- Jang's POV
"Ms. Jang!" bumungad sakin ang mukha ni Mr. Mendoza nang mabuksan ko ang pinto ng kwarto ko.
"Sir! Ano pong ginagawa niyo dito? Sana tinawagan niyo nalang po ako. Pasok po," aya ko sa kanya saka ko siya binigyan ng daan para makapasok sa loob.
"Wag na. Baka kung ano pang isipin ng boyfriend mo pag pumasok ako dyan," tatawa-tawa niyang sambit.
"Boyfriend? Wala ako niyan sir."
"Weeeh? Eh sino yung lalaking palagi mong kasama? Magkatabi pa nga kayo ng kwarto," ang lapad ng ngiti niya habang nagsasalita. Ano bang nakain ng lalaking 'to?
"He's not my boyfriend po."
"Then who's he?"
"I dunno? Uh, stalker?" di siguradong sagot ko. Alangan namang sabihin kong ex ko yun. ex-M.U. duh?
"Hahahahaha! Stalker mo pala yun? Hahahaha! Mukha ngang scammer ang lalaking yun kaya wag ka magtitiwala sa kanya! Hahahaha!" tawa siya ng tawa. Anyari dito? Para siyang abnormal ngayon. Happy ka koya happy? Saka mukha raw scammer si Sehun? Aba'y gageu! Pektusan kita dyan eh!
Tumawa nalang din ako kahit hindi nakakatawa yung sinabi niya.
"Ano nga pala ginagawa 'nyo rito sir?" pag-iiba ko ng topic.
"Ah! Oo nga pala. Aalis ako Ms. Jang. Pupuntahan ko yung kaibigan ko. Nagkaroon kasi ng emergency kaya natagalan sila ng dating."
"Kailan po kayo babalik?"
"Next week? Pwede din next month."
"Ano?!"
"Hahaha! Joke lang. Mga next week siguro."
"Pero one week lang ang alam ni boss na stay ko dito."
"Don't worry. Ako na bahala sa boss mo," sambit nito. Napakunot ang noo ko. Tatakutin niya na naman ba si Boss? Sino ba talaga ang lalaking 'to?
"Sino ka ba talaga sir?"
"Me? I'm Ezekiel Mendoza, the owner of this resort. The one and only and I'm so handsome," aniya sabay kindat. Nagulat ako sa sinabi niya. Ayos na sana eh kaya lang humangin ata bigla.
"Kayo ang may-ari ng resort na 'to?!" di makapaniwalang tanong ko.
"Yes, that's right."
"Wow."
"Yeah I know. So I'm here to give you this," may iniabot siyang bagay sakin na agad kong tinanggap.
"What's this?" tanong ko.
"That...is a VVIP card."

BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanfictionEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...