- Jang's POV
"Sino kayo?! Anong kailangan nyo sakin?! Bitawan nyo ako! Ahhh! TULOOONG!!" sigaw ko habang nagpupumiglas ngunit sobrang lalakas nila kaya agad nila akong napasok sa loob ng van. Agad na sinara nung isang lalaki ang pinto ng sasakyan saka ito umandar at umalis na.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nanginginig din ang aking mga kamay. I'm being kidnapped. Eotteoke?!! I'm scared. Huhu! Ito ata yung viral sa facebook na van na nangunguha ng mga cute :< Putek talaga. Kung anu-ano na naman pumapasok sa isip ko. Pero gusto ko pa talagang mabuhay!
"Mga sir please pakawalan niyo na po ako. Magkano po ba kailangan nyo? Promise ibibigay ko kaagad. Please wag nyo lang ako saktan," pagmamakaawa ko sa kanila ngunit di ako pinansin ng kahit na sino sa kanila. Nagulat nalang ako nang bigla nilang hawakan ang dalawang kamay ko at nilagyan ako ng piring sa mata. Uwaaah!
"S-sir, I'm a single mother. Kung may m-mangyari mang masama sakin dito k-kawawa po yung a-anak ko kaya pakawalan nyo na po ako. Nagmamakaawa po ako," mangiyak-ngiyak kong sambit. Hindi ko na alam kung ano 'tong mga pinagsasabi ko. Isang bagay lang ang nasa isip ko ngayon. Yun ay ang makawala ako dito.
Wala pa rin silang imik. Para bang hindi nila ako naririnig. Bingi ba ang mga 'to? Huhu!! Hindi ko na alam anong gagawin ko. Nagdasal nalang ako ng paulit-ulit.
Help me Oh God. Protect me from these evil men. In Jesus name! In Jesus name! :<
Natigilan nalang ako nang biglang huminto ang van. Saglit lang yung binyahe namin kaya sigurado akong malapit lang 'to sa resort. Hinawakan nila ako't pinababa sa van.
"Saan nyo ako dadalhin?!! Bitawan nyo ako!!"
Pinipilit ko pa ring makawala ngunit hindi sapat ang lakas ko laban sa kanilang dalawa. Hanggang sa bigla nalang nila akong tinulak sa loob ng hindi ko alam kung saan. Narinig ko nalang ang agad na pagsara ng pinto. Tinanggal ko na ang aking piring ngunit wala pa rin akong makita. Sobrang dilim ng paligid. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at sinubukan itong buksan ngunit nakalock ito. Mas lalo akong nagpanic. Parang nahihirapan akong huminga. Nakakasuffocate yung dilim.
"Palabasin nyo ako dito!! Tulooooong!!!" sigaw ko habang kinakalabog ang pintuan. Lumingon ako saglit sa likuran ko. Wala talaga akong nakikitang kahit na konting liwanag dahil sobrang sarado ng silid na ito. Wala sigurong kahit na isang bintana dito o kahit na isang maliit na butas man lang. Itim pa 'tong suot ko jusko ano ba 'tong nangyayari sakin? Nasan ba ako? Paano kung may alaga silang mabangis na hayop dito tapos ako yung ipapakain nila. Leon? Tigre? Or worst malaking sawa?! UWAAAAAH!!
"AHHHHHH! Palabasin nyo ako dito!!! Tulong! Help!! SEHUUUUUN!" nagsisisigaw ako na para bang wala ng bukas ngunit matapos kong maisigaw ang pangalan ni Sehun ay bigla nalang lumiwanag ang paligid.
Napalingon ako sa likuran ko at laking gulat ko nalang sa bumungad sakin. May red carpet sa gitna at ang daming balloons sa paligid. May mga rose petals din sa sahig at mga maliliit na light bulbs na siyang nagbibigay ng liwanag dito sa loob. Ngayon ko lang din napansin na malamig pala dito sa loob. Parang may aircon?
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanficEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...