- Jang's POV
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Sehun na papasok sa kwarto ko. Pinagpapawisan na din ang mga kamay ko. Ngayon ko palang siya nakita ulit simula kagabi.
"You okay now?" he asked while smiling.
Paano niya pa nagagawang ngumiti sakin pagkatapos ng mga masasakit na salitang sinabi ko sa kanya kagabi? I feel so guilty.
"H-huh? N-ne," utal kong sagot. Hindi ako makatingin ng diritso sa kanya dahil sa kahihiyan. Inaway ko siya tapos niligtas niya ako.
"Good. How's your foot? Masakit pa ba?" tanong nito ulit habang sinusuri ang paa ko. Nakaupo na siya ngayon sa gilid ng kama.
"Y-yes," mahinang sagot ko.
"Hmmm, papalitan ko lang yung ice pack ah?" paalam niya sakin. Tumango ako kaya sinimulan niya ng tanggalin yung wrap.
Tinignan ko lang siya habang pinapalitan niya ang ice pack sa paa kong napilayan. Napakagat nalang ako ng labi nang dahan-dahan niyang hawakan ang paa ko. Ramdam ko ang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko sa bawat paghawak niya.
Waaaaah! Ano ba Jang?! Tumigiiiil ka!!
Bigla siyang tumingin sakin kaya agad na napaiwas ako ng tingin. Mas lalo lang lumakas ang tibok ng nagkakarera kong puso. Teka parang naiinitan ako. May aircon naman dito. Bumalik ba ang lagnat ko? Pero kakainom ko palang ng gamot. Hooh! Enebe kumalma ka.
Teka paano ko nga pala siya papasalamatan? Parang ayaw na bumuka ng bibig ko. Feeling ko naistatwa ako. Teka Jang kaya mo yan. Kaya mo!
"Th.." napalunok ako, "th..th.." aish! Bakit di ko masabi? Thank you lang naman eh. Thank you lang thank you thank you! Ilang beses na ba akong nag-thank you? Hindi ko naman 'to first time eh pero bakit ang hirap sabihin? Bakit?! Why?! Wae?!
Ulitin natin. Kaya ko 'to. Kaya ko. Hoooh!
"Th..th..tha..aish jinjja! Aish!" inis na sambit ko sabay gulo ng buhok ko. Nakakafrustate eh tsk!
"Wae geurae? Does it hurt?" Sehun asked.
"Aniyo."
"You okay? Is something bothering you?"
"N- nothing. I..I just want..uhm.. I want to say..." nahihiya akong sabihin eh. Hanubaaaa?
"Hmmm?"
"Th-thank you!" sambit ko sabay takip ng aking mukha. Nakakahiya!
I heard him chuckle. "Yun lang pala. Akala ko ano na," mahinahon niyang sabi. Tinanggal ko na din ang mga kamay kong nakatakip sa aking mukha.
"I'm just so grateful to you. Thank you for saving me last night and for taking care of me. I also want to apologize. Hindi ako nakinig sayo kaya nangyari sakin 'to and pati na din sa lahat ng mga masasakit na salitang nasabi ko sayo," yumuko ako dahil sa hiya't konsensyang nararamdaman ko.
Hindi siya sumagot kaya napabuntong-hininga ako. Yeah, hindi niya na nga siguro ako kayang patawarin. Ayos lang. Kasalanan ko din naman.
"All done!" aniya pagkatapos nitong balutin ulit ang paa ko. Hindi na ako tumingin sa kanya. Naramdaman ko nalang na tumayo na ito. Akala ko ay lalabas na siya ng kwarto ngunit lumapit ito sakin at umupo sa tabi ko. Inangat niya ang mukha ko kaya't wala akong ibang nagawa kundi ang tumingin sa kanya. Ngumiti siya.
"Don't apologize. It's not your fault. And about dun sa mga nasabi mo, don't worry 'bout it. It's okay. I'm fine cause I understand. Naiintidihan kita kung bakit mo nasabi yun. May kasalanan din ako sayo and I should be the one who needs to apologize, not you. Mianhae... I'm really sorry Jang-ssi," he said while smiling, a genuine one. I can see his sincerity in his eyes.

BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanfictionEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...