Chapter Thirty Five - Ha Yeon & Zion

8 1 0
                                    

- Zoe's POV


"Ate natatakot ako," rinig kong bulong ni Ha Yeon kay Jang. Bakas sa boses niya na takot na takot na ito. Ako din ay takot na takot na jusko nasan na ba kasi yung switch ng ilaw?

"Wag ka matakot," bulong ni Jang kay Ha Yeon. "Zoeee!! Dalian mo!"

Aish! Kapa ako ng kapa hanggang sa mahawakan ko na yung switch ng ilaw.

"Ito na!!" sigaw ko sabay bukas ng ilaw.




"AHHHHHHHHHHHHHH!!!" sumigaw ng napakalakas si Jang at nakita ko nalang na may ibinato siyang bagay sa multo na saktong tumama sa ulo nito. Hindi ko nakita yung mukha niya kasi nakayuko ito. Boom! Headshot!

"Araaaaayyyyyy! Aahhhh!" nakita kong napahawak yung multo sa ulo niya saka napaupo sa sahig. Wait nasasaktan ba yung multo?

Nagkatinginan kaming tatlo ni Ha Yeon at Jang. Bakas din sa mga mukha nila ang pagtataka.

"Zoe.." tawag sakin ni Jang.

Tinaasan ko siya ng kilay. Sinenyasan niya kasi akong lapitan yung multo kaya agad din akong umangal. Bakit ako eh siya yung nanakit dun sa multong yun. Ngunit pinilit ako nilang dalawa ni Ha Yeon kaya wala akong ibang nagawa.

Kumuha muna ako ng walis bago ako dahan-dahang lumapit dun sa multo na ngayon ay dumadaing.

Palapit ako ng palapit sa nakayukong multong lalaki nang bigla nitong iniangat ang kanyang ulo. Nakaramdam agad ako ng inis at gulat and at the same time ay gumaan din yung pakiramdam ko nang makita ko ang mukha niya.

"Zion?!!!!!" sigaw ko sa lalaking akala namin ay multo kanina.

"Ate.. ang sakit ng ulo ko," he whined.

"Buti nga sayo! Bwesit kang bata ka! Leche! Muntik na akong mamatay sa takot dahil sayo!" binatukan ko siya ng malakas. Kainis eh. Tsk.

"Aray! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" bigla nalang itong tumawa ng malakas. Ay hala tuwang-tuwa siya eh no? o baka naalog na ang utak nitong kapatid ko.

"Zion?" di makapaniwalang tanong ni Ha Yeon.

Nang marinig ni Zion yung boses ni Ha Yeon ay nagtago ito agad sa likod ng sofa.

"Ate..save me," bulong nito sakin.

I smirked. Mwahaha! Bahala ka sa buhay mo.

"Good Luck lil' bro," tugon ko sa kanya sabay kindat.

Lumapit na si Ha Yeon samin at nang makita niya ang kapatid ko ay parang umusok yung tenga at ilong niya habang yung mukha naman ni Zion ay di maipinta. HAHAHAHA!

He suddenly stood up and acted like nothing happened.

"Ate, uwi na ako ah? Sorry sa isturbo. Hehehe," tumalikod na siya mula samin at nagsimula ng maglakad ngunit agad din itong natigilan nang magsalita si Ha Yeon.

"Saan ka pupunta?" mahinahon na tanong ni Ha Yeon sa kanya. Lumingon naman si Zion sa kanya and nervousness was written all over his face. Wahaha! Si Ha Yeon lang talaga katapat nitong kapatid kong sobrang hilig mang-prank.

"Uuwi na?" hindi siguradong sagot niya. Di siya makatingin ng diritso kay Ha Yeon.

"Mamaya na. Halika nga dito." -Ha Yeon

"H-huh? Bakit? Ayoko nga." -Zion

"Halika na bilis." - Ha Yeon

Base sa reaction ni Zion, I'm sure pinandilatan na siya ng mata ni Ha Yeon. Hahaha! Nakakatawa yung mukha ni Zion. Ganito yung mukha niya ngayon -------> (o______o) <------ Laughtrip :D

Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon