Chapter Forty - This Step Alone

4 1 0
                                    

- Jang's POV





Days went by so fast. Mamayang gabi na yung flight ko papuntang Vigan. Pumayag na ako sa offer ni Boss. Ayoko sanang pumunta kasi gusto kong mapag-isa bukas. Bibitawan ko na kasi si Sehun sa araw na yan tulad ng pinangako ko na hanggang December 8 this year lang ako maghihintay sa kanya. Hays~ Gusto nga sanang sumama ni Zoe kaya lang di daw pwedeng magsama ako ng kahit na sino dun.


Kinausap ako ni Boss tatlong araw ang lumipas simula nung sinabi niya sakin ang tungkol sa Photoshoot. Humingi siya ng tawad sa nasabi niya. Sabi niya wala naman talaga siyang planong tanggalin si Zoe. Nasabi niya lang yun dahil sa isang rason. Pinaliwanag niya sakin lahat at naiintindihan ko naman siya. Nagmahal lang din siya katulad ko. Binabawi ko na yung sinabi ko na jerk si Boss. Nasabi ko lang yun dahil sa inis ko sa kanya.


So ayun, pumayag akong pumunta ng Vigan. Naisip ko nga eh na baka kidnapper yung client ni Boss dahil sa ginawa nitong pam-b-blackmail. Pero nung chineck ni Boss yung background nung client, mayaman naman ito saka walang criminal records. Saka nung na-meet ko yung client, muntik nang malaglag panty ko. Haha! Joke lang. Napakagwapo niya kasi saka ang ganda ng katawan. Sobrang tangkad niya din. Sinabi nung client sakin na magbabayad siya kahit magkano basta pumunta lang daw ako dun. Ang weird nga eh. Bakit ako? Saka bakit di ko to pwedeng tanggihan eh marami pa namang Photographer dito sa Pinas na magaling pa sakin. Pwede din naman silang kumuha ng Photographer sa ibang bansa. Nalilito ako. Parang may kakaiba talaga eh. Napansin ko din na parang kilalang-kilala niya ako. Di kaya stalker ko yung lalaking yun? Lol. Napaka-assuming ko ata no? Pero ano ba kasing kailangan nila sakin? Gusto ba nilang kunin yung internal organs ko para ibenta? Aish! Pag may nangyaring masama sakin, sinabi ko na kay Boss na ibigay sa mga pulis yung litrato ng lalaking yun. Atleast alam na namin kung sino ang magiging suspek.


Wait, parang ang dumi ng mga iniisip ko. Erase, erase! Walang mangyayari sakin dun. Mukhang mabuting tao naman yung client eh. May dalawang kaibigan raw kasi siyang mag-re-reunite bukas after ilang years na hindi sila nagkita. Napakaespesyal raw kasi ng araw na yun para sa mga kaibigan niyang yun. After daw ng reunion, saka na gagawin yung photoshoot. Aish! Ewan ko ba. Pwede namang sila nalang yung kumuha ng litrato nila. Bakit kailangan pa ng Photographer talaga? Ang OA nila promise.

Nasa bahay lang ako buong araw. Ready na lahat ng dadalhin ko. Ako nalang talaga yung hindi ready. Naalala ko bigla lahat ng nangyari 2 years ago nung pumunta ako ng Italy. Kakasagot ko palang kay Jimyeon nung mga panahong yun. Hinatid niya pa nga ako sa Airport. He's always nagging that time about everything like a mom. I miss him. Parang naging older brother ko na si Jim. Minahal ko siya pero bilang kapatid lang. Nalito lang siguro ako nung mga panahong sinagot ko siya. And nagsisisi akong sinaktan ko siya. Deserve niyang mahalin ng buong-buo tulad ng binibigay niyang pagmamahal sakin. Sayang lang kasi di niya na mahahanap yung babaeng makapagbibigay sa kanya ng ganoong pagmamahal kasi maaga siyang nang-iwan. Ang swerte na sana ni Irene sa kanya dati. Pero ganun talaga ata yun. Tulad ni Selena at Justin, pinagtagpo lang pero di itinadhana. Parang kami ni Sehun. Pinatagpo din pero di nakatadhana para sa isa't-isa. Ang sama mo tadhana.


Pumunta si Zoe sa bahay pagkatapos ng trabaho. She started whining the moment she stepped inside our house. Gusto niya daw kasing sumama sa Vigan. Gusto niya din daw makapagrelax. Naiinis daw siya sa client kasi bakit ayaw daw nitong magsama ako ng kahit na sino dun. Reklamo siya ng reklamo. Lol.



Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon