- Jang's POV
Nagising ako nang tumunog yung alarm. Aish! Inaantok pa ako eh!
Hmmmmm. Wala akong nagawa kundi ang bumangon nalang. Baka ma-late pa ako.
Tatlong araw lang tong shoot namin kaya baka bukas na yung huling pagkakataon na makita ko si Sehun. Huhu nooooo!
3 days lang yung shoot pero 2 weeks yung stay ko dito sa Italy. Bongga diba? Ano kayang nakain ni boss at ginawa niyang 2 weeks? Hays! Baka wala pang 2 weeks babalik na ako ng Pinas.
Pagkapasok ko ng CR ay nagulat ako sa hitsura ko nang makita ko ito sa salamin.
Oh no no! ang laki ng eye bags ko. Tapos... Tapos parang umitim yung paligid ng mata ko. Uwaaaaaah! Mukha na akong Panda. This can't be happening! Noooo. Huhu!
Paano naman kasi eh! Di ako nakatulog kagabi kakaisip sa nangyari. Nilamon lang naman ako ng kahihiyan. Yung ano kasi... Yung.. I looked at myself in the mirror again. Namumula yung mukha ko. Yung kagabi kasi..yung kiss! waaaaaaahh kinikilig ako >.<
Ano kayang nasa isip ni Sehun nang ginawa ko yun? Baka di niya na ako pansinin mamaya. Baka ayaw niya na akong maging kaibigan. Baka ipagtabuyan niya na ako. Uwaaaah! Bat ko ba kasi ginawa yun? Bakit bakit? Iniuntog ko yung ulo ko sa salamin, baka sakaling matauhan ako. Nasobrahan na ata pagiging fangirl ko.
Tsk -.- Pabo pabo!
"ARAAAY!!" aaaaaaaaahhh! ang sakit! Naiuntog ko lang naman ng malakas ang ulo ko. Parang naalog yung utak ko jusq. Maliligo na nga lang ako.
Pagkatapos kong maligo't magbihis ay dumiritso na ako sa baba para kumain. Nauna nang pumunta si Zoe sa set. May aasikasuhin pa daw kasi siya dun kaya naiwan ako. Pero buti nalang at may sundo ako. Hinatid niya ako sa isang company.
Pagkababa ko ay tinignan ko agad yung pangalan ng building.
'X Mag Italy' yung nakalagay.
Wow kung may X Mag Korea may sa Italy din. Same company lang ata to but in different places. So ito pala yung isa sa pinakamalaking magazine company sa buong mundo.
Pumasok na ako sa loob. Lumapit ako sa Information desk para magtanong kung saan gaganapin yung photoshoot. Sinabi niyang nasa 3rd floor daw kaya dumiritso na ako sa elevator. Parang may kabayong nagkakarera sa dibdib ko kasi ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan na naman ako dahil sa nangyari kagabi. Hoooo!
Pagkabukas ng elevator ay dumiritso na ako sa exact place kung nasaan silang lahat.
Sinilip ko muna ang loob. Nandon na sila lahat. Ba't ang aga ata nila? Di man lang ata ako na-inform, anebe.
I looked for Sehun and I spotted him na inaayosan ng make up artist. Shocks! Paano ko siya haharapin nito?
Tumalikod muna ako sa pinto saka huminga ng malalim. Tinignan ko na din muna ang sarili ko sa salamin. Hmmm, wala namang dumi, ayos lang din mukha at make up ko, dyosa pa din naman ako. Hahaha!
Humarap na ako sa pinto at huminga ng malalim sa huling pagkakataon. Hahawakan ko na sana yung door knob nang bigla itong bumukas at saktong tumama sa mukha ko yung pinto kaya't napaupo ako sa sahig.

BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanfictionEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...