- Jang's POV
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Agad kong nilibot ang aking paningin sa paligid. Nasa kwarto na ako. Paano ako nakabalik dito sa guesthouse? Anong nangyari?
Ang huling naaalala ko lang ay yung may tumawag sa pangalan ko. Siya kaya ang nagdala sakin dito? Sino ba yun? Hindi ko na maalala ang boses niya.
Napadapo ang paningin ko sa isang paa ko na nakapatong sa naka-pile na mga unan. Nakabalot ito saka may ice pack. Sinubukan kong igalaw ang paa ko ngunit napadaing nalang ako dahil sa sakit. Mas lalo tuloy itong lumala. Ayos na sana 'to kagabi eh.
Huminga muna ako ng malalim bago ako dahan-dahang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. May bagay namang nahulog galing sa noo ko.
Bimpo??
Napatingin ako sa mesang katabi ng kama. Isang batyang may lamang tubig ang nakapatong doon. Ano ba talagang nangyari sakin kagabi? Sumasakit ang ulo ko ngayon at ang bigat din ng katawan ko.
Demonyo yung gumawa sakin nito. Galit ako sa sarili ko kung bakit ko siya pinagkatiwalaan agad. Ipapakulong ko talaga ang walang-kwentang lalaking yun.
Sabay ng pagkuyom ng kamao ko ang pagpatak din ng mga luha ko. Naiinis ako sa sarili ko. Inis na inis. Kung hindi dumating yung taong nagligtas sakin ay baka pinagsamantalahan na ako ng demonyong Seve na yun.
Pero teka..yung nagligtas sakin. Tinawag niya ang pangalan ko. It means kilala niya ako. Walang ibang nakakakilala sakin dito maliban sa kanya. Hindi naman pwedeng si Mr. Mendoza yun dahil wala ito ngayon dito sa resort.
"Jang-ssi! Wake up! Ya!!"
Ahhhhh! Tama! Tinawag niya akong Jang-ssi. Siya lang ang tumatawag sakin ng ganun. Si Sehun ang nagligtas sakin. Siya yun!
Mas lalo lang akong naiyak. Nasasaktan ako and at the same time sobrang na-g-guilty ako sa lahat ng mga masasakit na salitang sinabi ko sa kanya kagabi. Kahit pinagtabuyan ko siya ay nagawa niya pa rin akong iligtas. Napakasama kong tao. Karma ko na siguro 'to.
Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sobrang sikip na nito.
Bigla nalang bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko.
"Gising na po pala kayo," sambit ng isang babaeng pumasok sa kwarto na may dala-dalang tray. Staff siguro ng resort kasi nakasuot ito ng uniform.
"Ayos na po ba ang pakiramdam nyo ma'am? Kainin nyo po 'tong dala kong lugaw bago kayo uminom ng gamot," aniya bago nito inilapag sa tabi ko ang tray.
"Thank you," tugon ko sa kanya habang nakayuko. Hindi ako makatingin sa kanya dahil namamaga ang mga mata ko ngunit sinilip niya ang mukha ko.
"Teka umiiyak po ba kayo ma'am? May masakit po ba sa inyo? Masama ba ang pakiramdam nyo? Gusto nyo po bang dalhin ka nalang namin sa hospital?" sunod-sunod na tanong niya at bakas sa boses niya ang pagkataranta.
"Hindi. Okay lang ako. Wag na," tumingin na ako sa kanya saka ngumiti.
"Sigurado po kayo?"
I nodded.
"Kumain na po kayo. Kaya nyo po ba o susubuan ko po kayo?" tanong niya. Napatawa ako ng mahina. Susubuan talaga? May kamay pa naman ako eh.
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanfictionEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...