- Jang's POV
"Wala na si Jim.."
Apat na salita na siyang nagpaguho ng mundo ko.
Pupuntahan ko sana kung nasaan man siya ngayon kaya lang pinigilan ako ni Zoe. Ayaw daw akong makita ng mga magulang ni Jim. Galit sila sakin.
Kasalanan ko lahat.
"Jang tahan na," sambit ni Zoe habang tinatapik ang likod ko. Nakayakap ako sa kanya ngayon habang umiiyak. Umiiyak din si Zoe.
Sobrang sakit! Wala na si Jim. Hindi ko matanggap. Hindi ako makapaniwala.
"Kasalanan ko..kasalanan ko kung bakit naaksidente siya," sabi ko.
"Wag mong sisihin ang sarili mo Jang. Wala kang kasalanan."
"Hindi! Kasalanan ko Zoe. Sana hindi ko nalang yun sinabi sa kanya. Sana hindi nalang ako nakipaghiwalay. Sana inintindi ko nalang siya. Sana hindi ko siya sinaktan.. Ako yung may kagagawan ng lahat ng to," napahagulhol ako. Hindi ko talaga matanggap. Sobrang sakit. Sobra.
"Sshhh. Tahan na, tahan na."
"Zoe..ang sakit!" napahigpit ang pagkakahawak ko sa kumot.
"Jang, lahat ng nangyayari ngayon ay may rason. Siguro yun na nga talaga yung oras ni Jim. Hindi natin alam na baka kahit hindi kayo nagkakilala, mangyayari pa rin yun sa kanya. Hindi mo kasalanan yun Jang. Hindi mo naman hawak ang buhay ni Jim. Hindi mo din ginusto na mangyari yun sa kanya. Wala kang kasalanan kaya wag mong sisihin ang sarili mo," mas lalo lang akong naiyak sa sinabi ni Zoe. Sinabi niya yun para pagaanin ang loob ko pero parang mas lalo lang tuloy bumigat ang pakiramdam ko.
Nagsisisi ako. Nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko sa kanya.
"Magpahinga ka na Jang," kumawala na si Zoe mula sa pagkakayakap sakin at dahan-dahan niya akong inihiga.
Pinikit ko ang mga mata ko ngunit tuloy-tuloy pa rin ang patak ng mga luha galing dito. Pinunasan ni Zoe ang mga luha ko saka hinaplos ang buhok ko. Ginawa niya yun hanggang sa nakatulog ako.
I'm really thankful na nandito si Zoe sa tabi ko. Kung mag-isa lang siguro ako, hindi ko alam ano nang ginagawa ko ngayon. Baka hindi ko kayanin.Tanghali na nang magising ako. Isang tanong ang pinakaunang pumasok sa isipan ko pagkagising ko. Tanong na sana 'Oo' nalang ang sagot pero hindi.
Panaginip lang ba lahat?
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Magang-maga ang mga mata ko. At nang ma-realize kong hindi panaginip lahat ng yun ay nagsimula na namang pumatak ang mga luha galing sa mga mata kong hindi parin napapagod sa palagi kong pag-iyak.
Buong araw akong nagkulong sa kwarto. Hindi na din muna ako pumasok sa trabaho. Maiintindihan naman ako ng boss namin. Simula nung nakauwi ako ng Pinas galing Italy, ang dami ko ng absent.
Sobrang sakit ng ulo ko mga bandang hapon dahil hindi ako kumain buong araw at dahil na din sa kakaiyak. Pinagalitan pa ako ni Zoe pag-uwi niya dahil di ako kumain.
"Bakit hindi ka kumain? Ano, gusto mo na ding mamatay? Umayos ka nga Jang. Hindi lang ikaw yung nasasaktan sa pagkawala ni Jim. Pati din naman ako. Pati na yung pamilya niya. Nasasaktan akong nakikitang malungkot ang dalawang kaibigan ko. Marami tayong nahihirapan pero hindi namin ginagawa yang ginagawa mo sa sarili mo ngayon. Sinabi ko na sayo diba na wag mo sisihin ang sarili mo? Kung iniisip mong kasalanan mo talaga yun dahil galit ang mga magulang ni Jim sayo, hindi yun ganun. Nabigla lang siguro sila sa pagkawala ni Jim kaya ganun yung naramdaman nila. At sa tingin mo ba magugustuhan ni Jim yang ginagawa mo? Mag-isip ka nga. Dadating din naman yung araw na magiging maayos din ang lahat. Kaya kumain kana! Tsk tsk. Pag di ka kumain ngayon din, hindi na talaga kita papansinin. Hindi ako nagbibiro."
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanfictionEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...