Chapter Thirty Four - New Beginning

5 1 0
                                    

• Almost Two Years Later •

- Jang's POV


(Now Playing: One More Chance by Super Junior)

Ijeneun seoro dareun sigan soge deo iksukhaejigo neowa naega mannan sungan soge dashi nunmuri heullodo Oh~
Eonjega doelji moreul hansum i noraega doego nado mollae dashi negero muldeureojyeo ga

"Idaero bicheoreom gaji mayo Oh
nan oneuldo ireoke jeokshyeojin jeojeun heunjeokdeul sogeseo geudaereul chatgetjyo jiul su isseukkayo Oh
tto han beon deo hal suman ittamyeon
Just one more chance bol su itge~"

Sumasabay ako sa kanta habang nililinisan ko yung DSLR ko sa kwarto. Ahhhhh~ namiss ko tuloy ang SUJU. On hiatus ang group nila ngayon kasi may kanya-kanya na din silang pamilya saka sariling careers. Akalain mo yun? 20 years din naging active ang Super Junior. Daebak!

Waaaah~ ang dali lang din talaga ng panahon. Magdadalawang taon na ang lumipas simula nung pumunta akong Italy. Ang daming nangyaring masasakit sa mga panahong yun. Nalulungkot pa nga din ako hanggang ngayon dahil sa pagkawala ni Jim.

Wala naman masyadong pinagbago sakin. Doon pa rin ako nagtatrabaho sa pinagtatrabahuan ko dati, K-pop fan pa rin naman ako, at hindi ko pa rin nakakalimutan si Sehun. :(( Hindi naman ganun kadaling makalimot diba? Tanggap ko na yung nangyari dati pero di ko ikakailang may nararamdaman pa rin ako para sa kanya at umaasa pa rin ako na may kaunting chance pa na magkita kami ulit.

Pero nakapag-isip-isip na din naman ako tungkol dito. Hindi naman pwedeng habang-buhay nalang akong ganito diba kaya nakapag-decide na akong itigil na tong pagpapakatanga ko. Kakalimutan ko na siya. Pero not now. Bibitawan ko siya sa Anniversary kuno namin na gawa-gawa ko lang dati. Next month na din naman yun kaya ayos lang kahit magpakatanga ako ng isang buwan. Last ko na 'to eh kaya sasagarin ko na. Yung araw na yun kasi ako naging fan ni Sehun kaya sa araw ko din na yun tatapusin. After nung nangyari samin sa Italy, di na nag-u-update si Sehun sa Instagram. Narinig ko din sa balita na nag-military na siya at ilang araw nalang ay ma d-discharge na ito. Siya na lang yung hinihintay para mabuo na ulit yung EXO. Sobrang excited na ng mga EXO-L's sa pagbabalik ng EXO.

Maraming nangyari sa lumipas na mga taon at buwan. Last year ay nagkita-kita kaming lahat ng mga kaibigan ko nung Senior High na K-pop fans din. Pumunta kami sa concert ng Super Junior dito sa Pinas. Yun yung pinakaunang concert na napuntahan ko. Fake EXO-L na ba ako nyan? EXO yung main group na ini-stan ko pero di pa ako nakakapunta sa concert nila. Aym so Peyk! Huhu Mianhaeeeee ~

Naging fan din kasi ako ng Super Junior pero may pinagkaiba. Mas mahal ko kasi talaga yung EXO pero mahal ko din naman yung SUJU pero mas angat talaga sa puso ko yung EXO.

Ang saya ko nun kasi nakakuha ako ng chance na makapagselfie kasama yung bias kong si Donghae. Hihihi :"> Ang cute niya. Sorry talaga Sehun. Hindi ko kasi alam kong babalik ka pa kaya lalandi muna ako sa iba. kekekeke...

Nung time na yun di pa rin nakakapag-asawa si Donghae habang yung ibang members ay kinasal at engaged na. Lol. Pero ngayon, ayun na. Ikakasal na din siya. Nahanap na rin niya yung babaeng para sa kanya. I'm so happy for him. Sana talaga matupad yung sinabi nina Eunhyuk dati na mga anak nila ang magpapatuloy ng Super Junior. Pero di ko na din maaabutan yun. Lol. Tanda ko na nga ngayon eh hikhok~

Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon