- Jang's POV
Ang aga kong nagising ngayon. Di ko alam bakit kasi usually ang tagal kong magising. Matapos kong makapaghanda ay bumaba na ako. Naabutan ko naman sa kusina si Mama na naghahanda ng almusal. Ang aga ko nga talaga dahil di pa gising sila Nika.
"Morning Ma," bati ko sa kanya.
"Oh, Jang ang aga mo ata. Kumain ka na."
"Oo nga po eh. Uhm, may sasabihin po sana ako sa inyo," panimula ko. Sasabihin ko na sa kanya yung tungkol sa offer ni boss sakin kahapon. Medyo kinakabahan ako dahil baka magalit siya.
"Ano yun?"
"Pupunta po sana akong Italy para sa isang Photoshoot," mahina kong sabi. Di siya sumagot. Nakatingin lang siya sakin habang nakakunot ang noo.
"Ma, please?"
"Diba napag-usapan na natin to?"
"Opo pero last ko na po to, promise."
Ilang minuto din siyang natahimik habang nakatingin sa kawalan at parang ang lalim ng iniisip hanggang sa bumuntong-hininga ito saka tumingin sakin.
"Okay pero siguraduhin mo lang yang last mo ah?" sagot nya. Napahinga naman ako ng maluwag. Hooh! Thanks God.
"Yes po," I nodded while smiling.
"Sige tapusin mo na yan."
"Thank you ma."
She just smiled. Nang matapos na akong kumain, dumiretso na ako sa trabaho. Nasa 3rd floor pa yung office ko kaya sumakay pa ako ng elevator. Binuksan ko muna ang Instagram ko dahil baka may update si Sehun. Kaso wala eh. Hayss, parang nawawalan na ako ng pag-asa.
Pagkabukas ng elevator ay nagulat ako sa bumungad sakin. May red carpet kasi tapos ang daming rose petals sa sahig. May mga heart-shaped balloons din.
Wow, sosyal. Anong meron? Matagal pa naman ang Valentines Day. O baka may ikakasal? lol.
Naglakad na ako palabas. May bigla namang lumapit sakin na babae. Kasamahan ko sa trabaho, tapos iniabot niya sakin ang isang red rose.
"Ano to? Para saan?" tanong ko sa kanya ngunit di siya sumagot. Nginitian niya lang ako sabay alis.
"Hoy!" tawag ko sa kanya. Wow, asan na manners ko? May pangalan yung tao tapos hino-hoy ko lang, lol, kaso di niya din ako nilingon. Hala? What's happening here?

BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanfictionEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...