- Jang's POV
*yawn*
Hay. Inaantok pa talaga ako eh -___- Ang tagal ko kasi nakatulog kagabi kakaisip kung ano bang magandang gawin para surprisahin si Sehun.
Hanggang sa ito lang yung magandang naisip ko. Hindi niya din alam anong meron sa araw na 'to. Ako lang talaga ang nakakaalam kkk.
Papunta na ako ngayon sa isang shop dito sa Italy kung saan nagbebenta sila ng iba't-ibang mga KPOP Merchandise. At syempre di mawawala dun ang EXO ko. Ohoho.
Actually, nandito na nga ako ngayon eh. Pumasok na ako sa loob at nilibot ko agad ang mga mata ko.
Heol! Nandito na ata lahat. Malaki-laki din 'tong shop. May nakita din akong ilang mga babaeng namimili ng mga merch.
Una akong lumapit sa part ng shop na ito kung saan nakalagay ang mga lightsticks. Iba't-ibang designs. Waaah gandaaa! Lightstick ng Super Junior ang una kong nakita tapos lightstick ng iKON, Bigbang, Girls' Generation, BTS, Red Velvet, NCT, Blackpink, TWICE, Astro, Stray Kids at nung iba pang mga sikat na groups. Syempre di mawawala ang Eri Bong. Finally! Makakabili na din ako after 6 years of being a fan. Sadlayf xD
Kumuha ako ng tatlong lightsticks. Haha! Para pag concert na nila tatlong Eri bong ang iwawagayway ko :D
Nahagilap naman ng mga mata ko yung mga albums. Omoooo!
Lumapit ako dito at hinanap yung mga albums ng EXO and OMG! Nandito lahat since debut album nila till now pati sa sub-units nila at mga solos din. Luh!
Kinuha ko lahat. XOXO, EXODUS, MIRACLES IN DECEMBER, OVERDOSE, EX'ACT, THE WAR, UNIVERSE, COUNTDOWN, at marami pang iba. Di ko na ma-mention lahat. Bibilhin ko lahat ng 'to hoho ikennat :<
Sunod kong nilapitan ay ang mga shirts. Iba't-ibang klase. Namili ako at mga 10+ shirts ata yung nakuha ko saka limang jackets na EXO din. Gagawin ko nalang pasalubong 'tong iba.
Kukuha na sana ako ng posters nang biglang nag-vibrate yung phone ko. Binasa ko yung mensahe.
From: Sehunnie Oppa (My Inyeon) ❤
Jang-ssi where are you? Nasa tapat na ako ng kwarto mo. Kanina pa ako kumakatok, bakit di ka sumasagot?
- received 10:54am
OMG! Hala! Lagot na. Nakalimutan kong 10 am pala yung usapan namin. Aish! Pabo pabo. Paano na 'to? Hindi naman pwedeng sabihin ko sa kanya kung nasan ako dahil baka puntahan niya ako. Di na ako makakapaghanda para sa surprisa ko sa kanya pag nagka-ganun.
Mag-isip ka Jang! Anong idadahilan ko? Omo.
Ilang minuto din akong nakatunganga kasi wala talaga akong maisip na ibang paraan. No choice na ako kaya tinawagan ko nalang si Zoe.
Mga limang ring na bago niya ito sinagot.
"Tagal mo naman sumagot Zoe."
"Wow, ang ganda naman ng pambungad mo sakin. Di kaba nausohan ng salitang hello?"
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanfictionEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...