- Sehun's POV
"Pero sana naman, bigyan mo man lang ako ng dahilan kung bakit ka nagkaganyan. Jebal Oppa. Jebal."
I don't know what to say. Ayoko ding magpadalos-dalos sa sasabihin ko at baka may masabi ako na siyang magiging dahilan upang masaktan lang kaming dalawa sa huli.
Kanina pa ako kating-kati na lapitan siya pero di ko ginawa. Nung hinila niya ako palayo dun sa babaeng ugh ubod ng landi tsk ay hinayaan ko nalang siya dahil gusto ko na ding malayo dun sa babaeng yun.
Gusto ko siyang yakapin ngayon but I've already made up my mind na lumayo na sa kanya. Gusto kong magpaka-selfish but ito yung mas nakakabuti.
I looked at her. Di ako nagpakita ng kahit na anong emosyon.
"I'm sorry Jang-ssi if you're in pain right now because of me but... but we're better off this way. So please stop it already. I don't need to explain myself cause just like what you have said, there's nothing going on between us. And I don't want to hear what you're going to say anymore. So can you please stop this foolishness of yours already? Just forget everything that happened between us. Just... forget about me."
Tumalikod na ako mula sa kanya saka nagsimula ng maglakad palayo.
Kalimutan mo nalang ako Jang.
Kalimutan mo nalang lahat.
Para wala nang masasaktan pa.
"Tungkol ba to dun sa tinext mo sakin?"
Napahinto ako sa paglalakad pero di ako lumingon sa kanya.
I remembered the last message that I sent to her. It was about her feelings for me. Makakalimutan niya din ako kasi alam ko naman na nagustuhan niya lang ako bilang Sehun ng EXO at di bilang ako talaga.
"You're doubting my feelings for you huh?" she laughed bitterly. "You know what? For 6 years na naging fan mo 'ko, I'm always praying and hoping na sana dumating yung araw na makilala mo 'ko. Nagsikap akong mag-aral para may mapatunayan naman ako sayo. Ikaw yung ginawa kong inspirasyon upang marating ko kung nasan ako ngayon. Sa loob ng anim na taon, di ako pumasok sa isang relasyon kasi ikaw lang yung gusto ko. Kahit alam kong imposibleng dumating yung araw na magugustuhan mo din ako. Umasa pa din ako. Ang tanga ko no?"
Tahimik lang akong nakinig sa kanya. She's already crying and I can't do anything even though I badly want to hug her right now.
"Pero alam mo, may mali din ako eh kasi di ko ginawan ng paraan para mapalapit sayo. Sana dati palang pinuntahan na kita sa Korea. Na sana dati palang, nilapitan na kita nung nag-concert kayo sa Pinas. Pero mas mabuti na pala na di ko ginawa yun. Atleast alam ko na ngayon na kahit anong gawin ko, imposible talagang magugustuhan ako ng isang tulad mo. Sino ba naman ako diba para magustuhan mo? Para kang isang bituin na gustong-gusto kong makuha ngunit di ko naman kayang abutin."
Napayuko ako. Sana nga ginawa mo yun Jang-ssi. Sana dati ka pa dumating sa buhay ko. Sana nagpakilala ka sakin ng maaga.
"Oo inaamin kong umabot din ako sa puntong gusto ko nalang sumuko sayo. Minsan na-i-insecure ako dun sa mga babaeng napapalapit sayo. Naiisip ko paano nalang kaya kung ma-inlove ka sa isa sa kanila? Paano na lahat ng plano ko? Paano kung malaman ko isang araw na may girlfriend ka na? Sobrang sakit nun. Di ko alam kong kakayanin ko yun kaya minsan parang nawawalan na ako ng pag-asa. Tapos tadhana na mismo yung gumawa ng paraan para magkakilala tayo. Alam mo bang sobrang saya ko nung una kitang nakita dito? Nung naging kaibigan kita? Sabi ko sa sarili ko nun na ito na! Ito na talaga. Matutupad na lahat ng pangarap ko. Akala ko talaga ito na eh. Pero akala ko lang pala yun. Sobrang sakit umasa. Sobrang sakit mahulog sa isang tao lalo na kapag di ka niya kayang saluhin. Akala mo okay na lahat kaya lang isang araw bigla-bigla nalang din nagbago yung taong yun. Ni hindi ko nga alam bakit."

BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanfictionEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...