Chapter Fifty - His problem

2 1 0
                                    

- Third Person POV -






Pagkatapos mag-usap ni Irene at Sehun ay nagpasundo sila agad kay Mr. Noh. Agad na dumiritso si Sehun sa kanyang kwarto nang makabalik sila sa hotel habang si Irene naman ay nagpahinga din sa kabilang kwarto. Sinubukan ni Sehun na matulog ngunit hindi siya makatulog. Ang dami niya kasing iniisip. Isa na doon ang tungkol sa kasal at ang mga posibilidad na mangyari.

Kapag nagpakasal siya kay Irene ay alam niyang hindi rin sila sasaya ngunit kung hindi rin niya papakasalan ang dalaga ay yung anak nila ang magiging kawawa. His child will be called an 'illegitimate child', a 'love child', or a 'bastard' hanggang sa paglaki nito and he don't want that to happen.

The truth is, hindi din si Sehun ang nag-desisyon tungkol sa engagement nila ni Irene. Litong-lito na ang binata. Akala niya matatakasan niya si Irene kahit sa loob lang ng ilang linggo kapag nagpunta siya sa Italy but he's wrong. Hindi niya na alam ang gagawin. He's so tired already, both physically and mentally.

Bandang ala-syete ng gabi, Sehun decided to step out of the hotel to clear his mind. Pumunta siya sa pinakamalapit na bar.


~*~




Kumatok si Mr. Noh sa pinto ng kwarto ni Sehun upang yayain itong kumain. Tinawag niya din si Irene sa kabilang kwarto.

"What is it manager-nim?" Irene asked nang makalabas ito ng kwarto. She just woke up from a nap.

"Let's eat dinner. I ordered foods. Wait, Sehun isn't responding. Sehun-ah?" he knocked again ngunit wala pa rin siyang narinig na sagot.

"He's probably still sleeping. I'll wake him up," Irene volunteered.

"Ani, it's okay. I'll do it."

"Hmm.. Arasseo," nauna nalang umupo si Irene sa kitchen.

"Sehun-ah? Ya! Oh Sehun?!" he kept calling his name but there's still no answer so he decided to open the door. Pumasok siya sa loob ngunit wala siyang nakitang tao doon.

"Where is he?" he asked.

"Mwo? He's not there?" tarantang tanong ng dalaga. Mr. Noh nodded before he checked the comfort room and the studio room.

"Sehun-ah?! Oh Sehun?!" tawag niya ngunit wala talaga si Sehun.
Irene tried calling him but he's not answering.

"He's not picking up, eotteoke?" wika ng dalaga. Bakas sa boses nito ang pag-aalala.

"Irene-ssi, do you really not know where he went?"

"I haven't seen him cause I dozed off. I thought he's also sleeping in his room."

"Ara. I'll go look for him around the hotel. He probably just went outside for fresh air," sabi ni Mr. Noh.

"I'll go with you.."

"No, just stay here and call me if ever he comes back," bilin niya kay Irene.

"Arasseo," walang nagawa ang dalaga. Tumango lang si Mr. Noh bago ito lumabas.

Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon