Chapter Sixty Three - EXOPLANET #10

2 1 0
                                    

- Third Person POV -




2 Years Later....




Excited na naghahanda si Jang kung anong susuotin niya ngayong araw. Ito na yung pinakahihintay niya, EXOPLANET #10. Oo concert ng EXO ngayon sa Manila at makikita niya na ulit si Sehun.



The couple already announced their relationship in public. They struggled and were criticized a lot at first but naayos na din ang lahat kinalaunan. Palaging binibisita ni Sehun si Jang kahit ipit ang schedule ng binata. Minsan naman ay si Jang ang pumupunta sa Korea. At sa loob ng dalawang taon ay wala namang naging problema ang relasyon nila. Nagkakaroon sila ng di pagkakaintindihan paminsan-minsan pero hindi naman malala. Hindi pa umaabot ng isang araw ang naging tampuhan ng dalawa. Mahal na mahal nila ang isa't-isa na para bang wala ng makakapagpahiwalay sa kanila.



Biglang tumunog ang door bell. Napakunot ang noo ng dalaga dahil wala naman siyang ini-expect na bisita. Mamayang ala-singko pa ng hapon ang usapan nila ni Zoe. Pumasok sa isip ni Jang si Sehun. Napaisip siya na baka si Sehun ang dumating kaya dali-dali niyang binuksan ang gate ngunit nadismaya lang siya nang hindi mukha ng binata ang bumungad sa kanya. Her reaction changed when she saw them.



"Expecting someone? You look disappointed," nakangising wika ni Zoe.



"Nope. Why are you here pala? 5 pa usapan natin ah? Alas dos palang naman ngayon," Jang asked.



"Secret," binigyan ng nakakalokong ngiti ni Ha Yeon si Jang na siyang ikinataas ng kilay ng dalaga.



"Anong binabalak nyo? I have a bad feeling 'bout this. Naku wag ako ah?! Saka ano ba yang dala mo?" tanong niya sabay turo sa paper bag na hawak ni Zoe.



Nagkatinginan si Zoe at Ha Yeon saka nila hinila si Jang papasok sa kwarto nito.



"Hoy anong gagawin nyo? Why did you lock the door? Ya!!"



"Shuttap Jang. Nandito kami para ayusan ka," saad ni Zoe.



"Ayusan? Huh? Why? Kaya ko namang ayusan ang sarili ko saka sa concert lang naman tayo pupunta kaya mahahaggard lang din tayo don."



"Manahimik ka na nga lang. Suotin mo 'to," inilapag ni Zoe ang paper bag sa kama.



"What's that?"



"Hay naku! Ha Yeon tulungan mo nga ako," sabay nilang hinubaran ang dalaga at pinasuot ang dala nilang damit.




"Teka..teka lang Zoe! Ha Yeon!" reklamo ni Jang ngunit hindi din siya nakapalag. Pagkatapos niyang mabihisan ay si Ha Yeon na ang nagpresentang mag-make up sa kanya habang si Zoe naman ang nag-ayos ng kanyang buhok.




"Wooooow ang ganda mo ate Jang!" komento ni Ha Yeon nang matapos sila. Napanganga nalang si Jang nang makita niya ang sarili sa salamin.




"Ay bongga! Pak na pak!" sambit naman ni Zoe.




"W-what is this? Seriously? Hindi ko maintindihan kung bakit kelangan ko pang magsuot ng ganito," litong tanong ng dalaga.




Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon