Chapter Forty One - "You're not hallucinating..."

3 1 0
                                    

- Jang's POV




"Para saan yan?"

"May nagpapabigay po nito. Sabi niya po wag na daw kayong umiyak," sagot nung bata. Napakunot yung noo ko sa sagot niya.


"Sinong may sabi?"


"Siya po," may tinuro ang bata. Sinundan ko naman ng tingin kung saan siya nakaturo at may nakita akong lalaking nakatayo habang nakatingin samin.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang mamukhaan ko ang lalaking tinuro ng bata.

Si Sehun.



Nakatayo siya habang nakatingin sakin. Paanong... bakit siya nandito? Nananaginip ba ako?

I rubbed my eyes. Ilang beses ko itong ginawa ngunit nandun talaga siya.

"Ate, ito na po yung panyo. Babalik na po ako kasi hinahanap na ako ng Mommy ko," paalam nung bata saka inilagay niya sa kamay ko ang panyo bago ito umalis. Hindi na din ako nakasagot sa kanya kasi napako na ang mga mata ko kay Sehun.

Nananaginip lang yata ako kaya kinurot ko ang sarili ko. Nakaramdam naman ako ng hapdi. Hindi panaginip to. Mas lalong bumilis pa yung pintig ng puso ko.



Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Totoo ba talaga tong nakikita ko? Nandito ba talaga siya?


"Ms. Jang?" napatigil ako sa paglalakad nang biglang may tumawag sakin. Lumingon ako rito at nakita ko si Mr. Mendoza na papalapit sakin.

"Good Evening po sir," bati ko sa kanya bago ako lumingon ulit sa kinaroroonan ni Sehun ngunit wala na ito doon. Nagpalinga-linga ako dahil baka umalis lang ito kaya lang wala din akong nakitang ibang tao sa paligid.

"Ms. Jang?"

"Huh?"

"Are you okay? May hinahanap ka ba?"

"Ah! Nakita niyo po ba yung lalaking nakatayo dun kanina?" tanong ko kay Mr. Mendoza sabay turo sa spot kung saan ko nakita si Sehun kanina. Napalingon naman siya sa direksyon na tinuro ko.

"Lalaki? Wala akong nakitang lalaki Ms. Jang. Ikaw at yung batang kausap mo lang kanina yung nakita ko dito," sagot nito.

"Ah. Ganun po ba? Pasensya na po," I smiled at him before sighing.

"You seem disappointed."


"Huh? Hindi po," tanggi ko while laughing awkwardly.

"By the way, what are you doing here? It's cold and hindi ka ba natatakot? Ikaw lang yung tao dito."

"Sayo lang naman ako natatakot dahil baka ipadukot mo ako tapos ibenta mo lahat ng internal organs ko," bulong ko sa sarili.


"Ano? Di kita marinig Ms. Jang."


"Ah! Hehehe! Sabi ko po nagpapahangin lang po ako dito. Ayos lang din po ako. Maaga pa naman eh."

"Ah, ganun ba?" ngumiti ito sakin.


"Sinusundan mo ba ako sir?" mahina kong tanong habang nakatingin sa gilid.

"Huh? Pakilakasan naman ng boses mo Ms. Jang. Hindi talaga kita masyadong naririnig."

"Pasensya na po, sabi ko po anong ginagawa niyo dito?" tanong ko habang nakangiti.

"Ah, ako? Hinahanap ko kasi yung kaibigan ko. Tapos nakita kita dito kaya lumapit ako sayo."

Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon