

- Jang's POV





"Wag ka munang bumitaw, Jang-ssi.." seryosong sabi nito.

Natigilan ako dahil sa narinig ko. Biglang sumikip yung dibdib ko. Biglang bumalik lahat ng alaala namin sa Italy. Yung mga panahong tinatawag niya ang pangalan ko. Dalawang taon na din ang lumipas simula nung huling beses kong narinig na tinawag niya akong Jang-ssi. Sobrang namiss ko to.


Napatingin ako sa kanya. Nag-iilusyon lang ba talaga ako o totoong nandito nga siya? Bumilis ang tibok ng puso ko. Paano nga kung totoo lahat ng nakikita ko ngayon? Anong gagawin ko kung nandito nga siya?



Napatingin ako sa damit niya. Iba na yung suot niya ngayon sa suot niya kahapon. Nagpapalit din ba siya ng damit sa isip ko? Nonsense.



"Hahaha! Ang lakas na talaga ng tama mo sa utak Jang!" I laughed awkwardly while shaking my head. Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad paalis kaya lang bigla niya akong hinawakan sa kamay.



Nagulat ako sa ginawa niya kaya binawi ko agad ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Ramdam na ramdam ko ang palad niya sa kamay ko. Feeling ko sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.



Aalis na sana ako ulit nang bigla niya na naman akong hinila palapit sa kanya sabay yakap sakin.


Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Hindi ako agad nakagalaw. Ramdam na ramdam ko ang init na galing sa katawan niya. That's when I realized na all this time hindi pala ako nag-iilusyon. He's real. He's really here. He's back!


Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon ngunit nangibabaw sa lahat ang sakit at galit. Tinulak ko siya palayo sakin. Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa baba. Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Gustong-gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.



"Jang-ssi.." tawag niya sakin. Mas lalo lang sumikip ang dibdib ko ng tawagin niya ako.


"Stop..." mahinahon kong sabi sa kanya. Ayokong marinig ang kahit na anong sasabihin niya. Huminga ako ng malalim bago tumalikod ulit. Hindi pa ako handang harapin siya ngayon. Baka ano pang magawa at masabi ko sa kanya. Kunting tiis nalang Jang. Wag ka muna iiyak ha? Wag muna.


"Jang-ssi, please.." hinawakan niya na naman ulit ako kaya agad kong tinabing ang kamay niya.


"Don't touch me!" tinignan ko siya ng masama kaya lang ayaw talaga nitong tumigil sa pangungulit kaya buong lakas ko siyang tinulak palayo sakin sabay atras.




"Tanga ka ba?! San ba dun sa sinabi ko ang di mo maintindihan ha?!" sigaw ko sa kanya. Di ko na nakontrol ang emosyon ko. Nag-iinit ang buong katawan ko dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko ngayon.


"I'm sorry.. I just want to explain."


"Save it. I don't want to hear your explanation. I've had enough of your lies and nothing you say or do now will change everything!"

Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon