- Jang's POV
"Yeah. I came here cause..I need your help.." -Girl
"Why? What happened?" -Jim
Ilang segundo din ang lumipas bago sumagot ang babae. Sagot na siyang nagpatigil ng mundo ko.
"Our daughter is sick," aniya.
Nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan. I can't believe this. I really can't. Walang nabanggit si Jim sakin na may anak siya. At sino ba ang babaeng 'to? Asawa niya?
Parang pinipiga ang puso ko dahil sa sakit. Oo hindi ko mahal si Jim pero yung fact na nagsinungaling siya sakin ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. So ano ako? Mistress?
Ikinuyom ko ang mga kamay ko. Gustong-gusto ko na silang lapitan at sampalin ng napakalakas si Jim ngunit ayokong gumawa ng eksena. Saka parang wala din ako sa lugar pag ginawa ko yun kasi siya yung legal. Pangalawa lang ako sa buhay ni Jim.
"What?!! Why?! What happen to our daughter?!" bakas sa boses ni Jim ang gulat at pag-aalala.
"She was diagnosed with a rare blood disorder," rinig kong umiiyak na yung babae. "The doctor said that there's a big possibility that she might die if we can't find a suitable blood marrow donor as soon as possible."
Yung galit na nararamdaman ko kanina ay napalitan agad ng awa. Parang ramdam ko din yung sakit na nararamdaman ng babae. Hindi agad nakasagot si Jim.
"Jimyeon please help me. I can't live without my Ji Hyun. She's my everything. I don't know what I'm going to do if I lose her," pahikbi-hikbing sambit ng babae.
Tumayo ako at lumabas na ng resto. Hindi ko na kayang makinig.
Agad akong pumara ng taxi. Gustong-gusto ko nang umuwi at magpahinga.
Nakapikit lang ako buong byahe habang nakakuyom pa rin ang mga kamay ko. Ang gulo ng isipan ko at ang bigat na naman ng pakiramdam ko.
Ang tanga-tanga ko ba? Naloko ako ng dalawang tao. Dalawang importanteng tao sa buhay ko. Bakit ganun? Kung sana sinabi ni Jim sakin ng maaga yung tungkol dun edi sana hindi ako ma-d-disappoint ng ganito. Bakit kailangan niya pang ilihim sakin yun? Bakit lahat ng tao sa paligid ko may nililihim? Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan.
Hindi ako nakakasigurado na wala nang relasyon si Jim at yung babaeng kasama niya. May anak sila kaya sigurado akong hindi nawalan ng komunikasyon at nagkikita pa din silang dalawa. O baka hindi talaga sila naghiwalay.
Bigla nalang pumasok sa isip ko ang mga kasalanang nagawa ko sa Italy. Napatawa nalang ako ng mapait. Pati din pala ako may nililihim. Hindi ko sinabi kay Sehun na may boyfriend ako. Hindi alam ni Jim kung anong mga pinag-gagagawa ko nung nasa Italy pa ako. Patas lang pala kaming lahat. So anong karapatan kong magalit? Wala din. Wala akong karapatan pero sobrang sakit sa pakiramdam eh. Sobra.
Nasasaktan ako but at the same time naaawa ako sa kalagayan ng anak ni Jim. Nanganganib ang buhay ng bata. Iiwasan ko na din si Jim. Ako nalang yung iiwas para wala ng gulo. Mas mabuti pa nga kung may relasyon pa talaga sila nung babaeng kasama niya kanina upang hindi ko na siya masaktan. Sana yung babae nalang yung totoong mahal niya at hindi ako. Ayos lang kahit sabihin niya sakin na pinaglaruan niya lang ako.
I laughed bitterly again. Ang gulo ko na. Nasasaktan ako kasi naglihim si Jim na may anak na siya pero ayos lang sakin na sabihin niyang pinaglaruan niya lang ako. Nakakalito no? Kahit nga ako nalilito na din sa sarili ko. Wala na akong maintindihan. Feeling ko mababaliw na ako dahil sa mga nangyayari.

BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanfictionEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...