- Third Person POV -
Sinulit ni Sehun at Jang ang mga natitirang araw na magkasama pa sila dahil malapit na umuwi ng Korea ang binata. Ginawa ni Sehun ang lahat para sa dalaga. Masaya na ang dalawa. Hiling ni Jang na sana magtuloy-tuloy na, na sana wala ng maging hadlang sa kanila.
"Ano yan?" tanong ni Jang kay Sehun nang makalabas ang binata galing sa kwarto nito at may bitbit na bagay sa kanyang kaliwang kamay. Gagala silang pito ngayon. Sa susunod na araw na kasi ang flight nila pauwi.
"Your gift," Sehun was smiling while showing her the thing that he's holding. Ito yung polaroid camera na regalo ng dalaga sa kanya nung nasa Italy pa sila.
"Omo, you still have it?"
"Of course. I took good care of this 'cause this thing is very precious to me."
Ngumiti lamang si Jang. Kinikilig ang dalaga ngunit nahihiya lang siyang ipakita ito kay Sehun.
"Let's gooooo!!!" Zoe shouted excitedly.
~*~
Sumakay sila ng kalesa. Sina Sehun at Jang ang magkasama sa isang kalesa habang magkasama naman sina Ha Yeon at Zion. Kasama naman ni Ezekiel sina Zoe at Farrell so bale tatlong kalesa ang nirentahan nila. After the ride and tour around, they went to Baluarte Zoo.
"Hey look! Kamuka mo oh," pang-aasar ni Ezekiel kay Zoe sabay turo sa isang unggoy.
"Mas magkamukha pa kayong hayop ka!" muntik na masapak ni Zoe ang binata na ngayo'y tawa ng tawa.
"Oppa look! Omo it's so cute," Jang giggled while pointing at the baby tiger.
"But you're cuter," sagot ng binata.
"Aseeesh!" kilig na wika ni Jang.
"Let's take a photo," aya ni Sehun sabay akbay kay Jang at ngumiti sa harap ng camera.
Nakangiting nakatingin lang si Farrell sa kanilang dalawa. Masaya siya para sa kanila. Nasa isip niya na sana maging ganun din sila ng bias at pinakamamahal niyang sa Taehyung. Napatingin din siya kina Ha Yeon at Zion na sobrang sweet sa isang tabi bago siya lumingon sa kanina pang nagbabangayan na sina Zoe at Ezekiel. Sumasakit na ang kanyang ulo dahil sa dalawa niyang kasama. Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga saka ito umiling.
Sunod nilang pinuntahan ang Hidden Garden at doon na din sila nananghalian. Doble ingat si Sehun sa kanyang paligid dahil baka may makakilala sa kanya. Ayaw niya na masira ang gala nila. Gusto niya lang sulitin ang araw na yun kasama ang babaeng mahal niya.
Doon na sila nagpalipas ng hapon bago sila pumunta sa Plaza Salcedo upang manood ng Dancing Fountain. Namangha si Sehun dahil parang mini version lang ito nung Fountain Show sa Dubai na napanood nila dati.
Their next destination was Calle Crisologo. Maraming street café's and resto sa lugar kaya doon na sila nagdinner. They also bought souvenirs dahil marami ding souvenir shops doon. Kung anong ikinaganda nito sa umaga ay doble naman ang ganda nito sa gabi. After walking around, they decided na bumalik na sa resort dahil gabing-gabi na din.
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanfictionEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...