- Jang's POV
I gasped when i saw the guy.
Holy moly! Siya?!!! But paano? How? WAAAAAHHHH!!
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang nanghihina ako. Di ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Akala ko ba si Kai yung model pero bakit siya ang nandito? Naiiyak na ako.
"OMG ang gwapo niya!" rinig kong sambit ni Zoe. Oo ang gwapo niya talaga. Nakikipag-usap siya sa CEO. Nananaginip ba ako?
"Z-zoe."
"Ohh?"
"Kurutin mo nga ako."
"Huh? Bakit?"
"Basta gawin mo nalang."
Kinurot niya ako.. at... at...
"Ouch! Masakit."
"Malamang masakit yan. May kurot ba na masarap sa pakiramdam?" sarkastiko niyang tanong.
Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mga mata ko.
"So I'm not dreaming?! Totoo to? Omoooo!" my eyes are already teary.
"Nakadrugs ka ba? o talagang baliw ka lang talaga?"
"Oh my goooood!!" tumili ako ng mahina tapos nagtatatalon sa sobrang kilig. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Zoeeeee! Si Sehun!" sabi ko sa kanya.
"Oo alam kong si Sehun yan," walang kabuhay-buhay niyang sagot.
"Nakalimutan mo na ba? Ultimate bias ko sa EXO na matagal ko nang hinihintay. Siya yun!!!"
"Huh? Siya yun?!" gulat niyang tanong.
"Oo! Ang gwapo diba?"
"Gwapo nga. Maswerte ka. Natupad na din ang matagal mo nang pinapangarap," nakangiting saad niya.
"Sobra! Ang saya ko Zoe. Huhu :< Pero diba dapat si Kai yung nandito?"
"Luh? Di mo pa ba alam?"
"Na ano?"
"Ms. Jang!" rinig kong tawag sakin ng CEO. Napalingon kaming dalawa ni Zoe sa kanya. Sinenyasan niya akong lumapit.

BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanfictionEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...