Chapter Nineteen - Tattoo

11 4 0
                                    

- Jang's POV


"Wag na. Baka di mo pa macontrol yang powers mo't malipad na ako sa sobrang lakas ng hangin," sambit ko na siyang ikinatawa nito.

"So can I ask Jang-ssi if who's your Top 3 bias in EXO?"

"Oh, okay. The 3rd person on my bias list is... hmmm Chen Oppa?"

"Oh? You like the troll? Bakit mo siya nagustuhan?"

"Hmm, cause he's very talented. I like his voice, uhm.. he's handsome too and funny."

"Hmmm," tumango-tango ito saka kumuha ng isang album tapos pinirmahan.

Tinignan ko yung laman ng box. Kaunti nalang at matatapos na din siya.

"Wait, pansin ko lang nandito lahat ng albums namin. Binili mo lahat?" he asked.

Tumango lang ako.

"Wow, wae? Di ka pa nakabili nito?"

"I already told you 'bout that earlier Oppa."

"Ah! Oo nga pala. Mianhae. Haha!" napakamot siya ng ulo. "So sino yung pangalawa?"

"It's Suho Oppa."

"Oh? Nice choice. Anong nagustuhan mo sa kanya?"

"Hmm, nasa kanya na lahat eh. Gwapo, mabait, mayaman, talented and all. Almost perfect na."

"Kung ganun eh bakit hindi nalang siya yung ginawa mong ultimate bias?" aniya. Normal lang ang ekspresyon ng mukha niya ngunit parang iba yung tono ng pagkakasabi niya nun.

"Eh sa ayoko. Mas mahal ko yung nasa number 1 eh."

"Then who is it?"

Napatingin ako sa baba habang nakangiti.

"You," napakagat ako ng labi saka nilagay ko ang buhok ko sa likod ng aking tenga habang nakatingin pa din sa baba.

"Yeah I know," cool nitong sagot.

"Alam mo pala eh nagtanong ka pa."

"Gusto ko lang manigurado," he said while grinning.

"Sus," nag-iinit ang mukha ko.

"So ano nagustuhan mo sakin?" he asked.

Napatingin ako sa bubong. Ano nga ba nagustuhan ko sa kanya? Wala akong maisip. Hindi ko alam.

"Uhmm.. Ano. Di ko din alam eh."

Napatingin siya sakin habang nakakunot ang noo.

"Huh? You don't know why you like me?"

"Uhmm. Yes?"

"Pssh! Ha! Edi si Suho Hyung nalang ilagay mo sa number 1. Di mo din naman pala alam bakit mo 'ko nagustuhan. Tutal he's way better than me," aniya saka nagpatuloy na sa ginagawa niya pero nakabusangot ang mukha.

"Ya! what are you talking about? Are you jealous?"

"Me? Jealous? Why would I? I'm just telling the truth. He's more handsome than me. Siya nalang."

"You're handsome too."

"Okay, so sinong mas gwapo saming dalawa? Me or Him?" he asked.

"Huh? What kind if question is that?"

"See? You can't answer it. Ayos lang Jang-ssi, naiintindihan ko naman."

Naguguluhan na ako sa kanya. Bigla-bigla nalang siyang naging ganyan. Psh.

Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon