- Jang's POV
"Ate oh..uminom ka muna," iniabot ni Ha Yeon sakin ang isang bottled water bago siya umupo sa tabi ko. Kinuha ko naman ito mula sa kanya at ininom habang hinihimas niya na ang likod ko ngayon.
"Ayos ka na ate?" she asked pagkatapos kong uminom ng tubig. Pinunasan ko muna ang mukha ko gamit ang panyo bago ako tumango sa kanya.
She sighed.
"Pasensya ka na sa ginawa ni Mommy kanina ate ah? Sorry talaga."
"Ayos lang yun," ngumiti ako sa kanya bago ako nagpatuloy, "kasalanan ko din naman kung bakit nangyari yun sa kuya mo. Naiintindihan ko naman ang Mommy mo. Alam kong hindi naging madali para sa kanya at sa pamilya nyo yung nangyari kay Jim. Sorry Ha Yeon," naiiyak na naman ako anubayan, amp.
"Ate, wala ka namang kasalanan eh. Wag mong sabihin yan," aniya.
"Hindi ka ba galit sakin?" tanong ko sa kanya.
"Hindi. Bakit naman ako magagalit sayo? Naiintindihan ko naman kung bakit mo ginawa yun Ate. Aksidente yung nangyari kay Kuya at wala kang kasalanan dun. Saka may nagawang mali din yung Kuya ko kasi hindi niya agad sinabi sayo yung tungkol sa pamangkin ko."
I feel grateful kasi naiintindihan niya ako, kasi hindi siya galit sakin. Masaya ako na nandito si Ha Yeon. Masaya ako na hindi niya ako sinisisi sa pagkawala ng Kuya niya. Napakabait niya. Katulad ni Jim.
"Alam mo ang tungkol dun? Na alam ko na yung tungkol sa bata?" I asked.
"Oo. Before naaksidente si Kuya, pumunta ako sa condo niya. Alam mo naman kung gaano ako ka-close sa Kuya ko diba? Dalawa lang kasi kaming magkapatid kaya sobrang lapit namin sa isa't-isa. At wala kaming tinatago sa isa't-isa. Nung araw na yun, sinabi sakin ni Kuya lahat ng nangyari. Na nakipagpahiwalay ka sa kanya dahil alam mo na yung tungkol sa anak niya. Alam ko din na hindi mo na mahal si Kuya. Kita ko kung gaano kasakit para sa kanya nung iniwan mo siya. Mahal na mahal ka kasi ng Kuya ko Ate. Pag nagkikita kami, ikaw palagi yung kinukuwento niya sakin."
Na-speechless ako. Alam ni Ha Yeon lahat ngunit hindi man lang ito nagalit sakin kahit sinaktan ko ang Kuya niya. Nalulungkot ako at nagsisisi sa mga nagawa ko.
"Ikaw ang pangalawang babae na minahal ni Kuya ng sobra. Yung unang babaeng minahal niya ay yung ina ng anak ni Kuya. Ju Hyun Eonnie, that's her name. I called her Eonnie cause she's Korean. Our family moved here in the Philippines for good when my brother was still 2 years old. My Mom is a Filipina and Korean naman si Dad so half kami ni Kuya. Sa Seoul pinanganak si Kuya pero dito na siya lumaki habang ako naman ay dito na talaga sa Pinas pinanganak. Every year kaming pumupunta sa Korea para bisitahin ang mga magulang ni Dad. Then one day, ayaw nang umuwi ni Kuya dito. Ayaw niya nang umuwi kasi may girlfriend na pala siya. Hindi yun alam ng mga magulang namin. He stayed there for 3 years. Ilang beses ko na din nakita si Ju Hyun Eonnie. Wala naman akong problema sa kanya kasi mabait naman siya at kita ko namang masaya silang dalawa sa isa't-isa kahit medyo busy si Eonnie sa trabaho niya. Nasaksihan ko nun kung gaano nila kamahal ang isa't-isa," kwento niya.
Hindi na ako nagsalita. Nakinig lang ako kay Ha Yeon. Curious din kasi ako kung anong nangyari kay Jim at nung ex niya. Kung bakit sila naghiwalay kahit may anak na sila.
"Isang araw nagkausap kami ni Kuya. Balak niya na daw pakasalan si Eonnie. I supported him and I'm so happy for them. Tinulungan ko siyang mag-propose kay Eonnie. Nasa Korea kasi kami nina Mom at Dad that time. Naging successful yung proposal ni Kuya. Kita ko na sobrang saya niya nun."
"Bakit sila naghiwalay kung engaged na pala sila?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya ng malungkot bago ako sinagot.
"Because of my Dad and Ju Hyun Eonnie's parents. Ayos naman sana lahat eh kaya lang nung time na nagkita-kita sila bigla nalang silang tumutol sa kasal. Ayaw na ng parents ni Eonnie kay Kuya. Hindi ko sila maintindihan. Narinig kong nag-aaway sina Mom at Dad pag-uwi nila habang si Kuya naman ay galit din. Hindi ko alam anong nangyayari sa kanila. Sinabi sakin ni Kuya lahat ng nangyari habang umiiyak. Naiinis daw siya kasi bakit nangyayari lahat ng yun. Bakit kung kailan engaged na sila saka pa nakialam ang mga magulang namin. Kinabukasan, my mom and dad talked to him. They told him na hiwalayan niya na daw si Eonnie. Pati si Mommy ayaw na ding magpakasal si Kuya kay Eonnie. Ayaw nilang sabihin yung rason kung bakit nila ginagawa yun. Hindi pumayag si Kuya nun. He ran away from home. Limang araw siyang hindi umuwi. Nag-aalala na kami sa kanya. We tried to look for him but we can't find him. Hanggang sa isang araw, bigla nalang siyang sumulpot sa kwarto ko habang umiiyak. He looked so pitiful and hopeless. I was so shocked when he told me that Eonnie broke up with him. I've witnessed how much they love each other tapos nakipaghiwalay si Eonnie? Parang hindi ako makapaniwala. Pero mas nagulat ako nung sinabi ni Kuyang nagdadalang tao si Eonnie at si Kuya yung ama ng bata. I told him na ipaglaban yung relasyon nila lalo na at may anak na pala sila kaya lang mas lalo lang naiyak si Kuya. Sabi niya matagal na raw sumuko si Eonnie at ano pa raw saysay ng paglaban niya kung mag-isa nalang siyang lumalaban. He told me that Eonnie begged him not to tell anyone that he's the father of her child. Dahil baka pag nalaman daw ng mga magulang ni Eonnie na si Kuya ang ama ng bata ay ipa-abort nila ito. Wala nang ibang nagawa si Kuya. Mahal na mahal niya si Eonnie kaya gagawin talaga ni Kuya kung anong gusto nito. Ayaw niya din na mapahamak ang anak niya. Kaming tatlo lang ni Kuya at Eonnie ang nakakaalam sa katotohanan tungkol sa bata. Kahit yung mga magulang namin ay walang alam tungkol dun. Kahit gustong-gusto niyang makasama si Eonnie at yung magiging anak nila ay wala na siyang nagawa," malungkot na sambit ni Ha Yeon saka bumuntong hininga.

BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanfictionEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...