- Jang's POV
Nagising ako nang tumama sa mata ko yung sikat ng araw. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
Bumungad sakin ang nakabukas na bintana at ang isang di pamilyar na kwarto.
Napabangon ako at nagpalinga-linga. Inalala ko kung ano ang nangyari kagabi.
Napahawak nalang ako sa tenga ko nang maalala ko yung tattoo. Medyo mahapdi pa ito.
Bumalik kami sa hotel pagkatapos naming magpa-tattoo saka ko binigay yung polaroid kay Sehun.
Tapos....Tapos...
Nanlaki ang mga mata ko.
Wait, diba kwarto 'to ni Sehun? At oo nga pala. Magkatabi kaming natulog kagabi.WAAAAH! Magkatabi kami. Waaaaahaaaa!! Pero oy, walang nangyaring milagro ah? Magkatabi kami pero di namin ginawa yung.. yung alam nyo na. Exercise ng mag-asawa yun. Lol.
Wala na si Sehun sa tabi. Napangiti nalang ako. Para kasing ang hirap paniwalaan lahat ng mga nangyayari ngayon. Dati pinangarap ko lang 'to pero ngayon totoo na.
O baka nananaginip lang ako? Di bale na, kung panaginip lang 'to ayos lang kahit di na ako magising, pft.
Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Naabutan ko naman si Sehun sa kitchen na naghahanda ng pagkain.
Napatingin ito sakin kaya nginitian ko siya. Ngumiti din ito pabalik.
"Good Morning Beautiful," bati niya.
Beautiful daw? Ang ganda naman ng pambungad niya sakin. Umagang-umaga kinikilig na ekesh.
"Morning handsome," bati ko din sa kanya na siyang ikinangisi nito.
"Musta tulog?" he asked.
"Maganda."
"Kasi katabi mo 'ko?" he asked while grinning from ear to ear at tinataas-baba pa ang kilay niya.
Aba'y! Ang lakas niya talaga mang-asar eh 'no?
"Di ah?! Wag feeling," sagot ko sabay iwas ng tingin. Feeling ko nag-iinit ang mukha ko.
Tumawa lang ito saka inaya na akong kumain.
"Kailan ka babalik ng Pinas?" biglang tanong nito kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.
"Uh, Next day na.."
Tumango-tango ito. Next day na nga pala ang uwi ko. Wait ano na mangyayari saming dalawa? Hanggang bukas nalang ba kami? Correction... Wala nga palang kami. Hindi niya naman ako niligawan eh. Ano lang kami, parang M.U lang? Aish ewan~
Pero paano na nga?
"Uhm, Oppa...""Hmmm?"
"What's your plan? uhm, I mean... di na ba tayo magkikita ulit? o kahit magkaroon man lang ng communication after that?" I asked.
BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanficEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...