- Jang's POV
"Nasan ka na?" tanong ko kay Joy.
Actually Christine Joy talaga ang pangalan niya kaya lang dalawa silang kaibigan ko na nagngangalang Christine kaya Joy ang tawag ko sa kanya habang Jingle naman ang tawag ko sa isang kaibigan namin para hindi sila malito kung sino talaga yung tinatawag ko sa kanilang dalawa.
Naging kaibigan ko silang dalawa simula pa nung highschool and they're also a fan of EXO. Joy's ultimate bias is Baekhyun while Jingle's bias is Chanyeol. Karibal ni Nika at Slaira. Ay este ni Nika nalang pala kasi bigla nalang nagpalit ng bias si Slaira. Si Baekhyun talaga bias niya dati tapos isang araw, sabi niya si D.O na raw ang UB niya. Hindi siya loyal kay Baek. Lol!
"Nasa labas na ako. Sige na ibaba mo na 'to," aniya.
Napalingon ako sa labas ng coffee shop at nakita ko nga siya sa labas. Nabalitaan niya raw kasi kay Nika anong nangyari sakin kaya nakipagkita siya agad. Alam kasi nilang lahat na si Sehun yung model sa shoot na pinuntahan ko sa Italy.
Pumasok na ito sa loob kaya kumaway ako para makita niya ako. Lumapit siya sa mesa na inuupuan ko saka umupo.
"Kamusta?" tanong niya.
"Ay agad agad? Order muna tayo pwede?"
"Ah mian! Sige."
"Caramel latte right?" I asked. Tumango lang ito kaya dumiritso na ako sa counter. Dalawang Caramel latte yung in-order ko.
"So kamusta kana?" tanong niya agad nang makabalik ako. Ay! Nagmamadali?
"Medyo ayos na," sagot ko sa kanya bago ako uminom ng kape.
"Hmmm, mabuti naman. Alam mo ang swerte mo," sambit nito.
"San banda?"
"Ang swerte mong nagkalipat kayo ni Sehun. Akalain mo yun? Dati hanggang pangarap ka lang tapos biglang nagkatotoo except lang dun sa part na kayo yung magkakatuluyan."
"Ouch ha? Ang sakit nun teh!"
"Haha! di joke lang! Sorry po. So ayun nga, ang swerte mo na naging magkaibigan kayo, na nakasama mo siya, nahawakan, nayakap, nahalikan mo pa."
"Sa pisngi lang yun oy!"
"Hahaha! Wala naman akong sinabi kung saang parte mo siya nahalikan ah. Haha! Ikaw ah? Hmm," pang-aasar nito habang nakasuot ng nakakalokong ngiti.
"Sinabi ko lang baka kasi kung anong maisip mo. Wait nga, paano mo nalaman?" tanong ko.
"Haha, hindi ko naman kasi talaga alam. Sinabi ko lang yun para ma-confirm kung may nangyari nga bang mwah mwah between you and him," sabi nito sabay tawa.
"Walang hiya ka!" binato ko siya ng nilukot na tissue kaya lang nakailag ang bruha.
"Hahaha! Pero sana ganun din kami ni Baekhyun. Hays! Ayos lang sakin kahit saktan niya ako basta makasama ko lang siya. Dream come true na yun!"
"Posible yun," nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
"Talaga?!"
"Yeah, ikain mo lang ng krimstix yan tapos tada! Imagination mo ang limit," tatawa-tawang sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanfictionEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...