- Jang's POV
Wala ako sa sariling naglalakad papunta sa resto kung saan kami magkikita ni Sehun.
Mukha na siguro akong Zombie na naglalakad ngayon sa daan. Hindi pa din ako makapaniwala sa nalaman ko. Parang panaginip lang lahat ng 'to.
Sana nga panaginip nalang. Gusto kong maging panaginip nalang 'to. At kung panaginip nga lang lahat ng nangyayari ngayon, gustong-gusto ko ng magising dahil di ko na ata kaya yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
Puro tanong ang laman ng isip ko ngayon. Bakit nagawa niya sakin 'to? Bakit nagsinungaling siya sakin? Anong nagawa kong mali at ginawa niya sakin 'to? Mukha ba akong laruan para paglaruan niya lang?
Hindi mawala sa isip ko lahat ng sinabi ni Hye Rin. At sa tuwing naiisip ko yun, parang sinasaksak din ang puso ko ng paulit-ulit.
- FLASHBACK -
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang larawan na pinakita sakin ni Hye Rin. Parang gumuho ang buong mundo ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.
Hindi.
Hindi 'to totoo.
Si Sehun. Siya yung nasa larawan kasama ang isang babaeng kilala ko dahil sikat din ito. Si Irene. Irene ng Red Velvet. At sa gitna nilang dalawa ay may batang babae. Maganda ito katulad ni Irene ngunit familiar sakin ang mukha ng bata. Parang nakita ko na siya.
Nanginginig na ang mga kamay ko kaya binitawan ko na ang cellphone ni Hye Rin. Itinago ko sa ilalim ng mesa ang nga nanginginig kong kamay saka umiwas ako ng tingin.
"Ah, hehe. Sila ba?" pinilit ko ang sarili kong ngumiti kahit sobrang sakit na ng pakiramdam ko.
"Hmmm. She's Ju Hyun, my bestfriend. Pero Irene ang stage name niya. Leader kasi yan ng Girl Group na Red Velvet. Bata palang kaming dalawa magkaibigan na kami nyan. Kaya lang lumipat kami ng pamilya ko sa Pinas kaya di na kami masyado nagkikita. But may communication pa din naman kami," she said while smiling.
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanficEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...