Chapter Thirty Three - Best Friends

5 1 0
                                    

- Jang's POV




"Zoe.."

"Anong nangyari?" seryosong tanong niya sakin. Sasagot na sana ako kaya lang inunahan na ako ni Ha Yeon.

"Uhm, Ate wag ka sana magagalit. Ano kasi, nasaktan ni Mommy si Ate Jang. Sorry po talaga," sabi niya kay Zoe.

Napalunok nalang ako nang tumingin si Zoe sakin. Sobrang sama ng mga tingin niya na kulang nalang eh lamunin niya na ako ng buhay dahil sa inis.

"Sabi ko naman sayo diba?! Hindi ka kasi nakikinig ang tigas ng ulo mo!!" nagulat ako nang tinaasan niya ako ng boses. Para akong pinapagalitan ng nanay ko jusmeyo! Kinakabahan din ako.

Inis na inis nga talaga siya sakin kasi nagkakaganito lang naman siya pag sobra-sobra na yung inis na nararamdaman niya. Ayaw niya kasing niloloko siya lalo na sa taong pinagkakatiwalaan niya. Nung time na niloko ko siya na lasing si Sehun at may humahabol sakin nung nasa Italy pa kami, for sure hindi niya na ako kakausapin nun kung hindi nakuha ni Lay yung atensyon niya. Niligtas ako ni Lay nun pero ngayon wala na akong takas. Huhu!

"Sorry.." yun lang ang tanging salita na lumabas sa bibig ko. Yumuko ako kasi hindi ko kayang salubungin ang mga tingin ni Zoe sakin.

"Salamat Ha Yeon ah?" sabi niya kay Ha Yeon.

"Okay lang Ate. Wag kayo mag-away ni Ate Jang please," pakiusap nito.

Hindi sumagot si Zoe. Meaning ba nun mag-aaway talaga kami? Huhu andwae! Ayokong mag-away kami.

"Zoe," mahinang tawag ko sa kanya.

"Halika na. Uwi na tayo," sambit nito sabay talikod at naglakad na paalis. Sobrang lamig ng pakikitungo niya sakin. Aish!

Hinawakan ko ang balikat ni Ha Yeon kaya napatingin ito sakin.

"Thank you Ha Yeon..thank you talaga," I smiled at her.

"Wala yun Ate. Sumunod kana kay Ate Zoe. Baka mas magalit yun. Pero Ate wag kayo mag-aaway ah?" aniya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Don't worry. We'll be fine. Alis na ako ah?" paalam ko sa kanya.

"Ingat kayo Ate!"

Tumango lang ako sa kanya saka nagsimula nang maglakad. Nag-wave ako kay Ha Yeon at ganun din siya sakin.

Habang palapit ako ng palapit kay Zoe na nakatayo na ngayon sa gilid ng kalsada upang pumara ng taxi ay  pabigat din ng pabigat ang pakiramdam ko knowing na galit siya sakin. Ayoko talaga na nagkakatampuhan kaming dalawa.

Buong biyahe pabalik sa bahay ni Zoe ay hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana ng taxi at parang ang lalim ng iniisip.

Sobrang awkward. Ayoko ng ganito kaya kinalabit ko siya. Lumingon naman ito sakin but she's glaring at me. Katakot ng mga tingin niya taena. Napalunok ako.

"G-galit ka ba sakin? Sorry na," I said but she just ignored me and acted like wala siyang narinig. Ibinalik niya agad yung tingin niya sa labas.

Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon