- Jang's POV
"Halika na!" sambit ni Zoe."Ayoko nga," angal ko naman.
"Ngayon lang naman eh! Saka di ka ba na-b-bored? Palagi ka nalang trabaho tapos bahay, trabaho, bahay. Hindi na tayo nakakagala eh. Please Jang," she begged.
"No," matipid kong sagot.
"Aish! Bahala ka basta pupunta tayo. Tara!" bigla niya akong hinila papalapit sa taxi na pinara niya saka ako tinulak sa loob. Agad niyang sinara ang pinto bago ito sumakay sa harap.
"Zoe! Yung kotse ko."
"Bukas mo na kunin. Hindi naman yan mawawala."
"Zoe..." bubuksan ko na sana ang pinto ng taxi upang lumabas kaya lang pinatakbo na ni Manong Driver ang taxi.
"Kuya saglit!"
"Wag ka makinig Kuya. Sa mall ho kami. Dalian nyo po," sabi niya sa driver.
"Tsk!" wala na akong nagawa. Padabog kong inilapag sa tabi ko ang bag ko. Ayoko talagang umalis.
Five days had already passed simula nung nalaman ko yung tungkol sa issue namin ni Sehun. Ilang beses ko na ding naririnig yung ibang tao, syempre mga K-Pop fans lang, na pinag-uusapan yung tungkol dun. One time, pauwi na sana ako nang bigla nalang may bumato sakin ng itlog. Isang babae at sinabunutan pa ako pagkatapos. Hindi ako nakalaban sa sobrang pagkagulat. Buti nalang at hindi pa nakakauwi si Zoe nun. Ini-report agad ni Zoe sa mga police ang nangyari. Pipigilan ko sana siya ngunit nagpumilit talaga ito dahil baka mas malala pa daw ang mangyari sakin sa susunod pag pinabayaan ko lang 'to kaya wala na akong ibang nagawa. And after that incident, parang na-c-conscious na ako sa paligid ko. Feeling ko kasi may mga matang nakatingin sakin palagi kahit saan ako magpunta. Na-p-paranoid na ako. Sa tuwing may nakikita akong nagbubulongan, feeling ko ako yung pinag-uusapan nila. Sa tuwing may mga taong nakatingin sakin, feeling ko hinuhusguhan na nila ako sa mga tingin nila.
Mahirap. Sobrang hirap ng ganitong sitwasyon ngunit walang ginagawa si Sehun para matapos na 'to. Siya yung dahilan ng paghihirap ko ngayon. Mahal ko pa din siya pero parang unti-unting natatabunan ng galit yung nararamdaman ko. Hindi na din ako nagbubukas ng Facebook, Instagram at Twitter. Mas lalo lang gugulo ang utak ko pag may nabasa na naman akong mga masasakit na salita galing sa mga taong hindi ko naman kilala. Pagkatapos ng trabaho ay diritso uwi na ako. Hindi na din ako masyadong umaalis ng bahay.
Napabuntong-hininga nalang ako nang makarating kami sa Mall. Gustong-gusto ko ng takbuhan 'to si Zoe kaya lang sobrang higpit ng pagkakapulupot ng kamay niya sakin.
"Don't worry Jang. Walang mangyayari sayo. Nandito naman ako eh. Hindi kita pababayaan. At dahil ako ang nag-aya sayo dito, ililibre kita," sabi niya sabay hila sakin papasok sa loob.
Kung saan-saan ako dinala ni Zoe at habang patagal ng patagal kaming nandito ay unti-unti na ding gumagaan ang pakiramdam ko. Ngunit di pa rin mawala sakin ang pagkabahala kaya nakayuko lang ako lagi pag naglalakad kami dahil ayokong may makakilala sakin dito.
Pagkatapos ng dalawang oras na paglilibot, akala ko ay uuwi na kami kaya lang inaya na naman ulit ako ni Zoe na kumain muna bago kami umuwi. Tumanggi ako kasi gustong-gusto ko na talagang umuwi kaya lang nagpumilit na naman siya kaya gora nalang ako. Wala din naman sigurong makakakilala sakin dito. Sana lang talaga kasi ayoko ng gulo.
Si Zoe na yung umorder kaya nauna na akong umupo sa mesa. Nagsitinginan naman ang isang grupo ng mga college students na nakaupo di kalayuan sa mesa namin sa direksyon ko pagkatapos ay nagbulungan sila. Nag-iba na naman ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanficEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...