Chapter Thirty Six - Confused

5 1 0
                                    

- Jang's POV

Wala ako sa sariling naglalakad papasok ng building sa kompanyang pinagtatrabahuan ko. Medyo masakit din ang ulo ko ngayon kasi di ako nakatulog kagabi. Hindi pa rin ako makapaniwala na finollow ako ni Sehun sa Instagram. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa yun.

Ilang beses kong chineck kung account ba talaga yun ni Sehun and account niya nga talaga. Nag-message din ako sa kanya at tinanong ko siya ng paulit-ulit kung bakit niya ginawa yun pero wala akong natanggap na kahit na isang response mula sa kanya.

Hindi kaya na-hack yung account niya? O baka pinag-t-tripan niya lang ako? O baka iba yung gumagamit ng phone niya? O baka aksidente lang na mapindot niya yung follow sa profile ko? So that means he stalked my profile? Pero bakit niya naman gagawin yun? Aish!! Sehun naman eh! Gusto ko siyang puntahan sa Korea at tanungin kung bakit niya ginagawa sakin 'to.

"Jang!" nabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Zoe. Nakita ko siyang naglalakad papalapit sakin.

"Bakit ngayon ka lang? Late ka na ah. Saka bakit ganyan yung hitsura mo? May sakit ka ba?" tanong niya sakin saka hinawakan ako sa noo. "Hindi ka naman mainit ah. Ayos ka lang ba?"

"I'm fine. Kulang lang sa tulog," I smiled.

"Ahh, kaya ba late ka kasi matagal kang nagising?"

I nodded.

"Kaya din ba nakalimutan mong may photoshoot ka ngayon?"

My eyebrows creased. Photoshoot? November 3 pa yun ah.

"Ano bang petsa ngayon?" tanong ko. Tinuro naman ni Zoe yung calendar malapit samin.

"Monday, November 3," agad na nanlaki ang mga mata ko ng marealize kong ngayon pala yun.

"Crap! I forgot. Anong oras na Zoe?"

"It's already nine-sixteen."

"Aish!" tumakbo na ako papuntang studio. 9 am dapat yung start ng shoot. Hanubaaa Jang!

Pagkarating ko sa studio ay humingi agad ako ng paumanhin kung bakit ako na-late.

"Hello Ms. Stacy. Are you ready?" bati ko sa modelo.

"Oh hello Ms. Jang. Yes. "

"Okay. Let's start!"

Aalisin ko na din muna si Sehun sa isip ko.

~*~

12 na ng tanghali nang matapos yung shoot. Hinintay ako ni Zoe sa studio para sabay na raw kaming mag-lunch. Kaya lang may napansin ako sa kanya. Kanina pa siya mukhang di mapakali. Pag tinatanong ko naman siya sinasabi niya namang wala siyang problema. Ang weird.

Oras-oras ko din tinitignan yung phone ko. Nagbabaka-sakali na makatanggap ng notification galing kay Sehun. Kaya lang wala eh.

Paasa talaga yung lalaking yun. Aish! Paasa.

"Jang, pahiram nga ng cellphone," biglang sabi ni Zoe sakin.

"Bakit? Nasan ba phone mo?"

"Low batt eh. Nakalimutan ko yung charger sa bahay."

"Psh.." iniabot ko sa kanya yung phone ko.

Buong hapon nakabuntot si Zoe sakin. Ewan ko ba anong nakain ng babaeng 'to. Kahit sa CR sumasama siya. Kulang na lang sumama na din siya sakin sa loob ng cubicle.

Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon