- Jang's POV
I..I saw Sehun with someone. Ang ganda nung babae kahit naka sideview lang. Mukha siyang artista. Ang sakit, ang sakit sa mata. Huhu! bakit sila magkasama?! Sino siya? Ito ba yung sinasabi ni Sehun na may appointment? Sehun, waeyo? Ugggh! Nanggigigil ako putspa!! Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko. Grrr.
"HOY! Halika na! Ba't kaba tumigil na parang nadikit kana dyan sa sahig. Halika na!" tawag sakin ni Zoe ngunit di ko siya pinansin kaya't lumapit ito sakin.
"Ano bang problema? At ano tinitignan mo dyan? Huh?" tumingin din siya sa direksyon ng tinitignan ko.
"Ah, gusto mo magkape? Tara pasok tayo," hihilahin niya na sana ako kaya't pinigilan ko siya.
"Waaag!" napalakas yung boses ko kaya pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan.
Kumunot ang noo ni Zoe.
"Ano ba kasing kadramahan mo't tinititigan mo yung Starbucks? Ngayon ka pa nakakita niyan?" nakapameywang na siya sa harap ko.
"Sobrang sakit sa mata."
"Ang alin? Yung ilaw ba? Kung masakit sa mata eh bakit mo tinitignan? Sinasaktan mo lang talaga ang sarili mo," aniya.
Umiling ako tapos tumingin sa baba. I sighed bago tumingin sa kanya ulit saka tinuro yung kinalalagyan nila ni Sehun at nung babaeng ugh na siyang sinundan naman ng tingin ni Zoe kung saan ako nakaturo.
"Oh my G, si Sehun? Wala na, finish na Jang."
"Hindi, hindi yan si Sehun. Hindi talaga," sarkastiko kong sagot.
"Ay! grabe siya oh? Antaray mo teh ah! But sure ka bang mata mo lang ang sumasakit? Paano si puso? Haha!" pang-aasar niya.
"Wala na, deads na! Huhu :< Sino ba kasi yang babaeng yan? Inagaw niya bibi ko." I pouted.
"Alalahanin mo siszt na hindi naman naging sayo si Sehun kaya wala siyang inagaw. Saka baka girlfriend niya yan. Ano ka ba? Tara na nga. Wag mong pakialaman ang date ng dalawa. Give them privacy. Move on ka nalang mamsh. Don't forget na may sarili ding buhay si Sehun kaya gora na," hinila niya na ako paalis pero di ako nagpatangay.
"Pero si Sehun..." I whined.
"Baliw ka na nga. Gusto mo batukan kita dito ngayon na para matauhan ka't marealize mong wala ka talagang pag-asa kay Sehun?"
"Ang sama mo talaga sakin. Sisiguraduhin ko talagang tatatanda kang dalaga."
"Whatever," inirapan niya na naman ako saka hinila paalis sa lugar na yun.
Ang hilig talaga umirap ng babaeng to. Baka pag tumagal ma-stuck na yung itim ng mata niya sa taas kakairap.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod nalang sa kanya. Nawalan na ako ng gana. Ang bigat ng pakiramdam ko. Gusto ko na bumalik sa hotel. Ayoko na.
Waaaah! Bat ba kasi ako umaasa kay Sehun? Tanga ko naman. Syempre it's possible naman na girlfriend niya yun. Eh ang tanga ko lang talaga para mag assume na may pag-asa ako sa kanya kahit wala naman talaga. Pero wala naman akong nababalitaang may girlfriend na siya eh! Hays!

BINABASA MO ANG
Fangirl's Diary: Secrets & Lies [Completed]
FanfictionEstorya ng isang fangirl kung saan nagtagpo ang landas nila ng kanyang long time ultimate kpop bias. Copyright © 2019 by Dyoliciousoo ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mea...